Magmahal ka sa tamang panahon pero wag kang magmahal sa tamang panahon pero maling tao...
Patay. Ang malas mo kung ganon :P
*****
-kringgg!!-
Nang marinig ko ang tunog ng bell ay inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako nagpaalam sa adviser ko na bababa ako para kumain. Ang sinungaling ko nang bata huhuhu wag sana akong makarma kaagad Lord :( -poink!- aray! Kakasabi lang eh.. Ayan clumsy ka talaga Liza, hindi mo manlang namalayan na may tubong nakausli sa may poste, ayan tuloy nakipagbeso pa tuloy ako sa lupa wahh! Tumingin ako sa paligid at nakita ko yung isang kaklase ko na nagpipigil ng tawa. Grabe naman siya :( hindi ba siya nagkakamali at tinawanan pa ako. What a gentleDOG haha :) Engeng na yata ako at pati sarili ko kinakausap ko na. Hmp! Bahala na nga, pupuntahan ko nalang si Koyang pogi ;)
Habang naglalakad ako ay buhat buhat ko ang mga gamit ko para sa next subject ko, which is English. Malapit na sana ako sa pinto ng clinic kung hindi lang umepal si bangs ko at hindi niya tinakpan ang mata ko. Ayun, saktong pagtanggal ko ay siyang pagsalpok ko rin sa glass door ng clinic huhuhu malas yata talaga ako ngayong araw na ito eh. Sumilip ako sa loob, at nung wala akong makita ay tinakpan ko ng kamay ko ang mga mata ko para hindi ako masilaw. Nakita kong mahimbing na natutulog si koya habang si ateng nurse naman ay may ginagawa sa desk niya.
Since, wala rin namang nakapansin ay nagkunwari nalang akong walang nangyari. Tinulak ko ang pinto at tumunog yung chimes ng maingay. Napatingin saakin si Ateng nurse kaya ngumiti ako. Ngumiti rin naman siya saakin at nagsenyas na wag raw akong maingay at baka magising si koya. Nagpaalam ako na sasamahan ko si koya at tumango ito. Nakatiptoe akong naglakad para hindi ako makagawa ng ingay. May nakita akong upuan sa gilid ng kama ni koya kaya naman ay naupo ako dun. Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Hay! Ang gwapings talaga niya.
Hindi ko alam kung anong sumapi saakin at ginawa ko ang sobrang nakakahiyang bagay na ito. Tinrace ko ng daliri ko ang buong mukha niya. Papunta na sana yung daliri ko sa lips niya nang biglang dumilat siya kaya naman ay napabalikwas ako ng upo, eh ang kaso nga lang naout of balance ako kaya muntik muntikan na naman akong makipaghalikan kay lupa. Whew! Nakakahiya yun kung ganun. Nakakahiya! Nahuli niya akong ginaganun ko siya. Betchabaygulay!! Lupa, lamunin mo na ako ngayon na please!! Naramdaman ko na naman ang pamilyar na pag init ng aking pisngi. Huhuhu!
"Sorry po kung naiistorbo ko kayo pero kailangan ng uminom ng gamot ang pasyente." Dahil kita sa peripheral vision ko ay nakita kong nakangiti ng nakakaloko si Ateng nurse kaya tinakpan ko ng sarili kong buhok yung mukha ko. Shemay! Ayoko na.. Lord patawad na po huhuhu!! Mahinang tango lang ang naisagot ko kay Ate at umalis na ako sa tabi ni koya para makadaan si ate. Napalunok ako ng mapansin na titig na titig si koya sakin. Lalong uminit ang pisngi ko. Nasapo ko tuloy yung mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan. Ayan kasi!
Ilang sandali ay lumabas na si ate at kami nalang ni koya ang natira. Ang awkward naman nito. The silence is killing me! Sana may music dito sa clinic para naman gumaan ang mood. Laking pasalamat ko nang biglang magsalita si koya.
"Anong pangalan mo?" Eh? Ako ba kinakausap niya? Hindi ba obvious Liza, baka katabi mo, napatingin tuloy ako sa katabi ko at pakiramdam ko nagsitaasan ang balahibo ko. Ano ba yan! Tinatakot ko lang naman yung sarili ko eh. Sige na Liza magsalita kana, wag mong paghintayin si Koya.
"Liza Gomez po" Shaks! Ang hirap naman ng ganito, anubey nakakailang naman... Nagkunyari akong inubo para maiwasan ang sphere ng awkwardness. Tumikhim siya kaya naman ay napatingin ako sa kanya. Nakasmirk siya kaya napatulala ako. Kyahhh!!! Ang wafu naman talaga.
"Ilang taon kana?" Seryoso koya Q and A ba ito para sa interview ko, para maging wife mo haha ang taas talaga ng mga pangarap ko sa buhay *smirks* okiedoks, seryoso na..
"14 years old po.." Narinig ko siyang nagbuntong hininga at parang may binulong siya pero hindi ko narinig dahil busy ako sa pagpapagaan ng atmospehere namin.
"Psst!" 0_0 may mumu kaya dito? Bakit parang may narinig akong sumitsit sa akin, malala ka na Liza, sobrang FilAm (Filipina Ambisyosa) ka na. Tumigil ka na nga at baka masapok ka pa ni koyang pogi.
Dahil sa naisip ko, napalingon ulit ako kay koya at nakita ko na nakakunot ang noo niya. Eh siyempre, ako namang si feeling close eh nagtanong. Fc teh?
"Bakit po?" Sa hindi ko malamang dahilan, bigla nalang sumakit yung ulo ko na para bang hinahati ito sa gitna. Napaungot ako sa sobrang sakit. Maya maya may mga iba't ibang imahe ang pumapasok sa isip ko. Yung time na umalis si mama dahil nag away sila ni papa, tapos may bata na blurred sa utak ko,, pinipilit kong mukhaan yung bata pero kahit anong pagpupumilit ang gawin ko ay wala pa rin akong makita. Meron pang pumapasok na mga imahe sa utak ko pero mga hindi ko na maalala.
"Oy,oy, okay ka lang ba miss?" Hindi ko napansin si koya dahil busy ako sa pagmamasahe sa sintido ko, pakunti kunti naman ay nababawasan ang sakit. At dahil hindi naman akong pinalaking bastos ng tatay at lola ko ay sinagot ko parin siya, pero halata sa boses ko na wala ako sa mood, dahil ang lamya.
"A-ah o-o-opo, sumakit lang po bigla yung ulo ko hehe" Napabuntong hininga ulit si koya. Sa hindi ko malamang dahilan, parang biglang naging familiar saakin si koyang pogi at feeling ko ay nakita ko na sya, hindi ko lang matandaan kung saan.. Hmmm,, hayaan na nga lang at baka sa imagination ko lang yun. At dahil sa wala naman na akong magawa ay pinuntahan ko nalang si ateng nurse para itanong kung kamusta na ang lagay ni koyang pogi. Naabutan ko siyang nagsusulat ng kung ano sa isang papel.
"Hi ateng! Kamusta na po si koya?" Kahit halata naman kay ateng nurse na nagulat siya ay ngumiti lang siya at sumenyas na lumapit ako, nakatayo lang kasi ako malapit sa part ni koya. Lumapit naman ako.
"Okiedoks na siya kaylangan niya lang inumin yung gamot na sinulat ko dito sa ma Rx. Makakalabas na siya maya maya, siguro pwede na sa uwian." Nakuntento naman ako sa sagot ni ateng kaya dinampot ko nalang yung reseta at nagpasalamat kay ateng bago ako tumuloy sa susunod na klase ko. Babalikan ko nalang ulit si koya dito mamaya.
BINABASA MO ANG
The Positive Side
Teen FictionMinsan, sa buhay natin hindi maiiwasan ang pagiging manhid at pagpapakamartyr, alien na nga lang ang hindi makakaranas ng mga ganoong ka 'common' na bagay. Mahirap sumugal sa baraha na alam mong matatalo ka. Kailangan alam mo o expert ka na. Pero...