Love at first....... chat?

27 3 1
                                    

Have you ever felt neglected. Or not being appreciated? Yun bang lahat na nang effort nagawa pero ni masabihan nang 'congratulations!' Hindi nila magawa.

Ako si Heidee Santillan isang senior student sa St. Anne Academy.

Straight A student, best debater, best in Math, Best in Science, Best in Literature, Lahat nang best nasa akin na! Pwera lang sa iisang bagay.. wala naman nakaka-appreciate nito.

Bakit kamo?

Una sa lahat, ulila ako. Namatay daw ang nanay ko sa pagpapanganak sa akin. Yung tatay ko? Hindi ko kilala. Biktima daw kasi nang rape ang nanay ko, sabi nang lola ko na nagpalaki sa akin.

Si Lola Maxine, siya ang kumupkop sa akin. Siya ang nanay nang mama ko pero kahit sa kanya ako lumaki, malayo ang loob ko sa kanya. Malaki kasi ang galit niya sa akin, dahil daw sa nangyare sa mama ko.

Pangalawa........ panget kasi ako!

Tampulan ako nang tukso sa eskwelahan ko. Kahit pa ako na ang halos bumuhay sa pinapasukan ko pagdating sa mga inter academic competitions, bale wala pa rin kasi hindi ako maganda! Or so they say.

"Ready ka na ba Heidee?" Tanong ko sa sarili ko.

"Oo naman! Aja!" Sagot ko.

Dahil wala akong kaibigan, sarili ko lang ang parati kong kausap. Baliw lang diba?

Bumaba ako at nakita ang lola ko na naghahanda nang almusal.

"Magandang umaga po!" Bati ko.

"Kain na. Eto baon mo!" Sabay lapag nang Isang daang piso sa hapag kainan.

Mayaman ang pamilya nang mama ko, kaya kahit papano maswerte pa rin ako. Maganda ang skwelahan ko, maayos ang mga sinusuot ko, nakakakain ako tatlo o higit pa sa isang araw. Ano pa ba ang mahihiling ko diba?

"Ano ba naman yang itsura mo Heidee? Ang panget mo! Ni hindi ka man lang mag-ayos!"

Napatingin ako sa suot ko. Naka plain white na mejo oversized shirt, naka skinny jeans na faded grey, naka sneakers at naka pony ang buhok. Maayos naman ah? Anong gusto ni lola? Mag make up ako?

"Hayaan niyo na po."

"O siya, pumasok ka na. naaalibadbaran ako sa'yo."

"Sige po."

Akmang lalapit sana ako para magmano pero itinaboy niya ako, kaya hindi na lang ako tumuloy!

"Kuya Gary.."

"Good morning ma'am. Tara na po?"

"Sige po kuya!"

Si kuya Gary, siya ang driver ko. Oo, KO! May sarili ako nang lahat.. yaya.. chaperone.. driver.. sabi kasi ni lola!

Mejo mahaba-haba nanamang biyahe ito kaya facebook muna..

*beep*

From: inlab aku sayo

Hi!

Sorry, hindi mo nga pala ako kilala. Ako si Xavier! school mate mo yung tropa ko. Dito ako sa katapat na school niyo. Pasensya na kung dito kita unang kinausap.. hindi kasi kita matsempohan sa school niyo, palagi ka rin kasi may sundo. pero sana, magka chance na magkausap tayo in person no? Kasi alam mo, matagal na kitang Crush! Palagi kita inaabangan sa mga competitions mo! At saludo ako sa talino, sa bait at sa ganda mo! until next time Ms. Santillan.

nabato ako sa kinauupuan ko. Sino ang taong ito? At Crush niya ako? Papaano? kailan pa?

Sino ka ba talaga..... Xavier?

Laleedj's One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon