'Cassiophia's POV'
"Okay. I'll call you by your surname" Sabi ng Teacher namin. Ngayon na yung performance namin sa Mapeh. Yung own composed namin.
Bigla namang nagbulungan ang mga kaklase ko. Kesyo kinakabahan at hindi daw sila ready. Well, kahit naman ako, kinakabahan rin. Eh, kasi nakakhiya. Baka hindi nila magustuhan yung ginawa kong kanta. And bago ko makalimutan, nahihiya rin kasi ako sa pinag-aalayan ko nito.
Since nung nangyari yun, ay hindi na kami nagpapansinan.
Nalulungkot nga ako eh. Kasi hindi na kami close at parang stranger nalang sa isa't-isa.Nagalit yata siya.. Siguro kasi nalaman niyang may gusto talaga ako sakanya... Haaaaay.
Tinaas ni Terrence yung kamay niya. Tinawag naman siya ng Teacher namin. "Ma'am, pwede po bang tula nalang? Eh, wala pa po kasing tono yung akin." TANONG NIYA.
"Yes. pwede as long as maganda yung tula niyo. " Sagot naman ng teacher namin. Tumango naman siya.
"And Terrence, start now. Your the first one in my Attendance." Ngumiti lang siya. Pumunta siya sa harapan at ----- at---- ... Tiningnan niya ba ako?
Okay Cass. Isang tingin lang yon. Malay mo, napadaan lang ng tingin. sabi ko sa sarili ko, para naman kumalma tong puso ko.
"Itong tula na to ay para sa babaeng mahal ko.." Panimula niya. Ano daw? Mahal niya?.. Parang napunit yata ang puso ko sa aking narinig..
Kaya naman pala siya lumayo sakin... Dahil may mahal na siya. At ayaw niyang mapalapit sakin dahil baka magselos yung mahal niya.
Bakit hindi niya manlang sinabi sakin? Maiintindihan ko naman siya ah.
'Malamang sa malang Cassiophia. Hindi niya sasabihin sayo yun dahil alam niyang masasaktan ka niya' Sabi ng utak ko.
Siguro nga... Ang sakit. Ang sakit- sakit lang. Akala ko kasi ay kaya niya akong mahalin. Yun pala, hanggang 'classmate' lang talaga.
"Ang title ng tula ko ay. 'Mahal Kita' " Tumahimik ang buong klase at handa ng makinig sa tula niya. Wala siyang dalang copy so ibig-sabihin ay memorize niya yung tulang ginawa niya.
Siguro ay pinagpuyatan niya talagang gawin yan. Ang swerte naman nung babae, dahil mahal siya ni Terrence.
" Simula palang ay ikaw na ang napili ko.
Ang akala mo ay kaibigan lang ang turing ko sa'yo,
Hindi ko man maamin ang totoo,
Ngunit gusto kong malaman mo na ikaw itong tinitibok ng puso ko"
Simula niya at tumingin siya---- SAKIN?! As in.
BINABASA MO ANG
CLASSMATE LANG?(ONE-SHOT)
Short StoryCLASSMATE LANG? hanggang CLASSMATE lang ba talaga ang pwede mong ma-describe sakin?eh, kasi ako dati pa kitang mahal. Nung First Year Highschool pa tayo.. Eh, ikaw? Kailan mo ba ako mapapansin? Yun bang bilang ako at hindi bilang CLASSMATE LANG.. ~~...