A/N: Sorry po sobrang tagal ng UD ko. hay... dami po kasing ginagawa ng inyong lingkod sa school ee! =________= sorry po talaga!
Wynona's P.O.V.
Hmm... Umaga nanaman! Buti maaga ako nagising ngayon. Makakapagbreakfast pa ko.
Pagbaba ko naghahanda na si nanay para sa breakfast namin. Naaamoy ko palang mukang masarap na. Hmmm... Ang bango. Kaya dali-dali akong bumaba at pumunta sa kusina para makita ano ang niluluto ni nanay.
"Good morning!" bati ko kay nanay habang palapit sa kanya sabay yakap.
"Oh... kain na baka malate ka nanaman. Mahirap na baka bumaba grades. Kamusta pala first day of class? Di mo naman ako kinuwentuhan. Pagkauwi mo tinulugan mo agad si nanay eh. Kung di ko pa makakasalubong mama ni Marjorie kanina sa palengke di ko pa malalaman na nalate ka pala." sagot ni nanay na may halo nadin na sermon.
"Uhm.. ayun ok naman po. Nakakapagod pero masaya naman. Puro pagpapakilala lang naman ginawa! Alam mo na po, first day eh!" sagot ko.
Oo na!!! Alam ko hindi totoo na masaya at ok. Atleast totoo yung nakakapagod diba?! Ayoko lang na magisip ng kung ano si nanay. Emotional pa naman yun masyado.
"Hmm. . . . ok ba talaga Patrice?! Ako wag mo niloloko ha. Galing ka lang kay nanay. Yang mukang yan, pagpikit ng matang yan at kilos na yan. Kabisado ko yan anak. Ano nangyari?" sabi ni nanay. Hay naku kahit kailan talaga di ako best actress! Ang hirap magtago kay nanay!
Tumingin nalang ako sa orasan. "Nay... maliligo na po ako. Baka malate nanaman ako. Ikaw na nagsabi BAWAL BUMABA ANG GRADES diba? Ok lang po talaga. Wag mo na isipin yun!" sabi ko para lang makatakas.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Magbibihis na ko ng biglang nagtext sa akin si Marj.
BHEST,
Hoy Wynona Patrice Estrada! Ano ka na dyan?! Nandito ako sa tapat ng bahay niyo. Mga 5 minutes na akong nandidito. Dalian mo kaya! Kahit kailan talaga ang bagal mo kumilos bhest!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BHEST,
Marjorie Anne Alcantara, oho eto na! Nagbibihis na oh... Eto na oh!! Kasalanan ko bang nasa genes namin na mabagal kumilos?! Inborn te di na kaya mabago! Hahaha! Bakit naman kasi nag ambisyon ka pa na daanan ako dito! Baliw ka talaga! Maghintay ka. Ginusto mo yan eh! :P
MESSAGE SENT! Hmm... Ano nanaman kaya naisipan nun at dumaan pa dito? Tinopak nanaman? Hahaha! Saya lang magkaron ng bestfriend na krung-krung. Kaya.... nagmadali na ako at bumaba na.
"Bye nay! Naghihintay na daw sa labas yung loka-loka eh! Alam mo naman po yun maarte! Baka sabihin pinaghintay ko pa siya." sabi ko kay nanay sabay kiss at lumabas na ng bahay.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pagkabukas ko ng gate nakita ko si Marjorie sa gilid at halatang buryong na buryong na.
"At ano naman naisip mo bakit mo ko dinaanan pa? Tapos aangal ka na ang bagala ko! Malay ko bang pupunta ka pa dito." sabi ko kay marjorie hanbang nagsasara ng gate.
"Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin ee! Naisip ko lang naman na baka malate ka ulit. Kaya dumaan na ko dito para maubliga ka naman kumilos ng mabilis!"
"Hmm... Kasalanan nung service ko yun ee! Kaya sabi ko kila nanay wag na ko magservice. Lalo na 1st year high school naman na tayo. Kaya ko na sarili ko noh!" sabi ko kay marj sabay lakad ng mabilis. Hahaha! Yun kasi kahinaan niya. Ang bagal maglakad!