Chapter 2: Typical Fights

1 0 0
                                    


Nina's POV

Nako, ako naman ang maghahanap kay Cath ngayon. Mas maaga kasi siyang nadismiss eh.

Ang gulo gulo talaga ng mga freshmen dito sa cafeteria. Yung bang nakakastress yung pagkadami nila. Hahaha! Ang gulo talaga. Parang zoo!

Teka! Ako nga pala si Nina Chey V. Cambria. Di gaanong katangkaran. Medyo kilala sa campus. Maganda naman. Psychology ang kursong kinukuha ko.

Oo, best friend ko si Cath. Engineering naman ang kinukuha niya, ganoon din sina Aljer at Arvic. Naging inseparable kami for the past 5 months. Mabilis naming nakuha ang loob ng isa't isa marahil dahil na din ito sa araw araw kaming nagkikita.

Mag bestfriend kasi ang mga boyfriend namin. At lagi kaming naiiwang mag-isa pag may aasikasuhin ni Arvic at Aljer.

Si Aljer Mike P. Esme ang boyfriend ko. Basketball varsity. Gwapo, maappeal. At kami ni Cath ang dakilang tagahintay nila.

Ang oras kasi ng training nila ay 11:00 AM to 1:00 PM. Araw-araw namin silang hinihintay.

Buti nga naging close kami ni Cath eh, kung hindi malamang mag-isa akong naghihintay. Hindi kasi namin ka-close yung GF ng ibang mga varsity.

Haaayy.

Speaking of Cath, nasaan na nga ba siya? Nag-aaway kasi kami ni Aljer. Kailangan ko ng stress-reliever, sure ako si Cath lang ang makakapagpagaan ng loob ko ngayon. Itetext ko na nga lang siya.

"Uy tol, ang ganda talaga niya oh." - Boy 1

"Yung naka puti ba? Oo nga eh. Mag-isa niya bro oh. Tabihan kaya natin. Hehe." - Boy 2

"Mga ulol! Tumigil na kayo. Taken na yan. Crush din yan ng pinsan ko eh. Pero nag let go na lang at naghanap ng iba. Ano ba namang laban niya sa boyfriend na varsity." - Boy 3

Na-distract naman ako sa usapan ng tatlong lalaking nakatayo sa tabi ko. Dahil na din sa curiosity, pasimple kong tinignan kung sino tinutukoy nila.

Napangiti na lang ako noong nakita ko kung sino ang tinutukoy nila.

Aba, sino pa nga ba't ang dakilang bestfriend ko.

"Hahaha. Mga kuya, thank you ha? Tinulungan niyo akong mahanap ang best friend ko." Sabi ko nalang, habang dumadaan sa harap nilang nakangiti. Hahahaha.

-

Cath's POV

"Best, nasestress ako! Urgh!" - Nina

Ay jusme! Nagulat pa ako. Naku mukhang bad mood ang best friend ko.

"Ginulat mo naman ako best. Umupo ka nga muna." - Cath

Umupo si Nina.

"Oh kalma! Haha. Bakit? Sino kaaway natin?" - Cath

"Naku best, yang si Aljer may babae yata. Nag-aaway kami ngayon." - Nina

"Ha? Bakit? Paano mo nalaman?" - Cath

"Eh kasi kahapon habang nagkaklase kayo, kinalkal ko FB niya. Meron 'tong isang girl na halos araw-araw niya sinesearch ang profile!" - Nina

"Hala. Ano name?" - Cath

"Sarah Mari Laza. Mukha namang poser." - Nina

"Alam ba niya na nakita mo yon?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Diretso ko siyang tinanong kahapon. Hindi siya makasagot. Nakakainis. Nakakasawa na bes." Sagot ni Nina.

"Hala bes. Kaya mo yan. Nako talaga yang Aljer na yan." Sabi ko. Lately kasi medyo napapadalas ang mga away nila Aljer at Nina eh.

Just Say You'll StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon