Jonathan's POV
Jonathan Ofeil, lalaki...
Joke! BABAE ako...
Joke ulit, binabae ako, lalaking may puso babae, lalakeng nagkakagusto sa kapwa lalake, pag hinde mo pa gets yun balik ka
elementary pagpapa aralin kita
Alam naman natin na ang kasarian na taglay ko ay isa sa mga issue sa lipunan natin, yung iba tanggap ang tulad ko yung iba hinde...
Hinde madali ang maging isang tulad ko lalo na pag nagkakagusto kami sa kapwa naming lalaki, syempre kung babae ako tapos nagkagusto ako sa lalake edi ok lang may pag asa na maging kami kaso hinde ako babae, mas malaki ang chance na iwasan ako ng lalaking nagugustuhan ko kesa sa magkatuluyan kami, alam ko yun at tanggap ko naPero hinde naman ako nag iisa, kasama ko ang bestfriend ko na kapareha ko pero di hamak na mas maganda at mas sexy ako kesa sa palaka na yun
Siya si John, ang bestfriend ko na lage ko kasama sa saya o lungkot man
Sa loob ng classroom kaming dalawa lang ang magkasundo dahil judgemental sila masyado, palibhasa private school to
May kaya ang family ko samantalang mayaman sila John kaya wala siyang problema sa bayarin, ako kahit na may kaya mas pinili ko maging scholar para makatulong ako sa mudra (mother) ko
Si mama nalang kasi ang nagtataguyod saming 3 niyang supling simula ng sumakabilang bahay si tatayAnyway, naka tambay kami ngayon ni John sa playground ng village na kung san kami pareho nakatira, magkalapit lang kasi kami nitong palaka na ito
"Uy Johanna" tawag sakin ni John
Johanna tawag niya sakin at Jen naman tawag ko sakanya
"Bakit Jen?" tanong ko sakanya
"Natandaan mo ba yung nakwento ko sayo na ex ko? Si Harris?" pagtanong niya sakinABA! paano ko makakalimutan ang Harris na yun? kahit na hinde ko pa siya nakikita at nakikilala ng personal mainit ang dugo ko sakanya!
Tama ba naman na gawing rebound ang palaka kong bestfriend? Kahit naman na ganto to.... Ganto na talaga to!"Naku Jen! paano ko makakalimutan? eh kahit na hinde ko pa kilala yung tao eh sobrang gusto ko siyang patayin!" sabi ko
"Johanna... Mahal ko pa siya... At gusto daw niya bumalik sakin... Nagkamali daw siya sa ginawa niya at gusto daw niya itama ang mali niya, gusto niya bumalik Johanna!" hinde ko maintindihan ang emosyon na pinapakita niya sakin habang sinasabi sakin niya yan, para siyang masaya na malungkot na kinakabahan na excited na natatae na ewan
"Di ba sabi nila pag mahal ka babalikan ka? Jonathan... Johanna... Bumalik siya..." naluluha niyang bigkas sakin
"Wag kang tanga friend, pag tunay na mahal ka wala siyang babalikan kasi dapat nung una palang hinde kana niya iniwan!" sabi ko sabay batok sakanya
"Aray ah!" reklamo niya
"Para magising ka sa katotohanan! Niloko ka na niya! Hinde imposible na gawin niya ulit yun sayo! Gaga! Tanga!" sermon ko sakanya at nag walk outPara dramatic di ba? Saka mga magaganda lang ang marunong mag walk out! Oh di ba? Pak! Chak! Ganoin!
Habang naglalakad ako pauwi ng mag isa, malamang mag isa ini walk out -an mo bestfriend mong palaka eh
May nadaanan akong bilihan ng street foods, buti nalang may dala akong pera saka may iba din nabili kaya sure ako na maayos naman yun"Kuya magkano sa kwek kwek mo?" tanong ko sa tindero
Yung isang lalaking bumibili din ay napatawa
"FC?" mataray kong sabi sa lalaking tumawa
"Foging Cute? yup ako nga yun" mayabang na sabi ng lalaking tumawa
"Dictionary!" sigaw ko sakanya
"Bakit? kasi I gave meaning to your life?" sagot naman niya
"Hinde! ang kapal mo kasi!" nakaka bv naman tong lalaki na to
Tumawa lang siya
"Stephen nga pala" pag introduce niya
Nakangiti lang siya sakin habang nakatingin
Ngayon ko lang napansin na gwapo pala siya, matipuno, maputi at matangkad
Para siyang artista
Pero syempre papakipot muna ako hahaha akala mo babae eh no?
"Libre na kita" sabi ni Stephen sakin at inabutan ako ng tatlong pirasong kwek kwek
"No thanks" mataray kong pagtanggi
"Hala! tatlo na nga yan para ano eh" ngi ngiti ngiti niyang sabi sakin
Naramdaman ko nalang na uminit yung mukha ko at bumilis ang tibok ng puso ko
Oh no! pa fall ata tong lalaki na to eh!
Wag ako! Mabilis pa naman ako ma fall!
Don't me just others!
"Hinde mo tatanggapin?" malungkot niyang sabi
Kinuha ko na ang binibigay niya, sayang din no!
"Thank you" mahiyang sabi ko
"Hinde! may bayad yan!" sabi niya sabay tawa
"Ay putek! nakasubo na ako eh! saka sabi mo libre?!" reklamo ko
"Wag ka kasing subo ng subo, mahilig ka siguro sumubo no?" tumawa lang siya
"BASTOS!" sigaw ko
"Green minded ka lang" nakangisi niyang sabi
Sinamaan ko ang tingin ko sakanya
"Sorry na, ang bayad lang naman diyan eh... Gusto ko lang malaman ang name mo" nakangiti niyang sabi
"Wag na kaya kong bayaran to" matigas kong sabi
"12 kaya isa niyan" sabi niya
"12?!?" sigaw ko
"Opo sir, dose po" sagot ng tindero sakin

BINABASA MO ANG
One Shot Love story
De TodoI love writing stories but Im not good at it especially pag mahaba, although madali lang sakin gumawa ng plot kaya naisipan kong gumawa nito Mga maiikling kwento tungkol sa pag ibig Some are fictional Some are true to life, pwedeng na experience ko...