Special Chapter - No.

107 5 0
                                    

                'Cassiophia's POV'

"Cass, kausapin mo naman ako."

"Cass, baby, ano bang nagawa ko?"

"Cass, please talk to me"

Ilan lang yan sa mga messages niya.

I didnt even bother to reply.

Nakakainis na nakakaiyak!

" 🎵Pinapaasa mo lang ako kasi alam mo na crush kita,
Oo na crush kita,
Pambihira oh nung dati pa🎵"

Tinapon ko yung mp4 ko.

Nananadya ka ba?! Bullshit.

Oo na. Ako na ang desperada.

Bakit ba ko naniwala sa mga sinabi niya? Haay.

Beep.

I opened the message.

"Cassiophia, please talk to me. Nagmamakaawa ako"

Sigh.

Ang hirap na hindi siya pansinin.  

One week, one week ko na siyang iniiwasan.

I opened my fb account at tiningnan ung post niya.

She's with a girl. Nakangiti siya while the girl is pinching her cheeks.

Caption? I hope we'll see each other again 💓

My tear dropped.

Ang sakit.

Yung pinaasa ka sa wala?

Wag na wag kayong umasa sa mga lalaking yan! Sa una lang yan magaling. Sasabihing mahal ka pero pag nakahanap ng mas lamang sayo iiwan ka. Nakuu!

Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na.

Kahit ayoko mang pumasok ay no choice. Kailangan dahil mage-exam na.

"Ma, aalis na ako! Labyu po!" Sigaw ko saka tumakbo na palabas ng bahay.

Wala akong nadatnang tao.

Wala siya.

Teka, ano ka ba naman Cass? Umasa ka na naman? Di ka na susunduin nun!

Dati naman sinusundo niya ako kahit nagtatampo ako.

Sabagay, di na to tampo.

Habang naglalakad.

Pinagmamasdan ko ang paligid.

Wala namang nagbago, umaandar parin ang sasakyan, mga tao ay nagtatawanan, insl short umiikot parin ang mundo.

Oo nga, hindi siya ang buhay ko. Pero, mahal ko siya. Mahal na mahal. Hindi ko inakalang ang crush na yun ay mauuwi sa ganito ka lalim.

Ang saklap.

"Goodmorning Bessy!" Masayang bati ni Kyla. As usual, kailan ba naman to nawalang ng energy?

"Walang good sa morning" walang ganang sabi ko. Saka umupo sa tabi niya.

"Kaaga-aga bad mood ka? Girl! Anyare?" Sabi niya at umupo sa desk ng chair ko. Ayos ah?

"Upuan ba ang desk ko? Tabi nga!" Pagtataray ko.

"Bat ang init init yata ng ulo mo bess? Anyare? At pansin ko lang. Bakit hindi ka na ata hinahatid ni Kean?"

CLASSMATE LANG?(ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon