Marini's POV
Ayan na naman siya dumadaan sa harap ng classroom namin
Tuwing 8 ng umaga ng Monday at Friday dumadaan siya sa harap ng classroom kung nasaan ako
Isang simpleng lalaki pero malakas ang dating lalo na pag naka ngiti
Siya si Joshua Esteves, 16 years old, grade 9
At ako? ako si Marini Barmain isa ring 16 years old at grade 9 na studyante, isang simpleng babae na hinde kapansin pansin
Simula nung December siya dumadaan daan sa harap ng room ko
Kasali siguro siya sa student council at isa siya sa mga naka assign na mag asikaso sa JS prom ng school namin
February na at dalawang linggo nalang ay JS na namin
------
Pagkatapos ng third subject namin ay lunch break na namin, papunta ako sa CR ng mahagip ng mata ko ang isang Joshua Esteves na busy at parang may pinapaskil sa bulletin board
Kinuha ko ang oportunidad na yun para makausap siya
"Ummm.. E-excuse me... Ummmm ano po yan?" mahiyang sabi ko sabay turo sa pinaskil niya sa bulletin board
"Ah ito? ito yung naisip kong gimmick sa JS natin, isang anonymous letter bale lahat ng studyanteng a attend ng JS ay bibigyan ng heart shape na papel at pwede nila isulat ang gusto nilang sabihin sa isang tao or pwedeng magconfess sa taong nagu gustuhan niya at ihuhulog nila ang papel sa box na makikita sa labas ng office ng guidance tapos pipili kami ng 100 na pinaka maganda or nakaka kilig na message at babasahin sa prom, bale ito lang yung announcement na pwede mabasa ng mga studyante tapos mamaya maga announce kami sa cafeteria, gawa ka ah!" mahabang paliwanag niya sakin
"Ito oh!" sabi niya sabay abot sakin ng heart shaped paper
"Ay! dalawa na ibibigay ko sayo, ayan, ikaw ang unang bibigyan ko ng puso" sabi niya sabay ngiti sakin
Kinuha ko na ang dalawang papel at dali dali umalis at tumakbo
Syeeeeeeet! that smile! tapos kinilig ako masyado sa sinabi niya sakin
--------
Pagkauwi ko agad agad ako nagkulong sa kwarto ko at kinuha ang dalawang heart shaped na papel, isang green at pink pala binigay niya sakin
Tinago ko ang pink na papel at sinulatan ang green"hi Joshua! simula ng nakita kitang dumaan sa harap ng room ko hinde ko na maintindihan ang sarili ko, hinde ka maalis sa isip ko at lage na kitang hinahanap hanggang sa na realize ko na crush na kita, hinde ko dapat nararamdaman to kasi alam kong wala ako pag asa sayo, at alam kong mababasa mo ito kahit na hinde ito basahin sa prom, sana mapagbigyan mo ako na makilala ka pa lalo
Magkita tayo sa harap ng bulletin board kung ok lang sayo pagkatapos ng JS prom"Ayan! pwede na siguro itong letter na to, hayy
Nakakahiya pero since anonymous naman ito gora na!-------
Isang linggo palang bago dumating ang JS ay inayos ko na ang susuotin koHinde ko alam kung bakit ako nae excite dapat mas nangingibabaw sakin ang kaba kasi sigurado akong nabasa na ni Joshua ang letter
-----
Kinabukasan pag ka pasok ko napansin ko na nakatambay si Joshua sa bulletin board at nakangiti
Napatingin siya sakin at ningitian ako at lumapit siya sakin
"Hi! hinde ko man pala natanong name mo, bigla ka kasi umalis nung binigay ko sayo yung mga papel, ok ka lang ba? may nasabi ba ako?" sabi niya na may pag aalala
"A-ahhhh w-wala.... Ano kasi eeeh ummm... CR.... ah! naiihi na kasi ako nun! tama! hahaha!" palusot ko
"Ah ganun ba... Ako nga pala si Joshua" sabi niya sabay ngiti at inilahad niya kamay niya na nagpapahiwatig ng hand shakeJusme! para naman hinde ko alam pangalan mo! whooo! matagal ko ng alam ang name mo full name pa nga eh with middle name pa
"Marini naman name ko" sagot ko at ngumiti rin at nakipag shake hands sakanya
Juice colored! ang lambot ng kamay parang hinde lalaki yung nag mamay ari ng kamay na ito
"Marini? how cute... Just like you" sabi niya atsaka ngumiti ulit
Uminit bigla mukha ko sa sinabi niya at hinde ko alam ang ire react ko
"Your face is turning red, may lagnat ka ba?" concern na tanong niya at inilagay ang palad niya sa noo ko
"hinde ka naman mainit, bakit kaya? gusto mo samahan kita sa clinic?" concern na pagkakasabi niya
Tinapik ko ang kamay niya at tumakbo palayo
Jusko, ang rude ko ah! sorry na sobrang kinikilig kasi ako-------
Simula ng araw na yun lage ko na siya nakikita sa bulletin board, at tuwing nagkikita kami lage na niya ako kinakausap, kilala na nga siya agad ng mga friends ko
Naging close kami agad at mas lalo ko lang siya naging crush"May date kanaba sa JS prom? siguro meron no? cute ka pa naman" sabi niya sabay ngiti
"Naku josh tigilan mo ako wala akong panlibre sayo kaya wag mo na ako bolahin, saka wala akong date o ano man, wala nga nag yaya sakin maliban sa mga friends ko eh" parinig ko sakanya
"Ah ganun ba? Ibig sabihin lahat kayong magkakaibigan ang magkakasama? wala man lang isa sainyo ang may date? Eh si jake, hinde ka niyaya?" tanong niya ulit sakin
"Bakit naman ako yayayain ni Jake? friends lang kami" sagot ko
"Friends lang kayo? Bakit may gf ba siya?" tanong niya ulit
"Walang gf yun saka para ngang bf ang hanap nun eh hahaha di ba nga bisexual yun" sagot ko ulit--------
At the end of that day hinde niya pa rin ako inaya na magkasama kami sa JS prom-------
The day ng PromTatlong oras nalang bago mag prom, naka kulot na ang buhok ko at nilalagyan na ako ng make up
Bigla ako naka receive ng text"Mar, sabay na tayo pumunta sa venue, sunduin kita sainyo one hour before mag start ang prom"
Om ems galing to kay Joshua
"sige lang josh :)"
Message send
Yiiiiiieee im so excited and kinikilig ❤
---------
Pag ka dating ni Joshua samin ay unang bungad niya sakin ay ang pag compliment sakin at isang ngiti at katulad ng sinabi ni Joshua sinundo nga niya ako samin at sabay kaming pumunta sa venue ng prom ng school namin"Sana maging successful to kinakabahan ako" sabi ni Joshua sa sarili niya
"Wag kang kabahan josh, magiging succesful tong prom don't worry na ayos niyo naman lahat eh" pagpapakalma ko sakanya
"Hinde ako sa prom kinakabahan kundi sa... Basta! malalaman mo din mamaya..." halata nga sa boses niya na kinakabahan siya at hinde siya mapakaliMaya maya nagsimula na ang prom, first dance ko si Joshua at hinde ko inaasahan na bibigyan niya ako ng rosas pagkatapos namin sumayaw
Naging maganda at masaya ang takbo ng promNang matapos na ito nagpaalam saming magkakaibigan si Joshua na may pupuntahan lang siya, siguro sa bulletin board
Pagka alis niya niya mga isang minuto sumunod ako
There he is, standing and waiting infront of the bulletin board
"Josh...." pagtawag ko sakanya
"Uy Mar" gulat na sabi niya
"Ummm may inaantay lang ako" sabi niya sabay ngiti
"Ako ang inaantay mo Josh" sabi ko, this is it!
"Huh?" pagtataka niya
"Ako ang nagsulat ng letter na yan Josh, crush kita simula ng first time mong dumaan sa room namin, akala ko mawawala pero mas lumaki lang interes ko sayo hanggang sa naging close tayo at nagkagusto ako sayo... Josh I like you, I really do..." pag confess ko
"Mar... Sorry pero I don't feel the same..." masakit na salita ang binitawan niya
"Mar to be honest hinde ko inaasahan ko na ikaw ang nagsulat nito, akala ko ibang tao..." dagdag niya
"Mar the reason kung bakit ako dumadaan sa harap ng room nyo ay dahil ka klase mo ang crush ko at nung nalaman ko na kaibigan mo siya nakipag close ako sayo.... Mar I'm sorry, hinde ko alam na may gusto ka pala sakin..." pagpapatuloy lang niya
Umiiyak lang ako habang nakikinig sakanya
"S-si Nikki ba? maliban sakin siya lang naman ang ka close mo eh... Saka siya rin ang pinaka maganda sa grupo namin..." mapakla kong sabi
"Hinde si Nikki..." sabi niya at hinawakan ang kamay ko
"Hinde ko alam kung paano sasabihin to...Mar...." mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at huminga ng malalim
"Mar... Si... ano...." hirap niyang pagsabi
"Sino josh? sabihin mo na..." naiinip kong sabi
"Si Jake... Mar bisexual ako..." pagconfess niyaNapalitan ng gulat ang lungkot ko pero bumalik lang ang lungkot ko dahil mas tanggap ko pa kung babae ang magugustuhan niya pero kauri niya rin pala ang gusto niya...
-------
Pagkalipas ng ilang buwan kumalat sa buong school ang balita na mag syota si Jake at si Joshua at hinde nila tinanggi na nagmamahalan silang dalawa...I'm happy for him, for them
Now all I can say is that
There he is, being with the man he loves and love him...
BINABASA MO ANG
One Shot Love story
RandomI love writing stories but Im not good at it especially pag mahaba, although madali lang sakin gumawa ng plot kaya naisipan kong gumawa nito Mga maiikling kwento tungkol sa pag ibig Some are fictional Some are true to life, pwedeng na experience ko...