A/N: Mga loves, maglalagay na ako ng mga date para masundan. Hehehe. May laktaw laktaw of days kasi. Hehe.
- Ella
September 4, 2015
Arvic's POV
"ARAAAAAAAYYYYY FIIIIIIIY!!" Sigaw ko. Pinipingot kasi ako ni Cath.
"Nakakainis ka kasiiiiiiiiiiii." Panggigigil niya.
Ang cute cute talaga ni Cath. Hahahaha. Kahit nasasaktan ako, natatawa nalang ako sa ginagawa niya.
"Okay lang. Gwapo naman." Sagot kong tumatawa.
"Ano?! Paano daw yun nairelate sa sinabi kong nakakainis ka?" Sabi niya.
"Slow mo hon." Pangaasar ko sa kanya.
Lalo pa siyang napikon. Hahaha. Ang cute cute talaga niya. Para kasing bata si Cath kapag napipikon eh. Ang sarap asar asarin tapos lambingin pag nagtampo.
Dismissal na kasi namin. Naglalakad kaming dalawa papunta sa paradahan.
"Hmp. Bahala ka na nga." Sagot niya tapos nag walk out.
Hinayaan ko muna siya. Alam ko namang mahahabol ko siya eh. Hahaha. Noong malapit na siyang makalabas sa gate ng campus, sinundan ko na siya. Nang nakalapit na ako sa kanya, pasimple ko siyang inakbayan. Tapos bumulong ako.
"Ang liliit kasi ng mga hakbang mo hon, naabutan tuloy kita." Bulong ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin, patuloy parin siyang naglakad.
"Libre kita sa Bon Chon hon." Sabi ko sa kanya.
Tinignan niya ako tapos hinalikan, smack lang naman. "Tara na garud." Sabi niya.
Napatawa na lang ako. Favorite kasi si Cath doon at favorite niya din ang kumain. Hahahaha.
"Bilis biiiiiy, kupad mo naman." Pang-aasar niya.
"Eto na po." Sagot ko.
-
September 10, 2014
Cath's POV
"Bes, may kakaiba kay Aljer. Mula nung nagkabalikan kami, parang may iba. Di na tulad ng dati." Sabi ni Nina.
"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko.
"Ang bilis niya magalit ngayon. Konting bagay lang galit na siya." Sagot ni Nina.
"Hala. Bakit naman kaya ganon? Pero okay naman kayo ngayon?" Tanong ko.
"Oo naman. Pero yun lang napapansin ko sa kanya. Medyo nag-iba." Sagot ni Nina.
"Baka may problema lang sila bes. Minsan ganyan din si Arvic eh. Tsaka alam mo naman IBC nanaman ngayon, todo training nanaman. Alam mo naman si coach sobrang tatadtarin nanaman sila sa training." Sabi ko.
IBC Season nanaman kasi ngayon eh, Interschool Basketball Competion International. Kapag dumarating tong season na ito, aaminin ko mahirap sa part namin ni Nina bilang girlfriend. Manunuod kami ng mga laro nila Arvic pero kapag uwian na, hindi namin sila kasama.
Lagi silang maiiwan after ng games nila. Kesyo may meeting daw kung hindi naman dinner ng team, etc.
Biiiiiy ❤ calling..
"Hello hon, napatawag ka?" Sabi ko pagkasagot ko ng tawag ni Arvic.
"Punta na kayo ni Nina dito honey. Sina Zack nagbabantay sa gate, wag na kayong pumila diretso na kayo sa entrance." Sabi ni Arvic.
BINABASA MO ANG
Just Say You'll Stay
RomanceIlang chances nga ba ang kailangan ibigay puso natin? Ilang beses nga ba tayong magtatake ng risk? Ilang beses pa bang kailangan masaktan? Sadya kasing mapaglaro ang Tadhana. Kasi kapag ang puso na ang nagdikta, hindi na tayo makakahindi. Pero nakak...