1

3 0 0
                                    

Bakit kaya ganon? Pag may minamahal kang isang tao ay iba naman ang gusto niya at alam mong kahit kelan ay walang makakakuha sa kanya kundi ang taong mahal niya lang din.....

Ang saklap noh. Goodluck nalang.

*****

Nag umpisa yun nung Grade 7 pa lang ako, may bagong lipat sa school namin at laging siya ang topic nila. Bilang isang tao ay hindi naman maiiwasan ang pagiging 'curious' brr! Marinig ko palang ang salita na yan ay kinikilabutan na kaagad ako. Alam niyo ba yung kasabihan na 'Curiousity killed the cat'! Ayun lang naman ang nangyari saakin ng panahon na iyon. Kung di lang kasi dahil sa salitang iyon ay hindi ako mapapalapit sa kanya.

So, ayun nga, isang araw, pangatlong araw ng panibagong taon sa school ay nacurious ako dahil hindi parin nawawala ang trending topic na may bagong transferee sa School namin. Bihira lang kasi kaming magkaroon ng new student dahil narin sa may kamahalan ang tuition fee dito. May kaya naman kami kaya nakapasok ako. Maganda ang School namin at halata ang pagiging exclusive nito dahil sa magagandang bulaklak na pumapalibot sa buong campus.

May grupo ng mga babae at bakla ang nagchichismisan sa isang sulok. Hindi ko nalang sana papansinin iyon ng may marinig akong pangalan ng tao. Nagulat ako ng bigla bigla silang nagtilian. Tumingin ako sa wrist watch ko at pasado alas sais palang naman ng umaga, 7:30 pa ang klase ko. Nagsimula akong maglakad papunta sa kanila at nangalabit ng isa sa kasama nila. Napaigtad ang babae dahil sa gulat, namimilog ang mga mata nitong tumingin sa akin.

Nag umpisa na akong magsalita sa kanya.

"Excuse me ate, pero sino po ba yung pinag uusapan niyo?" Para namang nakakita ng multo yung babae at bahagyang bumukas ang bibig nito dahil sa pagkabigla. Nagtaka naman ako sa ginawa niya at napakamot sa ulo ko. Inisip ko kung may nasabi ba akong masama at hindi siya nagsasalita. Muntik muntikan akong mahulog sa kinatatayuan ko ng bigla siyang nagtanong.

"Seryoso ka ba ate? Hindi mo ba nababalitaan sa school na may bagong lipat dito sa school natin at sobrang gwapo daw. Fafalicious!!" Sa sobrang energetic niya ay akala mo ay nakalaklak siya ng isang toniladang shabu, sukat ba namang magtatatalon habang nakataas pa yung mga kamay niya. Mukha tuloy siyang may saltik sa ulo dahil sa pinaggagagawa niya. Sayang tuloy dahil maganda pa naman siya kaso nga lang ay napaghahalataang laging high sa sobrang kulit at pagiging bubbly niya, although bagay sa kanya dahil baby face pa naman siya.

"Ah, ganon po ba. Sige po! Maraming salamat at mauuna na po ako." Nginitian lang ako ng babae at bumalik na siya sa mga kaibigan niya. Napailing nalang ako sa ginagawa nila. Hindi ba sila naaawa sa magulang nila. Dugo at pawis ang ibinibigay nila sa trabaho nila para lang makatanggap sila ng maayos na buhay at pag aaral, pero imbis na mag aral sila ng mabuti ay nagtsitsismisan lang sila ng kung ano ano.

Mabubuhay ba sila niyan? May makakain kaya sila kapag buong araw ay wala silang ginawa kundi mag chismisan. Hay nako! Kaya hindi masyadong umuunlad ang pilipinas ay dahil sa mga ganitong pagkakataon. Nakakafrustrate pa naman para sa side ng magulang nila, kapag nakikita nila ang anak nila na walang ginawa kundi ang sayangin ang pinaghihirapan nila. Nakakaawa ang mga ganoong klaseng magulang. At swerte sila kung ganon ang parents nila. Di katulad sa iba ay nambubugbog ng anak yung iba.

Kaya laking pasalamat ko nalang sa Diyos at mag isang anak lang ako. Hindi masyadong napepressure ang Mommy at Daddy ko dahil alam nila na sineseryoso ko ang pag aaral ko. Alam ko rin naman sa sarili ko na magagamit ko rin ang mga pinag aralan ko kapag nag apply na ako ng trabaho. Pangarap ko kasi maging isang writer ng libro at kapag nakagawa ako ng libro ay sisikat yon ng ilang buwan. Sa tuwing naiisip ko yun. Hindi ko mapigilang maexcite kaya pinagbubutihan ko talaga ang studies ko.

Dahil sa kanina pa lumulutang ang isip ko ay hindi ko napansin na may makakasalubong ako kaya nagkabanggaan kami. Dahil nag panic ako ay napahawak ako bigla sa balikat niya at siguro gentleman siya ay sinalo niya ako sa bewang ko at katulad ng sa palabas ay magkakatinginan kami at para bang nag iislow mo ang mundo, tapos kami lang dalawa ang tao. Biglang may mga fireworks na puputok.

Dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay napagmasdan ko mabuti ang features ng mukha niya. Una kong napansin ang matangos niyang ilong sunod ay ang mapula niyang labi, umakyat ang mata ko sa mata niya at nagtitigan kami. Kulay hazel brown ang mga mata niya. Manipis ang kilay niya at katamtaman lang ang kulay ng balat niya. Pakiramdam ko, umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko at mas mapula pa kaysa sa kamatis ito. Nataranta ako bigla, kaya naitulak ko siya dahilan upang bumagsak siya. Nakakahiya naman yung ginawa ko, ako na nga ang tinulungan ako pa ang nanakit, nasaan ang hustisya para sa kanya huhuhu.

"Naku!! Sorry, sorry po talaga at napaka clumsy ko." Wala akong pakialam kung nakakahiya man ang ginagawa ko, ang importante ay makahingi ako ng tawad dito sa gwapong lalaking ito. Inabot ko ang kamay ko sa kanya senyales na tutulungan ko siya para makatayo. Nang hawakan niya ang kamay ko ay parang may dumaan na kuryente sa kamay namin kaya nabitawan ko ulit yung kamay niya. Bumagsak ulit siya at feeling ko ay napalakas pa yata dahil impit siyang nag aray. Huhu patay na talaga!

Tinulungan ko ulit siyang makatayo at this time kahit may naramdaman ako ulit na kuryente ay hindi ko nalang ito tinuunan ng pansin. Hawak hawak ng lalaki ang bewang nito na halatang may iniindang sakit. Nakonsensya naman tuloy ako. At bilang pambayad manlang sa kamalasan na pinaramdam ko ay nag volunteer akong dalhin siya sa clinic.

Paika ika kaming naglakad papunta doon habang nakaakbay siya sa akin. Pagpasok namin ay sinalubong kami ng nurse at kulang nalang ay lumuwa ang mata nito ng makita kung sino ang pumasok sa clinic. Ako na ang kumausap sa kanya dahil yung pasyente ay busy pa sa sakit na dinadamdam niya.

"Good Morning po! Nabagsak po kasi itong kasama ko kaya nadala ko po siya dito ng wala sa oras. Pwede po bang pacheck nalang po sa kanya?"

"Ayy,, oo naman iha, halika at dalhin mo muna siya sa kama dito para naman komportable siya." Sinunod ko ang sinabi nung nurse at inalalayan ko siyang makaupo. At least, kahit konti ay nakatulong ako. Sa sobrang pag aasikaso ko ay hindi ko namalayang 7:25 na pala at malapit ng mag umpisa ang klase ko. Buti nalang at malapit lang yung building ko dito sa clinic. Napansin siguro ng nurse yung pagkabahala ko kaya sinabi niya na lang na siya na ang bahala sa lalaki at pumasok na ako sa klase ko. Nagpasalamat ako at sinabing babalikan ko nalang siya pagkatapos ng klase ko. Tumango nalang ang nurse kaya nagmadali akong tumakbo papunta sa klase ko. Sumilip ako ng isang beses sa lalaki at nahuli ko siyang nakatingin saakin. Umiwas nalang ako ng tingin at lumabas na ng clinic.

The  Positive SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon