Chapter 6: Broken Hearted Ethan

1K 51 3
                                    

Tiffa's POV

*tok tok tok*

Mmppphhhh..Nagising ako.

Wait. ......Everything was just a dream??

Hindi kami umalis ni Clyde? Hindi ako nabastos?

At... Hindi nag-confess sakin si Ethan?

Teka. Pano ba ako nakatulog??

(Flashback)

After ng meeting, dumiretcho na ako sa office ko para kuhain ang mga gamit ko nang biglang pumasok si Amber.

"Mam, sabi po ni Mr. Smith na baka ma-late daw po yung alis niyo kasi kakausapin pa daw po siya ng isa sa mga board members."

"Ah ganun ba? Okay. You may now leave."

After niya lumabas, umupo ako sa swivel chair ko at humarap sa crystal wall just behind my table. Isinandal ko ang ulo ko sa upuan and I closed my eyes. It was indeed a very tiring day.

I guess I'll just have to wait for Clyde.

Sa sobrang pagod ko, hindi ko namalayang naka-tulog na pala ako.

(End of flashback)

Nakabalik na ako sa realidad when I realized na may kumakatok pala sa pintuan.

"Come in."

Pumasok si Clyde. Umupo siya sa sofa sa may gilid ng office ko but not that far from me.

"Aalis na ba tayo?" I asked.

Bigla siyang napakamot sa ulo. He only does that when he's uncomfortable, in panic, or guilty.

"Are you okay? Is everything alright?" Tanong ko sa kanya.

"Hey ummm... Hindi muna matutuloy yung hangout natin ngayon. May emergency kasi sa bahay eh. Nagka-lagnat daw si Gab at kanina pa ako hinahanap. Sorry Tiff. Maybe next time??"

Si Gab yung younger brother niya. He's 5 years old. You really can't deny the fact na mahal na mahal niya si Gab. Clyde wanted a baby brother so bad and akala nila na hindi na magkaka-anak uli ang mommy niya. But whattaya know? Miracles do happen.

"Is that so? Don't worry. Okay lang. You must be missing Gab for a long time so it's really okay." Sabi ko and gave him a reassuring smile.

"Thanks Tiff. Don't worry. Babawi talaga ako sayo next time." Sbi niya at tumayo na sa sofa. Aalis na sana siya nang bigla siyang lumingon sakin.

"Oh I almost forgot."

May kinuha siya sa bulsa niya na isang maliit na box.

Lumapit siya sakin at kinuha ang kamay ko at ipinatong ang box dito.

"What's this?"

"A little something from Paris."

Na-curious ako so I opened it. It was a beautiful silver heart-shaped necklace. Maliit lang yung heart but it still looked so pretty and gorgeous.

Tiningnan ko siya with a big smile on my face.

"Tingnan mo yung likod ng heart."

Na-curious ulit ako so tiningnan ko yung likod. May naka-engrave na "Clyde" sa likod ng heart.

"Kaya may naka-engrave na pangalan ko jan para whenever aalis man ulit ako, at least malapit lang ako sa puso mo."

My Childhood Sweetheart (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon