Kabanata 12-Todos Los Santos

1K 1 0
                                    


Kabanata 12-Todos Los Santos

Naiiba ang mga tao sa mga hayop dahil binibigyan ng mga tao ng pagsamba at respeto ang mga pumanaw. Nakakapagtaka dahil kadalasan lumilitaw na labis na malalim ang ugat ng kaugaliang ito sa mga nasyong hindi gaanong sibilisado. Dati sa Pilipinas, ang buhay ang nagibibigay puri sa patay ngunit ngayon, kailangan pa ibilin ng mamatay ang kanyang buhay sa buhay. May iba't ibang uri ng pagbibigay parangal sa patay ang iba't ibang kultura ngunit, iba ang kaso sa San Diego dahil sila'y naniniwala na walang nagpapahinga ng mapayapa sa kabilang buhay o sa Purgatoryo.

Isang malawak na lupain na pinalilibutan ng mga lamat na pader ang libingan ng San Diego. Nakakalat ang mga bungo't bulaklak sa sementeryo; lupa nito'y napakaalikabok kapag mainit at puwedeng mamangka kapag tag-ulan at kadalasan, iniihian ito ng mga hayop. Nasira na ang INRI sa nakatagilid na krus ng sementeryong hindi inaalagan. Isang gabi, may dalawang lalaking pumunta sa isang puntod na malapit sa bakod na bato upang hukayin ang bangkay na nakahimlay dito. Sanay ang sepulturero sa kanyang gawain habang ang isa ay nag-aalala lalo na't nasira niya ang hilaw na bungo kaya gusto na nitong umalis. Ayon sa sepulturero, aakalain niya na isang Espanyol ang kasama dahil may nakausap siyang tao na nagtanong ng palihim tungkol rin sa bangkay. Pareho ang kanyang sagot sa kasama at sa Espanyol na inutusan lamang siya ng isang malaking kura na pinahuhukay ang labi upang ilimbing ito sa sementeryo ng Intsik, ngunit dahil mabigat raw ito... (hindi pinatuloy ng kasama at umalis sa takot).

Pagkalipas, nagsidatingan na ang mga nagluluksa, mga naggugunita sa libingan. May isang kapansin-pansing matandang lalaki sa lugar na iyon marahil wala siyang suot na sumbrero at agad naghanap ng bungo. Nang wala roon ang hinahanap niya, tinanong niya ang sepulturero at nag-alok pa siya ng pilak upang mahanap lang ang bungo. Ngunit, hindi ito alam ng sepulturero kung kaya kinagalit ito ng matanda. Nagtapos ang kabanata sa pagka-inis ng matanda. Natapos ng sepulturero ang trabaho, at habang nasa malayo ang isip ng sepulturero ngumunguya siya ng buyo.

Noli Me Tangere (Watty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon