Lei's POV
"Tinetenententen.."
"Operation! Hanapin ang keso!"Seriously?! Pinagmumukha nila akong aso! Ang mga kaibigan ko talaga hay nako..
"Sige na Leice hanapin mo na~!" sigaw ni Reese.
"Teka nga! Hindi ako daga o aso! At may pang-amoy ako. Bulag lang ako pero nakakaamoy ako psh."Tumahimik naman silang dalawa.. Ahh sa wakas narealize din nila -___-
"Oo nga noh? Hahaha. Ang tanga tanga mo talaga Reese!" bintang pa ni Phynk na may pakana ng lahat. Srsly? -___-
"Coming from you ha? Na may pakana ng lahat? Nako.." sabi naman ni Phynk
"Tama na nga yan! Kumain nalang tayo. Tyaka duh? Mahiya nga kayo! Nasa school kaya tayo at nasa room pa! Ang iingay nyo.. Saan naman kayo magtatago ng keso dito?"
"Sorry nman.." sabi nilang dalawa.
"Tinago namin sa ilalim ng desk ni Maam.." dagdag pa ni Phynk
-_______-
SERIOUSLY?!
Da Hek! Yan nalang yata masasabi ko sa kanilang dalawa.
Tama ba namang dun yun itago? Kaya pala sumama ang pakiramdam ni Maam Gallago kanina allergic kasi sya sa cheese.
At tama ba namang ang isang bulag ay pahanapin ng keso at ang masaklap sa ilalim pa ng table?!
Nakoooooo! Isa nalang talaga malilintikan na sila sakin!!!!
"Nako.. Omaygosh! Namumula ka Leice! Teka may sakit kaba?" sabi ni Phynk
"Inlove kaba? Nako ha! Ang bulag pala lumalandi rin haha!" sabi ni Reese
-_____________-
NAMUMULA AKO DAHIL SA INIS ANG ENG-ENG KASI NILA !!
"Ewan ko sa inyo!" sabi ko nalang at lumabas ng room since bell na at uwian na.
Hinabol naman nila akong dalawa..
"Ikaw talaga Leice! Mamaya mabunggo ka bigla dyan." sabi ni Phynk
Hindi nman ako tanga noh? Marunong akong makiramdam kaya nga special ako eh.
"Teka wait bakit di mo ba kasama si Reese?" tanong ko dahil hindi ko naririnig ang boses nya
"Hindi eh."
"Bakit naman?"
"Binalikan nya yung cheese sa room favorite nya daw yun eh.."
-____________-
"Whatever.. paki-text na nga at ng makauwi na tayo!"
Maya maya pa ay dumating na si Reese dahil bigla ng umingay..
"Ahh tara na guys!"
Sumakay na kami ng kotse KO pero kung makaasta sila parang sa kanila ito. Mas nauuna pa silang pumasok kaysa sakin eh at sila pa ang may hawak ng susi..
"Ako ng magdadrive.." sabi ni Phynk
"Malamang tanga kaba? May kinakain ako eh. Kung gusto mo magbato bato pik kayo ni Leice.."
"Oo nga noh? Tara Leice bato bato pik tayo.."
-__________-
Bulag po kaya ako?
"Alam nyo.. ANG TANGA NIYO! Bulag kaya ako? Remember?!" sigaw ko
"Oo nga noh? Mwehehe.." sabi ni Phynk at nagsimula ng paandarin ang kotse.
Ako nga pala si Leice Bizet Nodier ang anak ng may-ari ng Nodier Enterprising at ayun nga, isa po akong bulag simula pagkapanganak.. pero sabi ng doctor special ang case ko dahil ang mga mata ko ay nanatiling normal at hindi katulad ng sa iba na may white dot yung mata ko aakalain mong nakakakita talaga. I have a deep blue eyes sabi nila at what makes me special talaga ay marunong akong makiramdam sa paligid.. Alam ko kung paano ako lalakad at kung may tao ba sa paligid ko..
"Nandito na tayo.. weee!" sigaw ni Phynk
Bumaba na ako ng sasakyan at binuksan ang gate ng wala kahirap hirap.
Nakatira kaming tatlo sa isang apartment na binili ng Dad ko para samin. May 3 rooms ito at 1 guest room.
"Ahh wala na tayong pagkain sa refrigerator guys paano toh?" sabi ni Phynk
Dumiretso talaga sya sa ref pagkapasok na pagkapasok namin dito? Ibang klase.. Sa pagkakatanda ko kakakain palang nya ng keso ah?
"Padeliver nalang tayo.. What do you guys want?" tanong ko habang hawak ang phone para tumawag sa delivery.
"McDo nalang!" sigaw ni Reese
"Hwag yun! Pambata yun eh. Jollibee nalang.." sabat ni Phynk
Mas pambata kaya yun .
"Okay na nagpadeliver na ako.."
"Anong pinadeliver mo?"
"Greenwich.." sabi ko at pumasok na sa room ko
"Siraulo talaga yun si Lei noh?"
"Oo nga.. Nagtatanong tapos sya rin magdedecide.."
Narinig ko pang bulungan nila..
Hay nako..
Kahit ganun yung mga yun, mahal ko sila. Sila lang kaya nagtiis sa ugali ko? Tsaka kahit may kapansanan ako, Hindi nila ako tinuring na iba. Tinuring nila akong normal at hindi nila ako kinaawaan. That's why I love them. Kasi ayaw kong kinakaawaan ako.
"Tawagin nyo nalang ako pag dumating na ah!" sigaw ko sa kanila dahil knowing them, uupakan agad nila yun.
Nahiga na ako at umidlip..
BINABASA MO ANG
A Glimpse On Their Hearts
Rastgele"What is the most beautiful thing that our eyes doesn't see, but our hearts can do?" "LOVE? That's the answer?!"