"What? Wait for me, baby. I'm coming over," sabi ko nang marinig ang sinabi ng asawa ko.
Tinawagan niya ako sa cell phone ko, nagtatanong kung okay lang na sa labas na kami mag-lunch mamaya ni Enrique dahil hindi siya makakapaghanda ng lunch sa chateau. Nagsuka raw siya nang may makain siyang hindi tinanggap ng sikmura niya kanina. Dalawang oras na raw siyang nakahiga at masama ang pakiramdam.
"No need, Ezq. Nasa trabaho ka—"
"Uuwi ako. Hintayin mo ako," giit ko. Bumaling ako sa supervisor ng winery. Sinabi kong aalis ako. Pinuntahan ko si Enrique na tumutulong sa mga tauhan sa winery sa paglilinis ng mga bariles. "Enrique, we're going. Come on, my boy."
Agad siyang tumakbo palapit sa akin. "Where are we going next, Daddy?"
"Home. Your Tita Sophie's not feeling well."
Binuhat ko na si Enrique para mas mabilis kaming makalabas ng malawak na winery. Nag-aalala talaga ako kay Sophie. Ayoko na nahihirapan siya. And since I was the reason why she was pregnant, pakiramdam ko kasalanan ko na nahihirapan siya sa kalagayan niya. Damn.
"Maglaro ka muna. Pupuntahan ni Daddy si Tita Sophie," utos ko kay Enrique pagdating namin sa chateau. Halos lumipad ako paakyat sa hagdan.
Sa master suite, nakapamaluktot si Sophie sa kama. Agad ko siyang dinaluhan.
"Bakit umuwi ka pa? Sabi ko, huwag na."
"Paano naman ako makakapagtrabaho kung alam kong ganito ang kalagayan mo, baby?" Kinuha ko ang kamay niya. It was clammy. Pati mukha niya, walang kulay. "You don't look so good. Do you want me to take you to the hospital?"
She rolled her eyes. "I'm pregnant, not sick."
"Ano ba ang nakain mo kanina?"
"Kumain ako ng anchovies sa bread. Then nagsuka na ako for thirty minutes. It was so painful."
Damn it.
"Till now, parang gusto kong mag-throw up."
"Gagawa ako ng soup. Baka makatulong iyon para kumalma ang tiyan mo."
"I don't want to eat anything."
"But we have to try something, baby."
"Bahala ka nga." Nakasimangot na nagtalukbong siya ng kumot.
I went downstairs again. Tumatakbong lumapit sa akin si Enrique.
"Daddy! Ano'ng gagawin mo?"
"I'll make soup for your Tita Sophie."
Sumama sa akin si Enrique sa kitchen. Para may magawa siya, iniupo ko siya sa ibabaw ng lamesa at pinag-assemble ko siya ng ham and cheese sandwiches na mamemeryenda niya. Naghanda naman ako ng chicken and soup with herbs. Nag-toast na rin ako ng bread in case na maghanap si Sophie ng mas mabigat sa tiyan.
"Dadalhin ko ito sa Tita Sophie mo. You finish your sandwich and milk, Enrique." Binuhat ko ang food tray. Bumalik ako sa master suite.
Nakatalukbong pa rin si Sophie. Ibinaba ko ang food tray sa night table. Umupo ako sa gilid ng kama niya.
"Hey, baby. Humigop ka muna ng soup."
"Ayoko." Na-imagine ko siyang naka-pout.
"Nilagyan ko ito ng calming herbs. This is good for you." Hinila ko ang kumot sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
RELENTLESS LOVE ✔️
RomanceR-18 Completed A major lust attack and mindblowing fireworks. Ang mga iyon ang naranasan ni Sophie Saavedra matapos makaengkuwentro sa isang street party si Ezequiel "Ezq" Delhomme, a man so mouthwateringly gorgeous she felt as if she could devour h...