Thirty-Seven

93.7K 1.9K 67
                                    

Pagdating namin sa Abbey Shopping Mall, dumaan kami sa isang sporting goods store ni Ezq. Binilhan ako ni Ezq ng mga damit at rubber shoes na Nike lahat ang tatak para makapagpalit ako.

Nasa lower ground floor ang ice skating rink. Wala nang tao roon maliban sa staff pagdating namin ni Ezq. Napaka-efficient talaga ni Harvey.

Si Ezq ang pumili ng skates para sa akin. Nakaupo siya sa harapan ko habang isinusukat sa mga paa ko ang third pair ng skates na kinuha niya. 'Yong dalawa kasing nauna, maluwag sa akin.

"Let's see kung okay na ito. Naigagalaw mo ba ang paa mo sa loob?"

"Hmm, no. Walang space."

"Good. Ganoon talaga dapat para hindi ka mahirapang i-maneuver ang skates sa ice mamaya. But is it too tight though?"

"No."

"Are you sure?"

Natawa ako. "Yes. Masyado mo naman itong sineseryoso, Ezq."

"Ayokong magka-blisters ang mga paa mo. I love your feet."

"Lahat naman ng body part ko, love mo."

"True." Nagkislapan ang mga mata niya. "It's only right that I care for every part of you because you're my property. Akin ang bawat bahagi mo."

Tumawa na naman ako habang pinapaikot ang mga mata. Talagang inangkin na niya ako? Kulang na lang yata, lagyan niya ng pirma ang katawan ko. Oh wait, ginawa na niya iyon dati.

Pumunta na kami sa rink. Tinuruan ako ni Ezq na mag-skate. Marunong siya dahil nag-a-ice skating at skiing raw siya noong nakatira pa siya sa Europe.

Madali akong natuto. After one hour lang, nabibitiwan na niya ako. Hindi na ako masyadong natatakot na bumagsak sa yelo dahil itinuro sa akin ni Ezq kung paano i-break ang fall. I just had to bend forward and touch my knees para mabawi ko ang balanse ko. Kaya ko na ring mag-stop at mag-turn on my own.

"Do that turn again, baby," sabi n Ezq.

Umikot uli ako nang dahan-dahan. "Like this? Tama ba ang ginagawa ko?"

"Yes. So graceful."

Umikot na naman ako dahil natutuwa ako na nagagawa ko na iyon. Napansin ko na sa mga hita ko nakatingin si Ezq kapag nagte-turn ako.

"Mr. Instructor, iba yata ang inaasikaso mo? Sinisilipan mo ang estudyante mo." Kaya naman pala skirt ang binili niya sa akin, may binabalak siya!

"Sorry, baby. I can't help staring at you." Lumapit siya sa akin at isinara ang jacket ko. "Nilalamig ka ba?"

"No."

"Tell me if it's getting too cold for you." I'll warm you up in no time, sabi ng mga mata niya.

Ngumiti ako. "Okay."

Nagpatuloy kami sa pag-i-skate. Ilang oras kaming nagpaikot-ikot sa malawak na rink habang magkahawak-kamay. Wala akong kasawaaan kahit medyo namimintig na ang mga binti ko. Nag-e-enjoy ako nang husto.

Niyakap niya ako mula sa likuran habang nagga-glide kami sa ice. His warmth enveloped me. Mas sumaya ako. It was a dream date for me. I would never forget it for the rest of my life.

Gabi na kami umalis ng ice skating rink. Pumunta naman kami ng coffee shop. Hindi ako nagko-coffee kaya hot chocolate ang inorder ko. Doon na rin kami nag-dinner dahil past nine p.m. na. We ate pasta and bread.

"Hindi naman pala ganoon kahirap mag-skates. Kung kailan twenty-three na ako, saka pa lang ako natuto."

"Ngayon ka pa lang kasi nakakilala ng magaling na skating instructor."

RELENTLESS LOVE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon