Chapter 7- At the Resort

1.4K 48 5
                                    

Manager Kayla's Picture at the Right Side :)

Tiffa's POV

"This one, or this one??" Sabi ko sa sarili ko habang hawak-hawak ang mga hangers na may mga dress na naka-kabit.

"Yung sa kanan."

"Ay palaka!!" Sigaw ko sa gulat. Lumingon ako at nakita ko si Kristie na halos mapa-upo na sa sobrang tawa.

"Oh my God Kristie! Kailan ka pa ba nanjan? Ginulat mo ako!"

"Ngayon lang naman ate. Want some help packing your clothes?" she said while slightly laughing.

"Yeah, sure." Tapos nag-roll eyes ako.

Habang namimili kami ng damit para sa alis ko bukas, lumingon sakin si Kristie at biglang nanlaki ang mga mata niya.

"Ate, kanino galing yan??" tapos tinuro niya yung nasa dibdib ko..

"Etong necklace?" tanong ko habang hawak-hawak ito. Tumango siya habang medyo malaki parin yung mga mata sa gulat.

"It's from Clyde." sabi ko habang nakangiti. Namumula ba ako?? Someone please tell me. nokokohiyaaaa...

"Ooooohh.." Sabi niya habang tumatango-tango. "You must be happy huh. Hmph. Vote parin ako kay Kuya Ethan!" she said while giggling.

Binato ko sa kanya yung damit na hawak-hawak ko at tumawa nanaman siya ng super lakas.

"Kelan ka ba titigil Kristie? I don't like Ethan. Got it?"

"Deny mo pa ate! Hahaha! Well, gagawin ni Kuya Ethan ang lahat para magka-gusto ka sa kanya. At tutulong ako!" Sabi niya at pumalakpak.

"Tumahimik ka nalang jan at pilian mo nalang ako ng mga dadalhin ko bukas."

"Okay, okay. Chill lang ate! Hot ka na masyado." Umiling lang ako at tinawanan siya ng mahina.

Matapos ang ilang minuto, nakatapos narin kami ni Kristie mag-empake para sa alis ko bukas.

"Ate, ok na yan ha. Need any more help?"

"Uh, wala naman na. Thanks Kristie!" sabi ko sa kanya.

"Sige ate goodnight!" sabi niya. Lalabas na sana siya pero pinigilan ko.

"Where's my goodnight kiss?" Sabi ko ng nakangiti. Kiniss lang ako ni Kristie sa cheeks. Sweet ba masyado?? :D

"Goodnight ulit ate! Dream of Kuya Ethan!" she said while she was giggling. Pinalo ko lang siya ng mahina sa braso.

"Matulog ka na nga! Ang dami mong alam eh." sabi ko ng patawa at tinulak siya palabas ng kwarto ko.

She was just laughing ng marinig kong nag-ring yung phone ko. Someone texted me.

"Sige na, matulog ka na. Sweet dreams." sabi ko sa kay Kristie. Nginitian niya lang ako at lumabas na siya ng tuluyan sa kwarto ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa table ko at humiga sa kama ng patumba. Si.. Ethan?

-"Do you really like him?"-

Anong pinagsasabi nito? Ma-replyan nga.

-"Who are you reffering to? Gabi na tinetext mo pa ako."-

Matapos ang ilang segundo, nag-ring ulit yung cellphone ko. Ang bilis niya mag-text ha.

-"Sino pa ba? Edi yung 'so called' Clyde mo."-

My Childhood Sweetheart (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon