Chapter 13: Love Fails

46 2 9
                                    

Angel

Kinausap ng banda ang mga fans nila regarding sa nangyari sa event ng SVCF at yong ibang fans nakakaintindi naman. Some of them,nag apologize na sa Facebook ko at ang iba naman delete na nila ang mga masamang comment nila about sa akin.

Marami na nakakarecognize sa akin because of video na inupload sa YouTube channel ng banda.

Friday,may gig na naman ang MB at may special number din ako sa performance nila.

Hinahanap ko si April dahil may usapan kami na magkasamang pupunta ng TGIF. It's almost 6:30 pm na at last period niya is around 6:15pm.

Hinanap ko siya hanggang sa Art Department ng university. Ng mapadaan ako sa hallway ng dance studio,nakita ko si David at si Prof Lana. Mahigpit ang hawak ni David sa braso ni Prof at mukhang nagtatalo sila.

Bakas sa mukha ni Prof ang inis at pagkakapikon samantalang galit naman ang gumuguhit sa maamong mukha ni David.

"Bitawan mo ako David."mariin na sabi ni Prof. Lana.
"Sinabi ko na sayo,hindi ako nakikipagbiruan sayo. Kung magpapatuloy kang ganito,wala na akong choice kundi umalis dito."

"Ano ba kailangan kong gawin para mapatunayan sayo na seryoso ako?"giit ni David,hawak pa rin ang braso ni Prof.

"Parang kapatid lang ang turing ko sayo David. At huwag mo naman sanang sira-in yong profession ko. Professor ako at estudyante ka,alam mo ba kung gaano kalaki ng magiging epekto nito sa akin?"sabi ni Prof habang hinihila nito ang kamay niya sa pagkakahawak ni David.

"Kaya kitang hintayin,sabihin mo lang."malungkot na sabi ni David at binitawan ang kamay ni Prof.

"Look David,huwag mo sayangin ang panahon mo sa akin. May mas nararapat para sayo. Huwag mong pahirapan ang sarili mo dahil kahit ilang taon ka pa maghintay,walang magbabago sa pagtingin ko sayo."mahinahon na ang boses na sabi ni Prof.

"Hindi mo ba talaga kaya akong mahalin?"

"David,kapatid lang talaga ang turing ko sayo. And besides,I'm getting married na. Another reason na ayaw ko magkaproblema dito dahil meron na akong fiance."sabi ni Prof na ikinagulat ni David.

"I thought it was just a rumor,totoo pala na ikakasal ka na."malungkot na sabi niya.

"So please,nakiki-usap ako sayo na tigilan mo na ginagawa mo. At sana huling pagkakataon na ito na bantayan mo ako o hintayin mo ako."

"Hindi Prof,hanggat hindi ko nakikita na kasama mo ang fiance mo,hindi ako titigil sa pagbantay sayo."may determinasyon sa boses ni David.

"For God sake naman David,tigilan mo na ako. Nagmamakaawa na ako sayo."frustrated na sabi ni Prof at iniwan niya si David na nakayuko.

I don't know pero parang may kumurot sa puso ko habang pinapanood sila. A part of me wishes that,na sana ako na lang si Prof.

And it hits me,mukhang may gusto na ako sa vocalist ng Monster Band.

Magkasunod lang kami na dumating sa TGIF. At pansin ko parang wala pa ito sa sarili niya. Ang lungkot ng mga mata niya.

Nauna na silang nagperform. Pumuwesto na siya sa harap ng mic at nag-umpisang kumuskos ng kanyang gitara. Sa unang pagtunog palang ng gitara alam ko na ang kantang kakantahin niya.

It hurts me so bad the time, that I wasn't able to sleep

Tears falling from my eyes,I never notice it

Music And My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon