Chapter 28: In Denial

20 2 0
                                    


Angel

Hindi ko pa rin maitago ang pananabik na makita siyang muli. Sa tingin ko mas lalo siyang gumwapo sa outfit niya.

"Ayun pala si David eh. Kakarating lang yata niya. Puntahan mo na Gel."utos ni April ng makita niya si David na tumutulong mag set up ng musical instruments.

"Ayaw ko nga. Dapat siya ang maunang lumapit sa akin."protesta ko.

"Hayyyy... Ang dami niyong arte. Nakaka stress kayo. Humanda kayong dalawa pagpumangit ang baby ko."wika niya sabay himas sa medyo maumbok na niyang tiyan.

Ilang beses kong ikinurap ang aking mga mata. "Aprilyn,ikaw ba talaga ito? Nasaan na ang dating astig na April na nakilala ko? Iba na talaga ang magagawa ng pag-ibig ano?"

"Alam niyo,kahit hindi niyo pa aminin halata namang mahal niyo pa ang isa't isa eh."pangbaliwala niya sa sinabi ko.

"Bakit kasi hindi pa kayo mag-usap para maayos na ang lahat sa inyong dalawa? Kung wala ng babalikan,di mas mabuting meron kayong friendship na matitira."patuloy pa rin niya.

Never na ako ang ma-uunang gagawa ng paraan para makausap si David. Ako ang iniwanan noon at pinaasa. Siya ang dapat na magpaliwanag.

"In good terms naman kami ah. Wala na kaming pag-uusapan pa. We have closure already since he broke up with me."sabi ko.

"So,comfortable ka na makasama siya sa stage na iyan?"pang-aarok niya.

"Of course. Performance is performance. I'm a professional and I guess he is the same as me."pagsisinungaling ko. Ang totoo hindi ko alam kung makakayanan kong makasama si David sa gitna ng stage.

Ngayon palang humihina na ang mga tuhod ko at gusto ng bumigay sa sobrang kaba.

Nakapag perform ako ng ilang beses na iba't ibang kilalang tao ang nakakasama ko sa play,pero hindi ako kinabahan ng ganito.

Maperform ko kaya ng maayos ang duet namin mamaya? Baka himatayin ako sa sobrang kaba.

"Hey,are you okey? Namumutla ka oh."puna ni April.

"I-im fine. Kailangan ko lang ng sariwang hangin. Lalabas muna ako huh? 15 minutes pa naman at magsisimula ang concert."paalam ko at dali-dali akong lumabas ng concert hall.

"Kamusta na Miss Sison?"nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko. Paglingon ko ang nakangiting si Drake ang tumambad sa paningin ko.

"Drake! Na miss kita."nilapitan ko siya at niyakap. "Ang daya niyo! Hindi nyo man lang ako hinintay bago magpakasal."kunwaring nagtatampo na sabi ko sabay mahinang binatukan siya.

"My life is at stake at that time. Baka mapatay ako ng mga kuya ni April pag hindi ko pakasalan kapatid nila."nakangising wika niya habang sinusuklay ng mga daliri ang kanyang buhok.

"Baka naman makalimutan niyo na rin ako i-invite sa church weeding nyo huh? Talagang magwawala na ako."biro ko.

"No. Ngayon pa lang invite na kita para hindi ko na makalimutan. Ikaw ang bridesmaid kaya huwag kang mawawala sa kasal ko."inakbayan niya ako at iginiya sa isang bench na naroon.

"Sikat na kayo huh? Ilang albums na ba ang napa double platinum niyo?"tanong ko ng makaupo na kami.

"Pang 6 album na namin ang ila-launch ngayong gabi. Ikaw,sikat na sikat ka na rin internationally. Sa musical at recording din. Ang layo na ng narating mo ahh."sabi niya.

I bitterly smiled at him. "Dami rin kasi sinacrifice ko para sa lahat ng meron ako. Pero honestly, hindi ako masaya."

"Nagkausap na ba kayo?"tanong niya na may lungkot sa kanyang boses.

Music And My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon