Bakit nga ba pag nagmamahal ay kailangan muna ninyong lagpasan ang mga pagsubok na dumadating sa relasyon niyo. Hindi porket may tiwala kayo sa isa't isa ay forever na kayong magsasama. Siyempre, hindi naman ganon kadaling pumasok sa 'boyfriend-girlfriend-relationship' kung hindi kayo handa sa pagiging mapaglaro ni tadhana.Mahirap mag expect ng marami kahit alam mo sa sarili mo na yun lang ang kaya niyang ibigay o gawin para sa iyo. Tapos, kung hindi pa sapat sa iyo ay sisisihin mo pa yung taong ang dami ng isinakripisyo para lang sumaya ka. Kaya ka nga kumuha ng 'boyfriend o girlfriend' ay para matulungan ka niya sa mga bagay bagay, para may masasandalan ka sa tuwing may problema ka. Hindi sila yung taong perpekto na kaya kang bigyan ng kahit na anong gusto mo. Tao lang din sila na kagaya mo.
Kaya sa mga taong nagmamahal diyan, wag masyadong mag expect ng sobra sa ibang tao kasi baka, balang araw marerealize mo nalang na wala na pala sila sa tabi mo. Makuntento sa kung ano ang meron ka at magpasalamat. Para hindi kayo magsisi katulad ko.
Nagpapaalala,
Liza Gomez
BINABASA MO ANG
The Positive Side
Teen FictionMinsan, sa buhay natin hindi maiiwasan ang pagiging manhid at pagpapakamartyr, alien na nga lang ang hindi makakaranas ng mga ganoong ka 'common' na bagay. Mahirap sumugal sa baraha na alam mong matatalo ka. Kailangan alam mo o expert ka na. Pero...