Twenty-Six

79.7K 1.6K 94
                                    


Batid ko na maaaring matuklasan ni Ezq ang gagawin ko pero desidido na akong alamin kung ano ang itinatago niya sa akin.

"Jessica," bulong ko.

"Bakit, Sophie?"

"Can I ask you a favor? Magpunta ka sa address na ito." Palihim kong inabot kay Jessica ang papel na pinagsulatan ko ng address ng PCBC Tower.

In-instruct ko siyang mag-request sa receptionist sa lobby ng PCBC Tower na mag-iwan ng message sa office ni Kiefer na gusto kong magkita kami sa isang restaurant mamaya. Nagbilin ako na bago umalis si Jessica ng PCBC Tower ay siguruhin niyang nakarating kay Kiefer ang mensahe ko.

"Ako'ng bahala." Lumabas si Jessica.

"Fifty dozen ice cream cones ang bibilhin mo, ha!" sigaw ko. Siyempre, palabas lang iyon para hindi maghinala ang mga nagbabantay sa akin na iba ang gagawin ni Jessica.

"Hindi ko kakalimutan!" Kumaway pa siya sa akin bago nagpatuloy sa paglalakad.

Habang naghihintay ako sa resulta ng lakad ni Jessica ay kinakabahan ako. Ano ba itong ginagawa ko? Sana, hindi ito pagsimulan ng malaking away sa pagitan namin ni Ezq.

Gusto ko lang namang maging maayos sa amin ang lahat. Paano iyon mangyayari kung mayroon pa kaming hindi nalilinis sa relasyon namin?

After forty minutes, nag-text si Jessica: Ok na, Sophie. Kasasabi lang sa akin ng secretary ni Kiefer na pumayag siyang makipagkita sau mmya.

Nakahinga ako nang maluwag pero mas lumakas rin ang kaba ko. Anu-ano ang mga malalaman ko mula kay Kiefer? Ano ang magiging epekto niyon sa pagtingin ko kay Ezq?

Pagsapit ng lunch time, sinundo ako ni Ezq. Pinilit kong umakto nang normal nang pumunta kami ng Abbey Shopping Mall para mag-lunch sa Mexican restaurant niya roon. Binanggit niya ang tungkol sa pagpunta namin sa Europe. Mukha siyang aligaga. Parang kung maaari niya lang hilahin ang oras ay ginawa na niya.

"Okay lang ba talaga na iwan mo kay Harvey ang mga business mo nang matagal?"

"Of course. He's good in business, almost as good as me."

"Nagkakausap ba kayo ng parents mo?"

"Yes. Alam nilang bibisitahin natin sila sa Romania."

Tinapos na namin ang pagla-lunch dahil may appointment siya nang one thirty.

"Dito muna ako sa mall. Maghahanap ako ng mga damit na madadala ko sa Europe."

Nag-hesitate siyang iwan ako. "Mamayang gabi ka na lang mag-shopping. Para masamahan kita."

"Okay. Pero magwi-window shopping pa rin ako ngayon kahit one hour lang. Medyo naiinip ako sa ice cream parlor. Nakatayo lang ako doon at hindi makapaglakad-lakad."

"Tatawagan ko ang bodyguards mo."

Bodyguards ko? Baka 'kamo spies mo!

"For what? Para bantayan ako rito? Sheesh! Pati ba naman rito, Ezq? Magwi-window shopping lang ako. Hindi ko ba iyon puwedeng gawin na tulad ng isang normal na tao?"

"Sasamahan kita habang hindi pa sila dumarating. Saan mo gustong unang magpunta?"

Shit! Parang wala na naman siyang narinig. Hindi talaga siya papayag na walang magbabantay sa mga kilos ko!

"Bahala ka!" Tinalikuran ko siya. Pumasok ako sa unang boutique na nakita ko.

Nasa likuran ko si Ezq, kausap sa phone ang tauhan niya, inuutusan ito na pumunta agad sa kinaroroonan namin.

RELENTLESS LOVE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon