Kabanata 11- Mga Makapangyarihan

369 0 0
                                    


Kabanata 11- Mga Hari-Harian

Tinalakay sa kabanatang ito ang totoong naghahari o naghahari-harian sa mga tao. Kahit ang mga sumusunod na pangalan ay kilala, may malakas na impluwensya, may mataas na katungkulan at mayaman sa mga kanilang bayan. Si Don Rafael ay malapit nga sa mga tao ngunit wala ni isang kumampi sa kanya nang siya'y patawan ng mali (na hindi naman niya ginawa). Habang pinupuri at binubuhusan ng mga biyaya't serbisyo lamang si Kapitan Tiago ng mga taong may utang sa kanya ngunit sa likod, pangutya nilang tinatawag siyang "Sakristang Tiago." Lalo na hindi ang gobernadorsilyo ang may hawak sa kapangyarihan dahil kadalasan wala siyang ginagawa, pinapagawa, at tila bulag na tagasunod sa mga nasa taas. Binabayaran lamang niya ang Alkalde Mayor ng 5,000 piso para maupo sa posisyon. Ang Diyos ba? Hindi rin ito malinaw dahil bihira lang pinapansin ng mga tao ang Panginoon dahil lagi silang nakatuon, lagi silang humihingi ng tulong sa mga santo at santa, sa mga alagad ng Panginoon.

Ang mga totoong hari-harian ay ang kura (para sa Papa sa Vaticano) at ang alferez ng Guwardiya Sibil (para sa Hari ng Italya sa Quirinal), sa kanilang mga ugali at paniniwala pa lang ay ibang-iba na sila sa isa't isa. Si Fray Bernando Salvi ang Pransikanong kura na binanggit sa Kabanata 5, tahimik at mukhang sakitin, ay sadyang mas mabait kaysa sa kanyang hinalinhinan na si Padre Damaso. Paniniwala ni Padre Damaso na ang sagot sa pagdidisiplina at ang paraan ng pakikipag-usap sa mga Indio ay sa pamamagitan ng suntok at hataw ng baston. Dahil mahina ang dugo ni Padre Salvi, bihira siyang mamalo kung kaya dinadaan niya lamang ang mga pangungutya't tungayaw ng mga tao sa dasaling Ama Namin o hindi kaya'y sa isang sermon na maisasapabuting lahat. Halos kabaliktaran ni Padre Salvi ang alferez ng Guwardiya Sibil. Isang lasinggero, mapangahas, mapang-abusong pinuno sa kanyang tauhan at asawa ng alferez na si Donya Consolacion na isang Pilipina. Ang mag-asawa ay laging nagbabalat-kayong nagkakamabutihan sa publiko, habang kadalasang binubugbog ng alferez si Donya Consolacion. Tuwing nakahimlay sa alak ang asawa o natutulog sa siyesta lalabas si Donya Consolacion at ipapakita ang sarili na nakasuot ng mga pranelang asul at naka-kolorete ang mukha sa bintana upang pagka-inisan ang kabataan. (Marahil ito ang paraan niya ng paglalabas ng galit.) Natatangi si Donya Consolacion sa kanyang katangian na waring kailanman hindi siya humaharap sa salamin.Mga Hari-Harian

Tinalakay sa kabanatang ito ang totoong naghahari o naghahari-harian sa mga tao. Kahit ang mga sumusunod na pangalan ay kilala, may malakas na impluwensya, may mataas na katungkulan at mayaman sa mga kanilang bayan. Si Don Rafael ay malapit nga sa mga tao ngunit wala ni isang kumampi sa kanya nang siya'y patawan ng mali (na hindi naman niya ginawa). Habang pinupuri at binubuhusan ng mga biyaya't serbisyo lamang si Kapitan Tiago ng mga taong may utang sa kanya ngunit sa likod, pangutya nilang tinatawag siyang "Sakristang Tiago." Lalo na hindi ang gobernadorsilyo ang may hawak sa kapangyarihan dahil kadalasan wala siyang ginagawa, pinapagawa, at tila bulag na tagasunod sa mga nasa taas. Binabayaran lamang niya ang Alkalde Mayor ng 5,000 piso para maupo sa posisyon. Ang Diyos ba? Hindi rin ito malinaw dahil bihira lang pinapansin ng mga tao ang Panginoon dahil lagi silang nakatuon, lagi silang humihingi ng tulong sa mga santo at santa, sa mga alagad ng Panginoon.

Ang mga totoong hari-harian ay ang kura (para sa Papa sa Vaticano) at ang alferez ng Guwardiya Sibil (para sa Hari ng Italya sa Quirinal), sa kanilang mga ugali at paniniwala pa lang ay ibang-iba na sila sa isa't isa. Si Fray Bernando Salvi ang Pransikanong kura na binanggit sa Kabanata 5, tahimik at mukhang sakitin, ay sadyang mas mabait kaysa sa kanyang hinalinhinan na si Padre Damaso. Paniniwala ni Padre Damaso na ang sagot sa pagdidisiplina at ang paraan ng pakikipag-usap sa mga Indio ay sa pamamagitan ng suntok at hataw ng baston. Dahil mahina ang dugo ni Padre Salvi, bihira siyang mamalo kung kaya dinadaan niya lamang ang mga pangungutya't tungayaw ng mga tao sa dasaling Ama Namin o hindi kaya'y sa isang sermon na maisasapabuting lahat. Halos kabaliktaran ni Padre Salvi ang alferez ng Guwardiya Sibil. Isang lasinggero, mapangahas, mapang-abusong pinuno sa kanyang tauhan at asawa ng alferez na si Donya Consolacion na isang Pilipina. Ang mag-asawa ay laging nagbabalat-kayong nagkakamabutihan sa publiko, habang kadalasang binubugbog ng alferez si Donya Consolacion. Tuwing nakahimlay sa alak ang asawa o natutulog sa siyesta lalabas si Donya Consolacion at ipapakita ang sarili na nakasuot ng mga pranelang asul at naka-kolorete ang mukha sa bintana upang pagka-inisan ang kabataan. (Marahil ito ang paraan niya ng paglalabas ng galit.) Natatangi si Donya Consolacion sa kanyang katangian na waring kailanman hindi siya humaharap sa salamin.

Noli Me Tangere (Watty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon