01 Black Envelope

14 1 0
                                    

~*~

"Alis na po ako!" Lumabas na ako ng bahay pagkatapos kong magpaaalam kay mama. 6:46 na ng umaga so I'm 16 minutes late.

Anyways, ganito naman lagi ang daily routine ko tuwing monday eh. Pero sa ibang araw maaga naman ako nakakapasok. Haaays ewan ko ba parang may sumpa yata ang monday sa akin.

Walking distance lang naman ang layo ng school sa bahay. Nasa kabilang street lang naman ang Gratis High, so ba't ko pa papahirapan ang sarili kong mag-abang pa ng masasakyan? Late na nga ako.

Finally! Nakarating narin ako sa wakas.

Pinakita ko sa guard ang ID ko at saka pumasok ng campus. Importante talaga ang ID sa school na ito dahil konting kamalian lang hahanapan ka na nila ng ID.

Tumakbo ako papasok sa Building A. Doon kasi located ang classroom namin. Kaso mukhang nanghihina na ang mga paa ko dahil aakyat pa ako hanggang 4th floor, oh my gosh!

"Ms Sakamoto, you're LATE!" naka-caps lock pa talaga ang word na late para intense na intense ang pagkakasabi sa akin ni Sir Darius.

Out of shame. Napaupo nalang ako sa upuan ko.

Haays.. di ko mapigilang mapabuntong hininga nalang sa sulok. Wala pa ako sa mood para makinig sa sasabihin ni Sir, it doesn't consern me anyway. Nakatulala lang akong nakatingin sa kawalan. Nakasandal ang ulo ko sa bintana, at pinapanood kong isa-isang mahulog ang mga dahon ng peach blossom tree. Autumn season na at lahat ng dahon nito'y unti-unting nalalalagas.

Isang maliit na itim na bagay mula sa taas ang nahulog sa damuhan. Mahirap tanawin kung anong bagay ito, pero interesado akong lapitan iyon dala ng kuryosidad.

"Ms Sakamoto, is everything alright?" Napatingin ako kay Sir Darius na biglang nagsalita.

Tumango ako at nginitian siya pagkatapos ay binaling ko muli doon sa itim na bagay ang atensyon ko.

~*~

*Krriiing!*

"Class dismissed!" Nagsi-alisan na ang mga kaklase ko papuntang canteen, recess na namin. Since hindi pa naman ako nagugutom, naglakad-lakad nalang muna ako sa garden. Bigla kong naalala ang itim na bagay na nahulog mula sa langit, sa damuhan rin iyon bumagsak. Malamang nandito lang 'yon somewhere.

Ayun! Nakita ko na. Natatakpan pala 'yon ng mga tuyong dahon mula sa peach blossom tree. Pinulot ko ang bagay na iyon at sinuri. Isang itim na envelope na may logo sa likurang bahagi nito.

"Shinpi Academy.." binasa ko ang nakasulat sa ilalim ng logo.

Alam kong mali ang magbasa ng sulat na hindi naman para sa 'yo, pero curious lang talaga ako kung ano ang laman ng envelope na 'to.

"Shinpi Academy, this is to certify that Ms Kasumi Sakamoto from Gratis High is a legal transferee of Shinpi Academy. She will receive a full support from Shinpi Institution. Signed by Sir Masanori Fujiwara Vice-president for Administration. Ms Mikako Gokudera Chairperson of  Transferee Committee."binasa ko rin ang laman ng envelope.

Napanganga ako bigla. This letter was really meant for me.

"Good morning, Kasumi!" Halos muntikan ko nang mabagsak ang letter na hawak ko dahil may biglang nagsalita.

"Ayy! Anak ng kalabaw!"

"Hihihi... 'to naman para ka namang nakakita ng multo". May isang babaeng nakatayo sa harap ko na may kulay Lavander na buhok at naka-civillian attire.

"Uhm.. ano bang kailangan mo?" I tried to speak in a calm tone.

"Ikaw." Matipid niyang sagot.

Ako? At ano naman ang kailangan nita sa akin?

"A-Ano naman ang kailangan mo sa akin?"

"Dahil nabasa mo na 'yang sulat, siguro naman malinaw na sa'yo ang lahat. Nandito ako para ihatid ka sa Shinpi Academy".

"... teka, ngayon na?" Napatigil ako. Tumango naman siya at naglabas ng nakakalokong ngiti. "P-Pero hindi ba, magpapaalam ka pa sa Admissions Office ng school bago makaalis?"

"Wag kang mag-alala, ako nang bahala doon".

Unbelievable.

Hinila nalang ako bigla nung babae palabas ng campus at pinasakay sa sasakyan.

"Saan mo ako dadalhin?" Pagpoprotesta ko.

"Sa Shinpi Academy, binasa mo naman ang sulat hindi ba?" Sabi niya habang abala sa pagda-drive.

"Oo nga binasa ko, pero masyadong mabilis ang mga pangyayari, hindi ko parin maintindihan ang lahat".

"Maiintindihan mo rin lahat ng 'to sa oras na makarating ka sa Shinpi."

~*~

Don't forget to vote or comment

Shinpi AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon