Chapter 4: Wrong Send

1 0 0
                                    


Cath's POV

What a tiring day! Grabe, din ang mga nangyari ngayong araw na ito. Nakakapagod din umikot ikot sa mall ano. Hahaha. Buti na lang at hindi pumalpak ang surprise namin para kay Nina.

Pauwi na kami ni Arvic ngayon. Nakataxi kami.

Ang gwapo niya ngayon, swear. Hahaha. Nakatingin ako sa kanya. Nakapikit siya tapos nakaheadset. Sumandal ako sa balikat niya tapos inisip ko mga nangyari ngayong araw. Kilala ko naman si Aljer eh, kahit gaano siya kapasaway, hindi niya kayang mawala si Nina sa kanya.

"Ang sweet nila biy ano?" Sabi ko. Tinignan ako ni Arvic.

"Hon, mambabae din kaya ako? Tapos pag nalaman mo, isurprise ka din namin sa mall." Sabi ni Arvic habang tumatawa.

"Sira ka talaga!" Sabi ko tsaka ko siya binatukan. Tawa lang siya ng tawa. Pati tuloy si kuya taxi driver tumatawa.

-

Nang makauwi ako, naalala kong ichat si Mark Reyes. Kaklase ko nung high school. Hihiramin ko kasi yung installer niya ng Vegas Pro. Gagamitin daw ni Aljer para i-edit yung video nung surprise niya kay Nina kanina. Memorable daw kasi.

Sinearch ko siya sa chat list ko sa facebook. Sakto namang online siya.

To: Mark
*type*
Bro, don't forget the Vegas installer tomo please. I need it. Thank you!

SEND!

Nag-open ako ng bagong tab sa browser. Gagawin ko na muna yung reasearch paper ko.

*Ting!*

Mark sent you a message.

Chineck ko agad yung message ni Mark kung ano sinabi niya.

"Uhm, wrong send :)" Yan ang nabasa kong sagot niya.

Nagtaka ako sa sagot niya kaya dali dali kong tinignan yung pangalan ng nagreply.

Tama naman. Mark.. Teka WHAAAAAAT?!!!

"M-Mark V-Vistreba sent you a message." Grabe. Dear lupa please lamunin mo na ako ngayon.

Oh no.

"Uhm, wrong send :)" Paulit ulit kong binabasa yung reply ni Mark. Nakakainis. Chat na nga lang magkakamali pa ako.

Ewan ko ba kung bakit pero naramdaman kong umiinit at namumula yung mukha ko. Bumibilis din yung tibok ng puso ko.

"Grabe, nakakahiya." Pabulong kong sinabi. At eto pa ha, sa dinami dami ng pwede kong machat, sa kanya pa. Dito pa sa nakakainis na lalaking ito.

Haynako. Bahala na nga. Magsosorry na lang ako para matapos na.

Typing...

Catherine (Me): Oo nga eh. Sorry :)

Mark: Hahaha. Okay lang :)

Catherine (Me): Pasensiya na talaga ha? Kapangalan mo kasi yung ichachat ko sana.

Mark: Don't worry okay lang yun :)

Catherine (Me): Sige :)

Mark: :)

Hindi ko na ako nagreply sa chat namin ni Mark.

Nag log - out agad ako matapos kong humingi ng paumanhin kay Mark. Inayos ko ang pagkakaupo ko sa harap ng computer at huminga ng malalim.

"Ate?" Napatingin ako sa taong nakatayo sa may pintuan. Si Lea pala, bunso kong kapatid.

"Yes dear?" Sagot ko sa kanya.

Just Say You'll StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon