Tula para sa aking kaibigan

16 1 0
                                    

Mula sayong pagbukas ng mata
Hanggang sa pagsara
Iniisip na wala kang kwenta
Kaibigan ika'y mahalaga

Sa dami dami mong napapasaya
Hindi kasama ang sarili puro ang iba
Pero nakikita ka nilang nakangiti abot hanggang tenga
Kaibigan, huwag mo nang itago pa

Araw araw hinihiniling na sana ika'y patay na
Gabi gabi ika'y lumuluha
Hindi man to alam ng iba
Kaibigan, magpahinga kana

Walang nakikinig sayo
Walang nasa tabi mo
Walang nagmamahal ng totoo
Kaibigan, wag mong ituloy ang iyong plano

Kutsilyo iyo nang nasa kamay
Gusto mo nang magpakamatay
Gusto mo nang tapusin ang iyong buhay
Kaibigan, buhay mo'y may saysay

Sa harap ko ika'y lumuluha
Sa harap ko ika'y hindi masaya
Pero nung hinawakan ko ang iyong mukha
Kaibigan, nasaan ka?

Ika'y sakin nakatingin
Ngumiti ka, labas ang ngipin
Problema mo'y lahat sinabi sakin
Aking kaibigang salamin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon