"Ezq, we'll be late! Let's go!" tawag ko sa asawa ko pagkakuha ko sa bag ko.
Lumabas siya ng bathroom, and I caught my breath. Naka-suit siya dahil papasok kami sa trabaho. Malago pa rin ang buhok niya, hindi tulad nang makilala ko siya noon. And he had a two day's worth of stubble on his face.
We've been together for almost a year, and this gorgeous man still never fails to take my breath away.
Kinapa niya ang stubbles niya nang makitang tinitingnan ko iyon. "Hindi na naman ako nakapag-shave this morning."
Nilapitan ko siya at hinawakan ang magaspang na pisngi at baba niya. "But I like it. You should keep it." Gusto ko kapag gumagaras ang stubbles niya sa balat ko. Mas nararamdaman ko ang pagiging feminine ko na contrast sa masculinity niya.
"Okay. For my baby, I will." Nakangiting dinampian niya ng halik ang mga labi ko. Pagkatapos ay hinawakan niya ako sa likod at hinaplos ang mabilog na tiyan ko. Ang hilig niyang gawin iyon. For a moment or two, dinama ko lang ang tranquillity na nakabalot sa amin habang nasa ganoon kaming posisyon.
I felt so complete.
Mayamaya ay lumayo na ako sa kanya. "Kailangan na talaga nating umalis. Kanina pa tayo late."
Lumabas kami ng chateau. Inaalalayan ako ni Ezq hanggang sa pagsakay sa Ferrari niya. Nag-drive siya papunta sa main office ng Delhomme vineyard.
Nang makuha namin si Enrique sa Pilipinas at bumalik kami ng tahanan namin sa Bordeaux, France, sinabi ko sa asawa ko na gusto ko na uli na magkaroon ng career. Tingin ko, puwede na iyon dahil na-achieve na namin ang goal namin na magkaroon ng full trust sa isa't isa at maging very secured sa pagsasama namin. We already had a very strong marriage.
At first, parang nag-worry siya dahil nga buntis na ako pagkatapos ay gusto kong mag-work. Pero nang sabihin ko sa kanya na iniisip ko na maging new secretary niya para matulungan ko siya sa pagpapatakbo sa vineyard, kumislap ang mga mata niya at hindi na siya tumutol. Of course. Tuwa niya lang na magkakasama kami buong araw.
Kaya mula noon, araw-araw ay magkasama na kaming pumapasok sa office. 'Yong dati niyang secretary, inilipat niya sa ibang posisyon.
Si Enrique ay in-enroll namin sa isang international school sa Bordeaux. Kahit hindi pa siya marunong mag-French, hindi siya mahihirapan dahil English ang gamit sa pagtuturo doon.
Sa hapon, pagkatapos ng mga klase niya, inihahatid siya ni Pierre sa office. Pagdating niya ay uupo na agad siya sa table ni Ezq para magtanong sa ama niya ng kung anu-ano tungkol sa vineyard at iba pang may kinalaman sa business. Ang cute nilang tingnan. Tingin ko, magiging kasinggaling talaga ni Ezq si Enrique sa pamamalakad ng business balang-araw dahil matalino siyang bata.
Habang nakatingin sa nadadaanan naming ubasan, sumandal ako sa upuan. Nakababa ang roof ng Ferrari ni Ezq. I could feel the pleasant warmth of summer sunshine on my face. Hindi ko napigilang ngumiti sa kaperpektuhan ng buhay ko ngayon.
Gaya ng maraming babae, pinangarap ko na makapag-asawa noon. Na-imagine ko ang sarili ko na kasal sa isang mabait at gentleman na executive. A perfect man like my dad. Titira kami sa isang village. Ang mga anak namin ay mag-aaral sa private schools. Magiging masaya at tahimik ang pagsasama namin.
Then came Ezq. Bad boy nang makilala ko, but a thousand times more interesting kaysa sa executive na na-imagine kong pakakasalan ko. At siya pala talaga ang perfect fit sa akin dahil kailangan ko pang mag-grow as a person, as a woman. 'Yong mga pinagdaanan namin, nakatulong para maging mas mature ako, at siya rin. Masarap sa pakiramdam na alam kong malaki ang naging part ko sa pagkabuo ng pagkatao ni Ezq. Na nagtulungan kami para marating namin kung nasaan kami ngayon.
"What are you thinking? Why are you smiling?" tanong ni Ezq nang sulyapan ako.
"Iniisip ko ang dream ko noon."
"Yeah?" He looked curious. "Care to tell me about it?"
"Hindi na kailangan. Na-realize ko na mabuti na nanatiling dream na lang iyon dahil mas maganda pa doon ang nakuha ko: ikaw, si Enrique, si Sam, ang France." Tumingin ako sa paligid. "Minsan talaga, mas maganda ang reality kaysa sa kayang buuin ng imagination natin."
Naramdaman ko ang pagkuha ni Ezq sa kamay ko at hinalikan niya iyon. "I never dreamed I would find you too, baby. But I'll be forever thankful that you came into my life, to make my world this beautiful."
I smiled at him. Ang layo na ng narating namin, Ezq and I. Pero alam ko na lalo lang gaganda ang pagsasama namin dahil bawat araw ay pupunuin namin ng pagmamahal sa isa't isa at sa mga anak namin.
---
Malayo pa ang due date ni Sophie, sobrang kabado na ako. Halos hindi na nga ako makatulog dahil gusto ko na gising ako just in case na bigla siyang mag-labor sa kalagitnaan ng gabi.
Kabaligtaran ako ni Sophie na kalmado lang. Hindi siya nag-aalala sa panganganak dahil ang mommy niya raw, never nahirapan sa panganganak. Hindi nakatulong ang reassurance niya sa akin para kumalma ako.
Kaya isang araw, nang nasa trabaho kami at bigla niyang i-announce na humihilab ang tiyan niya ay nataranta ako. Pagtayo ko, tumama pa ang tuhod ko sa table ko. Kinuha ko agad ang bag na gagamitin sa panganganak ni Sophie na palagi naming dala saan man kami pumunta.
Dinala ko siya sa Ferrari. Nang nagmamaneho na ako ay napamura ako dahil nanginginig ang mga kamay ko. Dapat pala, tinawagan ko si Pierre para siya na ang nag-drive para sa amin papuntang hospital.
Tumawa si Sophie. "Ezq, relax."
"I can't when my wife is in labor. Alam mong ayaw kong nahihirapan ka. Masakit ba?"
"Oo, pero kaya ko naman." Ngumiwi siya nang magkaroon uli siya ng panibagong contraction.
"Shit!" Mas binilisan ko ang pagda-drive. Dapat pala nagpatayo na ako ng clinic sa tabi ng chateau para hindi na namin kailangang bumiyahe nang malayo kapag manganganak na siya. Damn!
Pagdating namin sa hospital, ineksamin siya ng doctor niya. Handa na raw lumabas ang baby namin kaya dinala siya agad sa delivery room. Na-relieve ako na hindi na siya nahirapan sa mahabang pagle-labor, but at the same time, dumoble ang nerbiyos ko.
Nakuha ko na ang permission ng hospital na makapasok ako sa delivery room kapag nanganak si Sophie kaya nandoon rin ako. Hawak-hawak ko ang kamay ng asawa ko, pinapalakas ang loob niya.
Samantha must be an angel dahil hindi na rin masyadong nahirapan si Sophie sa delivery room. Ilang "push" lang at narinig ko na ang iyak ng baby ko. I was stunned when I finally saw her. So little. So beautiful like my Sophie. An angel indeed.
"She's healthy," nakangiting sabi ng doctor. Inilapit niya si Sam sa akin para makarga ko. Tumigil sa pag-iyak ang anak ko, as if she recognized who was holding and staring at her in wonder and with so much love. Her father.
I got teary-eyed. Maingat na inilapag ko si Sam sa tabi ni Sophie para makita rin niya ang baby namin.
"She's so beautiful, Ezq," emosyunal na sabi niya.
"She is. May babantayan na si Enrique hanggang paglaki nila."
I kissed Sophie's forehead. God, my life was so perfect. Thank You.
THE END
BINABASA MO ANG
RELENTLESS LOVE ✔️
RomanceR-18 Completed A major lust attack and mindblowing fireworks. Ang mga iyon ang naranasan ni Sophie Saavedra matapos makaengkuwentro sa isang street party si Ezequiel "Ezq" Delhomme, a man so mouthwateringly gorgeous she felt as if she could devour h...