Kabanata 9: MGA SULIRANIN TUNGKOL SA BAYAN and 10 : ANG SAN DIEGO

1.7K 3 0
                                    


Guys! babawi ako so Two udpates! ^_^ 

Enjoy! 


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Kabanata 9: MGA SULIRANIN TUNGKOL SA BAYAN

  "Nakatakdang kuhanin ni Maria Clara ang kanyang kagamitan sa kumbento ng araw na iyon. Hinihintay na lamang siya ni Tiya Isabel sa karwahe upang tuluyan na silang makaalis ng siya namang pagdating ni Padre Damaso.

Nalaman ng huli ang kanilang pakay sa pag-alis at ito ay hindi minabuti ng pari. Bubulong bulong ito na umakyat papunta sa bahay ng Kapitan.


Sinalubong siya ng Kapitan at inabot nito ang kamay upang magmano ngunit tinanggihan ito ng Pari. Bagkus ay sinabi kaagad nito na ang pakay niya ay makausap ng sarilinan ang kapitan. Dito ay sinabi niya na hindi dapat maglihim ng kahit ano pa man sa kanya si Kapitan sapagkat siya ang pangalawang ama ni Maria Clara. 

Dapat na ring itigil ang pakikipagmabutihan ng dalaga sa binatang si Ibarra. Sinabihan din nito na and Kapitan na hindi siya dapat maghangad ng kabutihan para sa kanyang mga kaaway. Nakumbinsi ng pari ang kapitan kaya't pagka-alis ng nito, pinatay ng Kapitan ang mga kandilang itinulos ni Maria Clara para sa paglalakbay ni Ibarra pauwi sa bayan ng San Diego.


Sa kabilang dako, nagtungo naman si Padre Sybila sa kumbento ng Dominikano sa Puerta de Isabel II. Dinalaw niya ang matandang pari na may matinding sakit. Ibinalita niya dito ang mga nakaraang kaganapan, katulad ng pang-aaway na ginawa ni Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tyago. at ang pagpanig ng Tinyente diumano sa kapitan-heneral at pakikipag-alyansa kay Padre Damaso. 

Nakipagpalitan din ng saloobin ang matandang maysakit, at dito ay sinabi niya na ang pagtaas ng buwis ang dahilan ng pagkaubos nang kanilang mga kayamanan. 

Natututo na rin aniya ang mga Pilipino sa paghawak ng ari-arian. "


~~~~~~~~~~_________________~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



Kabanata : 

10 : ANG SAN DIEGO


  "Ang San Diego ay isang maalamat na bayan sa Pilipinas, matatagpuan sa baybayin ng lawa at may malalawak na kabukiran.

 Ang ikinabubuhay ng mga tao sa bayan na ito ay pagsasaka at dahil sa kakulangan sa edukasyon at kaalaman sa pagnenegosyo, nalalamangan sila ng mga dayuhang tsino. Kung pagmamasdan ang buong bayan mula sa ituktok ng simbahan, kapansin pansin dito ang isang gubat na nasa kalagitnaan ng kabukiran.


Katulad ng ibang bayan sa Pilipinas, pinamumunuan ito ng simbahan at sunud-sunuran lamang ang pamahalaan dito.

Si Padre Damaso ang kura paroko sa simbahan na iyon bago ito mailipat sa ibang bayan dahil sa ginawa nito kay Don Rafael Ibarra. Iilan lamang ang may mataas na tungkulin at kinikilala sa bayang iyon, ang mga Kastila at ilang mayayamang Pilipino.


Ayon sa alamat, may isang matandang Kastila ang dumating sa bayan ng San Diego, matatas magtagalog at malalalim ang mga mata. Bumili siya ng gubat sa pook na iyon at pinambayad ang kanyang mga ari-arian tulad ng damit, alahas at salapi. 

Hindi nagtagal ay natagpuan ang matanda na nakabitin sa puno ng isang balete. Ang pangyayaring ito ay naging sanhi ng pagkatakot ng mga tao doon kaya't sinunog ng ilan ang mga damit ng matanda at itinapon naman ang kanyang mga alahas sa ilog.


Kalaunan, dumating ang anak ng matanda na nagngangalang Saturnino. Pinagsikapan nitong sinupin ang mga naiwang ari-arian ng ama at nakapag-asawa ng isang taga-Maynila.

 Dito rin sila nanirahan sa San Diego at nagkaroon ng isang supling, si Don Rafael na siya namang ama ni Ibarra.


Si Don Rafael ay kinagiliwan ng mga magsasaka at dahil sa pagsusumikap nito, ang San Diego ay naging bayan mula sa pagiging nayon. Kalaunan, ang pamumunong ito ni Don Rafael ay naging ugat ng inggit at galit sa ilan niyang mga kaibigan. "




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'

Hello Ulit! Hahahahaha sana natulungan ko kayo.


Sorry for the wrong grammar and Misspelling

Courtesy: Noli-Me-Tangere .com

Noli Me Tangere (Watty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon