This Annoying Boy 2

18K 377 68
                                    

I'm so so so so sorry for the late update! :( I was busy in school works so yeah :( Sorry talaga.

**********************

•KATHRYN's POV•

"Jusko, Baks! Bakit hindi mo siya pinigilan halikan ka?"

Tulala parin ako. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Pero ang laki ng epekto sa'kin. Nakapagmove-on naman ako, 'diba?

Masaya ako sa dalawang buwan na single ako. Hindi na ako umiiyak nang sobra. Exept sa first three weeks. Nabaliw kasi ako nun.

"Masyadong mabilis ang mga nangyari. Tsaka paano ako makakaiwas? Wala na akong maigalaw kanina para makaalis." Ako.

"Ano na mangyayari sainyo?" Miles.

"Ewan ko. Tara na nga't umuwi. Wala na 'kong gana." Nagkatinginan silang dalawa bago sumang-ayon sakin.

**~

Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang hawakan ang labi ko. Hanggang ngayon, nararamdaman ko parin ang malalambot niyang labi sa labi ko.

Bumabalik na naman ba? Ewan ko, hindi ko masasagot sa ngayon. Naguguluhan talaga ako.

"Akala mo nakapagmove on na, pero 'yung totoo, mahal na mahal pa niya. Ayaw lang sabihin kasi nasaktan ng sobra."

Napatingin ako kay Juls. Binigyan niya ako ng makabuluhang tingin. Hah! Huwag niyo akong ganyanin.

"Sige lang, baks, nakapagmove-on ka na, diba? Oh, bakit ka tulala diyan ngayon? Apektado sa kanina? Nakoooo."

Ayan. Pinagtutulungan nila ako. Ako, apektado? Of course not! Siyempre nagulat lang ako sa mga nangyari!

"Kunwari ang lakas lakas niya pero deep inside gusto nang manlumo sa sobrang sakit."

Nakakainis na ah!

"Ano ba? Nakapagmove-on na ako! Nagulat lang naman ako sa mga nangyari eh. It doesn't mean na hindi pa ako nakapagmove-on! Come on, I'm a strong girl now. Hindi na ako 'yung Kathryn na obsessed, addicted, at possessive. Hindi na rin ako 'yung fragile na taong kilala niyo noong fourth year high school tayo." Haba ng aking speech ano.

"Ang haba, te, 'di ko kinaya. Pero yes, it doesn't mean na kapag tulala ka na ay 'di ka pa nakapagmove-on pero there's another thing.. Why did you cry earlier?" Juls.

"I didn't." Lie. Naalala ko yung kanina. Niyakap niya ako at iyak siya nang iyak.. Ang tamlay ng boses niya.. Ang laki ng pinagbago niya.. Naluha ako nun.

"Seriously, Sa amin ka pa nagtago ng katotohanan? Sa mga kaibigan slash kapatid mo na? Baks, hindi gagana 'yang pagsisinungaling mo lalo na't samin mo pa 'yan tinago." Miles

"Ano bang itatago ko? Hindi naman talaga ako umiyak, ah. Hindi talaga, swear."

"Suuuuus. Ano ba gagawin namin para mapaamin ka na naiyak ka talaga nung niyakap ka niya?" Juls.

"Juls, Miles, hindi talaga ako umiyak, okay? Kung ano ano iniimbento niyo sa nangyari kanina eh!"

"Gusto mo, idescribe pa namin 'yung exact na nangyari eh. Exact talaga, te! Ano, describe na natin, Juls, oh!" Miles.

This Annoying Boy! [Kathniel] [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon