Second Taste

517 9 0
                                    

Nagmamadaling lumabas ng kwarto na iyon si Jim. Takang nakatingin Sa kanya ang PA ng babae habang humahangos siya na pinag pipindot ang button ng elevator pero wala siyang pakialam, gusto na niyang lisanin ang lugar na iyon dahil pakiramdam niya ay mauupos na ang kanyang pagpipigil.

'Baliw na ang babaeng yun!' Kastigo niya sa kanyang isip.

*ting!* hudyat na nandyan na ang elevator na kanyang hinihintay.

Walang lingon-lingon na pumasok siya sa elevator.

'Huuuuuuuffff' 'haaaaa!' eksaheradong buntong hininga niya ng magsara ang elevator. Hanggang ngayon ay nagririgudon pa rin ang kanyang damdamin, hindi dahil sa tuwa kundi dahil sa kapangahasan ng babaeng iyon! Tumingin siya sa kanyang  lumang black shoes na suot-suot  at umiling-iling, muli ay naalala na naman niya ang nangyari sa kanya kani-kanina lang.

Ang tensyon na meron sa kanilang dalawa, ang pananabik, ang mga labi ng babae na mapupula na habang nagsasalita ang mga ito ay para bang inaakit siya,  ang mga mata nitong namumungay habang nakatingin sa kanya, ang init ng haplos ng mga palad nitong malambot habang dumadampi sa kanyang panga. Pero, hindi pwede ang ganoong pakiramdam niya kaya Tinakbuhan niya ito!

Napipikang napapikit siya,

'Okay na sana eh! Trabaho na naging bato pa! Tsk!' Naiinis na bigkas niya sa kanyang sarili habang marahas na kumamot siya sa kanyang ulo.

Gustuhin man niyang patulan ang kagustuhan ng babae pero hindi niya kaya, at Ayaw niyang subukan, hindi niya kayang sikmurain ang ganoong uri ng pagkasabik, nakakalunod.. Para kang naghihintay ng iyong sistensya dahil guilty ka.
Sa tana ng buhay niya'y hindi pa siya nagkaka girlfriend kaya hindi pamilyar sa kanya ang mga nangyayari at isa na rin  na marami pa siyang inaalala, marami pa.. hindi niya kayang balewalain iyon , lalo na't siya na lang ang inaasahan ng kanyang mga nakababatang kapatid at ng kanyang Ina.

'Paano na jim? Kailangan na ni inay ng pambili ng gamot!' Pagpatuloy niyang kausap sa kanyang sarili habang nakaharap sa salamin ng elevator.

'Malas talaga!' patuloy  pa niya, marahang inumpog ang kanyang ulo sa salamin ng elevator.

*ting!' Paghudyat ng elevator na nakababa na siya.

Matapos ang isa't kalahating oras ay nakarating na siya sa kanilang bahay, nilakad niya kasi simula sa Ortigas hanggang sta.mesa. Nagtitipid siya. Bitbit ang mabibigat na paa ay humakbang siya patungo sa maliit nilang sala, doon ay kaagad nyang natawan ang kanyang ina na nakatingin sa labas ng bintana at mapayapang nakaupo sa paborito nitong tumba-tumba.

'Ang aga mo yata Anak?' Malamyos na wika ng kanyang ina nang hindi siya nililingon. Napakamot na lamang siya sa kanyang batok at hilaw na ngumiti wari'y nakikita ito ng kanyang ina, bulag ito dahil sa katarata na lumala dahil hindi naagapaan kaya inusustentuhan na lamang nila ng gamot, salat man ang paningin ngunit malakas naman ang pang-amoy at pangdama.

'May problema ka.' Patuloy pa ng kanyang ina, hindi ito patanong kundi isang salaysay.

Humakbang siya palapit sa kanyang ina at humalik sa noo nito, pilit niyang pinasigla ang kanyang tinig, naglalambing na yumakap at tatawa-tawang sumagot sa kanyang ina.

'Hehehe. Ikaw talaga inay, wala po akong problema, pinagmamasdan ko lamang po kayo kasi napakaganda niyo po. Manang mana po talaga ako sa inyo, at saka sila jun-jun at jan-jan. I love you inay..'

'Kuuuuuu! Dyaskeng bata ito ay! Binobola pa ako.' Mahinhin na sabi ng kanyang inay kriselda habang marahang tinatapik ang kanyang nakayapos na mga bisig at tumatawa

'Kumusta ang pag-aaply mo? Kumain ka na ba ng hapunan? Magkwento ka sa inay anak' susog ng kanyang ina.

Nawala ang mga ngiti niya sa tanong ng kanyang Ina. At kumawala sa mga yakap nito, bumuntong hininga bago sumagot,

'Ayos naman po inay, ang kaso, mukhang malabo na po atang matanggap ako doon dahil mahigpit sila sa mga aplikanteng nag-apply at saka marami po akong kakumpetensya' nahihiya at may bahid kasinungalingang pahayag niya sa kaniyang ina. Habang naglalakad siya kanina ay napag pasyahan niyang wag ng ipaalam Sa kanyang ina ang tunay na nangyari.

Nakita niyang tumango-tango ito, sinuklian siya nito ng ngiting mapag unawa na nagpapagaan sa kanyang kalungkutan at marahang hinawakan ang kanyang mga kamay.

'Kaya mo yan anak, tandaan mong hindi ka bibigyang ng problema ng nasa Itaas na hindi mo kakayanin. Pagpasensyahan mo na ang inay, matanda na at bulag pa, hindi na kita natutulungan, Ako ay palagi ka ring pinapanalangin pati ang kambal na nawa ay bigyan Niya kayo ng lakas sa araw-araw para harapin ang anumang dumating sa inyong buhay. Hindi Siya nakakalimot anak tandaan mo yan, manalig ka lamang sa Diyos, I love you anak.' Puno ng pang-unawang pahayag sa kanya ng kanyang ina.

Naluluhang yumuko siya , pakiramdam niya'y may bikig sa kanyang lalamunan, at mabilis na pinunasan ang umalpas na luha, mahinang sumambit ng panalangin na nawa ay kayanin niya pa. Pagkatapos noon ay malaya siyang ngumiti na para bang hindi siya galing sa pag-iyak. Pagdating talaga sa kanyang ina ay nagiging mahina siya.

'Tama po kayo inay, kakayanin natin Ito. Hindi niyo po kailangang humingi ng pasensya sa akin, ako pa nga po ang dapat magpasalamat Sa inyo po dahil nandyan kayo para gumabay samin nila jun-jun kahit wala na ang itay' pasasalamat niya sa kanyang ina. Ngumiti ito sa kanya.

Nagsimula na siyang magluto at pakainin ang kanyang ina, binihisan at pinatulog. Nang makatulog Ito ay marahan siyang tumayo,humalik ulit sa noo nito at nagpasyang magpahinga na rin habang hinihintay ang kanyang kambal na kapatid mula sa eskwela.

Pagod na humiga siya sa kama matapos niyang makapag palit ng damit, nag set ng alarm sa cellphone-- kailangan kasi nyang gumising ng alas dyes ng gabi dahil may trabaho pa siya bilang bartender sa isang sikat na bar at yumokyok sa kanyang unan.

'Panigurado, marami na naman akong kostumer mamaya..'lnaantok na wika niya at tuluyan na nga siyang nakatulog.

-FRB NOTE:
Naniniwala po akong may mga lalaking katulad ni jim. Bow. :)

Follow me. Enjoy reading! ❤️

Amazona Lilies-  My sweet taste of Dominance. My Dominant (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon