Fangirl

52 4 0
                                    

Jane's POV

Jane.
Jane Gilosipo, isang suicidal na babae... Dati
Ngayon iba na, simula ng mapakinggan ko ang mga kanta ni Robert Yslvia
Isang sikat na singer/song writer
Hinde ko maipaliwanag kung ano naramdaman ko tuwing naririnig ko ang mga kanta niya na siya mismo ang nagsulat
Para niya akong kinakausap tuwing pinapakinggan ko ito
Parang isa rin siyang suicidal na tao at naiintindihan niya ang lahat ng pinagdadaan ko gayun man hinde kami magkakilala
Kakakinig ko sa mga kanta niya ay naging fan niya ako at naging crush ko siya
Pumunta ako sa mga event niya, concert at mga shows na kung saan ay guest siya
Tuwing nakakikita ko ang mga self harm scars ko ay naaalala ko siya
Dahil sakanya hinde na ito nadagdagan pa at ginugusto ko na mabuhay pa muli ng isa pang araw
Labas pasok ako sa ospital dahil sa pag tangka ko mag suicide, kaya medyo mahina katawan ko pero nawawala lahat ng kahinaan ko pag pumupunta ako sa mga concert niya

Ngayon meron ulit siyang concert at maganda pa rito ay sa MOA lang gaganapin
At mas dumagdag pa ang kasiyahan ko na VIP tickets with backstage pass ang binili nila mama sakin, birthday gift na rin daw kasi nila ito para sakin
Sa mismong birthday ko kasi ang concert ni Robert

--------
Dumating ang araw ng concert, tanghali palang ay nasa MOA na ako kahit na 7 pa ang start nito
Marami na ring tao ang nag aantay at papanuorin si Robert at dahil VIP ticket naman ang hawak ko hinde ko kelangan na maging maaga pero inagahan ko pa rin
Kumalat kasi sa twitter na 3 ng hapon dadating si Robert sa venue
Tumambay muna ako sa seaside at pinagmasdan ang kalangitan
Gustong gusto ko talaga ang sinag ng araw, kung dati ay ayaw na ayaw ko ngayon ang sarap sa pakiramdam
Maulap ngayong araw kaya hinde mainit

"Ang ganda pagmasdan ng kalangitan no? Nakakapang hinayang isipin na balang araw hinde mo na ito makikita pa" sabi ng isang lalaki na hinde ko napansin na nakatabi pala sakin

Halos kaming dalawa lang ang makikita mong nakaupo dito

"A-ah oo nga..." nag aalangan kong sagot
"Nandito ka ba para manood nung concert?" tanong nito sakin

Hinde ko man siya kilala pero mukha naman siyang mabait kahit na ang weird niya
Nakacap at shades kasi siya tapos turtleneck

"Yup, ikaw ba?" sabi ko sakanya
"Hmmm well nandito ako para sa concert pero hinde ako manonood" sagot niya
"Huh? hinde ko gets" nagtataka kong sabi
Tumawa lang siya
"Matanong ko lang, ano tingin mo sa mga kanta ni Robert?" tanong niya sakin
"Magaganda at inspiring ang mga kanta niya, hinde siya kumakanta para sakin feeling ko kausap ko lang siya pag ka pinapakinggan ko ang mga kanta niya, siya ang pinaka nag impluwesiya sakin na mabuhay pa ulit" sagot ko
"Oh, so suicidal ka dati?" tanong niya ulit
"Ay sorry personal ata yung tanong, just disregard it" paumanhin niya sakin
"No it's ok, proud rin naman ako na suicidal ako DATI kasi isa yung patunay na kahit na dumaan ako dun nakayanan ko at ginusto ko mabuhay pa ng isa pang araw" sagot ko habang nakangiti
"Wow... Usually gusto ng mga babae ang kanta ni Robert kasi "gwapo" daw siya pero ikaw... Iba ang rason mo, ang mga katulad mo kasi ang naging inspirasyon niya sa pagsulat ng mga kanta" sabi niya habang nakatingin sa kalangitan
"Bakit... Parang kilalang kilala mo siya?" tanong ko sakanya habang nakatingin sakanya
Ni ngitian niya lang ako
"Sige miss alis na ako kelangan ko pa mag ayos eh, ito oh..." sabi niya sabay may inilapag na papel at saka nagmamadaling umalis

Nag aalangan man pero kinuha ko ang papel at tinignan ito

Isa itong picture ni Robert na may signature niya, first time ko makita ang picture na ito at parang nag iisa lang ang kopya nito

"Saan kaya siya nakakuha ng kopyang ito?" tanong ko sa sarili
Tumayo na ako at naglakad lakad sa MOA

--------
Natapos ang concert ng maayos at maganda ang pagkaka perform nito, yung ibang babae parang mapapaos na kakatili samantalang ako mapayapang nakikinig lang sa musika at lyrics na kinakanta ni Robert

One Shot Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon