Chapter two

15 1 0
                                    

Madrigal Brothers

Umangat ako ng tingin, mula sa kinatatayuan ko kitang kita ko ang dalawang lalaking nakatayo malapit sa coridor. Kinurot kong sarili ko. "Outch!", pumikit ako ng ilang beses pero pagmulat ko andon parin sila. Ibig sabihin ba nito' totoo to' at hindi ako nananaginip lang?".

"Asan ng hug namin?"

"Totoo nga! nandito talaga sila!.

Kuya....

Umiiyak akong tumakbo papalapit sakanila. God! I missed them so much' it's been five years since the last time na nagkita kita kami. Ni wala nga sila nong christmas at new year, mabuti nalang at kahit medyo late na ay humabol pa rin silang umuwi.

"Hanggang ngayon pala iyakin pa rin ang Frynxess ko".

Nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa, pareho silang mas lalong gumwapo. Sa kulay lang sila nagkatalo pero magkamukha parin sila.

Calyx Frox Ferero Madrigal -
The second son. Happy go lucky.
Guwapo, moreno, babaero
makulit, pasaway at loko-loko.
Sporty at talented he loved to sing and dance.

"Stop crying baby"

Pinahid ni kuya Caden ang luha sa pisnge ko, saka ako hinalikan sa forehead. Ang sweet niya pa rin talaga, kahit na suplado siya sa lahat when it comes to me ang bait-bait niya.

Caden Fred Ferero Madrigal-
He's the bachelor.
Panganay sa tatlong magkakapatid. Matangkad, mestizo and totally handsome. Seryuso't suplado
responsible and sweet. Matalino and he loves photography.

Yan ang mga kuya ko, sa sobrang pagka miss ko sakanila hindi ko napigilang maiyak. Limang taon ba naman kaming hindi nagkita.

Busy si kuya Caden sa business with Dad samantalang si kuya Calyx naman Third year college na and I heard varsity siya ng football team sa Ford University in LA. Kaya naman bihira talaga kaming magkita kita, isa nalang ang kulang si Dad. Bigla akong nalungkot masaya sana kong nandito siya.

"Kuya? Si Daddy?".

Nagkatinginan silang dalawa. Pareho nila akong inakbayan saka inakay papuntang sala, nagpatangay lang ako. Miss ko na sila at syempre kailangang maging sulit ang minsanan lang na pagkikita kita namin.

"Dad is in a business trip baby, pero sabi niya babawi siya when he came back".

Malungkot akong tumango , ano pa nga bang magagawa ko? lagi namang ganun eh. Sanay na ako kahit papano pero it doesn't mean na hindi ako nasasaktan. Masakit sa puso yong katotohanang wala na nga si mommy then hindi ko pa kasama si Daddy. But that's life! I understand that He's doing his best for us.

Naka upo na kami ngayon sa sofa, kung saan may 24 inch na Devant flat screen tv. Agad kinuha ni kuya Calyx ang remote. Let me guess nick Jr. ang channel na panonoorin niya.

"Finally! I'm really home".

Ipinatong niya ang magkabilaang braso sa malapad na sofa. Mukha na talaga siyang amboy ngayon mas lalo siyang kuminis at pumuti. Ang payat niya lang noon pero ngayon? hunk at masculine narin ang katawan niya gaya kay kuya Caden. Bigla siyang napaayos ng upo, haha! akala ko naman kong ano na.

Seryuso? hanggang ngayon cartoons pa rin kuya?

Nakisiksik ako sakanya.

"Anong panonoorin mo? Shine and shimmer? o dora the explorer?

Nag smirk siya sa akin, niyakap niya ko ng mahigpit sa leeg saka ginulo ang sabog ko narin namang buhok.

"What's wrong with Dora little sis? I'm an explorer too anyway".

Mr. Reprobate and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon