This Annoying Boy 1

22K 445 71
                                    

Dedicated to christinerachel, hi friend! :) So eto na, ang pagsisimula..

_______________________________________

FIRST WEEK OF JUNE

•KATHRYN's POV•

"Baks, oh, my gosh!"

"Baks, grabe!!!'

"Kapal ng mukha niya ha!!"

"This is real!!"

"HOY! Ano ba pinagsasabi niyo diyan? Parang mga ewan eh." Totoo naman kasi. Naglalakad kami sa mall tapos biglang magsasalita yung mga bakla mong kaibigan na parang shunga.

"Eh kasi baks.." Juls.

"Ano?" Nagtinginan sila ni Miles pagkasabi ko nun.

"Eh kasi nga.." Miles.

Tumigil ako. Ayaw pa magsalita eh.

"Eh kasi.." Sabay sila. Sinamaan ko na sila ng tingin. "Kasi nga may sumusunod sayo na tao.." Ha?

"To make it clear, hindi lang simpleng stalker or tao.." Juls.

"Isang walang kwentang tao!" Miles.

"Which is ang ex mo!"



Napatigil kami sa paglalakad. Ay mali, ako lang pala. Si Dj sumusunod sakin? Kapal naman no'n.

"Seryoso ba kayo? Nasaan?" Napatawa nalang ako.

"Huwag mo pahalata na lilingon ka ah. Nasa likod mo, bandang left. Nagtatago sa may poste." Miles.

"Okay."

Lumingon ako sa sinabi niyang direksyon. Shit. Napalaki mata ko at nabitawan ang phone na hawak ko.

"Ay! Jusko, Baks! Sayang tong iphone five na ito nako huwag mo naman ibagsak. Kay-bago bago nito, ibabagsak mo? Akin nalang para dalawa iphone ko!" Hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni Juls.

Sinusundan niya ako?



"Mga Baks, sigurado ba kayong sinusundan niya ako? Baka naman nagkataon lang na nasa iisang mall siya." Nakatingin parin ako sakanya.

Mukha nga siyang ewan eh. Pilit niyang tinatago ang sarili niya do'n sa likod ng poste pero huli ko na siya. Akala niya 'di ko pa siya nakikita.

"Hindi, Baks. Tuwing nagmo-mall tayo, lagi ka niyang sinusundan! Actually, kahit saan tayo pumunta sinusundan ka pa rin niya! I'm not kidding. Tignan mo 'tong mga text niya sa'kin." Binigay sakin ni Juls ang iphone niya. Weirdo nito eh, nakaiphone na nga, hinihingi pa sakin yung akin.

Nagulat ako sa mga nakita kong text ni Dj kay Juls.

Julia, please payagan mo na ako kausapin si Kath.

Please, Julia. Mageexplain ako kay Kath. Hindi ko naman intensyon 'yun eh.

Julia, mahal ko ang bestfriend niyo. Payagan mo naman ako kausapin siya.

Sabihin mo kay Kath na magreply sa mga text ko, please.

Nagmamakaawa ako sa'yo. Wala lang talaga ako sa tamang pagiisip nung nakipagbreak ako. Please, Julia.

This Annoying Boy! [Kathniel] [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon