Chapter 3: Break Up and Make Up

1 0 0
                                    

Cath's POV

Kumusta na kaya yong bestfriend ko? Halos three weeks na din kaming hindi nagkikita eh. Parehas kasi kaming naging busy the past weeks. Nakakamiss din kasi siyang kasama eh.

Ang dami kasing mga kailangan gawin ngayon. Binugbog kami sa requirements. Malapit na kasi ang exams kaya ganito. Na sa VBN Campus kasi sina Nina. Nilipat kasi sila ng campus eh may kalayuan din yon dito sa main campus. Psychology kasi course niya. Eh kami nina Arvic at Aljer, engineering kaya dito kami sa main campus.

Hmm. Itetext ko nalang si Nina mamaya pagkatapos ng klase ko.

Naglalakad na ako ngayon papunta sa building P. Doon kasi ang susunod na klase ko eh.

"Bes!"

"Ay kalabaw! Ano ba yan bes ginulat mo ko, itetext sana kita para kumustahin eh. Namimiss na kita. Ang tagal na din nating hindi nagkita." Sabi ko.

"Oo nga bes eh. Bugbog kasi sa requirements. Buti nga may pinasa akong requirement dito atleast nagkita tayo." Sagot ni Nina.

Parang may iba kay Nina. Hindi na siya kasi daldal tulad ng dati at tsaka parang ang putla niya.

"Bes, okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ang putla mo kasi eh. May sakit ka ba?" Sabi ko sa kanya.

"Best wala na kami ni Aljer." Deretso niyang sabi sa akin.

"H-hha?!! Bakit anong nangyari??!!" Nauutal kong sabi. Nagulat kasi ako eh.

"Anong nangyari bes? Di ba okay naman kayo noong huling beses na lumabas tayong apat?!" Tanong ko sa kanya.

Nagkibit-balikat siya at sinabing, "Wala best eh. A week after nating lumabas, nahuli ko siyang katext yung ex niya. Okay lang sana pero ang nakakapagduda bakit kailangan niyang idelete yung recent convos nila diba?"

"Akala siguro ni Aljer hindi na magrereply yung babae kaya pinahawak niya sa akin phone niya." Sabi pa niya.

Wala na akong nasabi, nasasaktan ako para sa kaibigan ko. "H-halaa b-bes, eh kumusta ka naman?" Yan nalang ang nasabi ko sa kanya.

Ngumiti siya. "Okay lang bes. Hayaan na muna natin. Kung kami kami talaga pero sa ngayon hahayaan ko muna siya."

Dito naman ako bilib sa best friend ko. Ang strong niya kasi. Lagi siyang nagpapakatatag.

Biglang nagring yung bell. "Bes, okay lang ako ha? Labas nalang tayo next week. Male-late ka na sa klase mo eh." Sabi ni Nina.

Ngumiti nalang ako at niyakap ko siya ng mahigpit. "Text mo lang ako ha? Love you bes. Bye! Ingat ka ha?" Paalam ko sa kanya.

"Ikaw din." Sabi niyang nakangiti. Naghiwalay na kami.

-

Nina's POV

Matapos naming maghiwalay ni Cath, bumuhos na luha ko. Sobrang sakit na kasi. Hindi ko na kinaya.

*FLASHBACK*

"Babe wait lang ano? Saglit lang naman itong meeting namin." Sabi ni Aljer sabay halik sa noo ko.

Ngumiti na lang ako. Habang tinignan ko siyang pumasok. Hihintayin ko
siya dito sa labas ng room nila.

"Babe, yung phone mo pala." Pahabol kong sinabi sa kaniya.

"Okay lang babe. Hawakan mo muna. Pwede mo ding kalkalin." Natatawa niyang sabi.

Just Say You'll StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon