03 History

7 1 0
                                    

~*~

"Okay, nandito na tayo!" Binuksan ni Asami ang pinto ng dorm namin.

Naging speechless ako nang makita ko ang loob ng dorm. Malawak ang paligid at kulay Beige ang mga dingding nito. May dalawang kwarto lamang ito na tamang-tama lang para sa amin ni Asami, may kusina at may maliit ring terrace kung saan matatanaw mo ang main building ng Shinpi Academy.

"Huwaw!" Napasigaw ako sa tuwa.

"Sige na girls, may aasikasuhin pa ako sa baba, kung may problema kayo or may kailangan kayo, feel free to call me, okay?"

"Okay po!" We replied in unison.

"Pick your room," sabi ni Asami habang relax na relax siyang nakaupo sa recliner na nakatapat sa 42" na flat screen TV, "at saka nakahanda na rin ang uniform mo sa closet para bukas."

Weeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!

Binuksan ko ang kwarto sa kaliwa. Mas gusto ko kasi ng liblib at tahimik na lugar para mag-emote, alam niyo na. At saka hindi ito masyadong malaki o maliit, tama lang. May naka-ready nang single bed at night side table roon, at may built in na closet na nakadikit sa dingding.

Teka, paano naman ako mabubuhay dito kung wala naman akong kadala-dalang gamit at pera. Tsaka hindi pa ako nakakapagpaalam kina mama at Auntie Verna, baka nag-aalala na sila sa akin.

"Asami, pwede pa ba akong lumabas papuntang Cimmeria Drive? Baka kasi nag-aalala na sina mama at Auntie Verna sa akin eh, tsaka wala rin akong dalang damit." Kinausap ko si Asami habang abala siya sa paglalaro ng Space Wars sa TV.

"Babalik ka sa mortal world?" Seryosong nakatitig siya sa TV habang nagsasalita, "alas-syete na ng gabi, sarado na ang gate, imposibleng makalabas ka pa ng academy, tsaka tuwing spring break ka lang pwedeng makauwi sa inyo. Mahigpit kasi ang patakaran dito alam mo na, for security reasons."

"Ganun ba? Paano yan, wala akong dalang pera para makabili ng mga gamit na kakailanganin ko."

"Ah, yun lang pala eh. Kung gusto mo bukas pagkatapos ng klase natin, mag-shopping tayo sa shopping center at saka para makabili na rin tayo ng ipapang-decorate mo sa kwarto mo." Suhestiyon niya.

"Sige, pero saan naman tayo kukuha ng perang pambili?"

"Di ba nakasaad doon sa form na binasa mo na ang Shinpi Institution ang bahala sa mga gastusin mo dito sa Academy? So wala ka nang poproblemahin. Swerte mo nga eh."

Woah? Pati mga gastusin ko sa pang-araw-araw sila na ang sasagot? Haaays, ano bang nagawa ko at pinadala ako sa lugar na 'to, so strange.

Dumeretso ako sa banyo at naghilamos. Bigla nalang sumagi sa isipan ko yung tungkol doon sa liblib na bahagi ng school. Parang ang misteryoso ng lugar na 'yon, at interesado akong malaman kung anong mayroon doon.

"Kasumi, tara kain na tayo." Yaya sa akin ni Asami.

Hinintay pa talaga ako ni Asami na pumunta sa kusina. Nakahain na doon ang mga pagkain. Adobong pusit at Chopsuey.

"Wow, favorite ko yan!" Sambit ko nang makita ko ang Chopsuey.

"Tara, let's eat." Nagdasal muna kami ni Asami at saka nagsimula nang mag-hapunan.

"Uhm, Asami?"

"Bakit ano yun?"

"..kasi di ba kanina, nabanggit mong may peligro doon sa may gubat? Bakit, ano bang mayroon doon?"

Napahinto si Asami sa pagkain at napatingin sa akin.

"Kasumi, sa paglipat mo rito, may mga responsibilidad kang dapat gampanan bilang isang mag-aaral ng Akademyang ito. Kaya panahon na siguro para malaman mo ang history ng Shinpi. Noong panahon pa ng civil war dito sa bansa, may isang sikretong institusyon ang itinatag ng pamilyang Fujiwara upang makatulong sa mga sibilyang naghahanap ng hustisya. Pinamunuan ito ni Sir Yuuta Fujiwara, at humaligi naman sa kanya ang mas nakababatang kapatid niyang si Sir Jiro Fujiwara. Naging maayos naman ang pamumuno nila, kaya lang dahil sa inggit, may mga nagtangkang mag-espiya sa institusyon. Ginawa nila ang lahat para siraan ang mag-kapatid, at dahil doon nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang magkapatid. Hanggang sa magdesisyon nalang si Sir Jiro na magbitiw sa pwesto niya at magpakalayo-layo kay Sir Yuuta. Ilang raon rin ang lumipas bago nagparamdam muli si Sir Jiro, siguro inabot ito ng sampung taon mahigit. Madami nang nagbago sa kanya kaya mahirap nang kilalanin kung siya nga ba iyon. Nagbalik siya dahil dahil sa poot at galit. Nagbalik siya para maghiganti. Sabi ng iba, si Sir Jiro raw ang pumatay kay Sir Yuuta, pero walang pang katibayan na siya nga. As you can see, si Sir Yuuta ang nagtatag nitong Shinpi Academy. Samantalang si Sir Jiro naman, siya ang nagtatag ng Reprisalia High. Sa pagkakalaam namin, isa itong all boys school. Pero wala pang nakakaalam kung saan matatagpuan ang Reprisalia High, sabi ng ilan kailangan mo pang makipag patintero kay kamatayan bago ka makapasok roon. Sa ngayon, naghahanda palang kami para sa magaganap na sagupaan laban sa kanila. Magkakaroon ng war laban kay Sir Jiro at sa mga taga-Reprisalia High. Kaya malamang gumagawa na sila ngayon ng paraan para makapaghiganti. Doon nga pala sa mahiwagang lugar na sinasabi mo, sa kadulo-duluhan ng Shinpi. Doon walang awang pinaslang si Ms Yua, ang nagiisang anak ni Sir Yuuta. Isang araw nakita ko nalang na duguan na siya, nag-aagaw buhay, may nakasaksak na katana sa tagiliran niya at puno siya ng galos sa katawan. "A-Asami... h-h... h-husti..sya..." pilit niyang sabihin sa kabila  ng paghihingalo niya. "Ms Yua, wag niyong sabihin yan, kaya niyo pa.. hihingi lang ako ng tulong." Pero bigla niya akong pinigilan. "Asami, h-hindi na... mamamatay na... ako, hay.. hayaan mo na ... ako mamatay." At nawalan na na ng hininga si Ms Yua.." napapikit nalang bigla si Asami pagkatapos niyang ikuwento ang mga nangyari.

"I'm sorry." Hinagod ko ang likod niya.

"Kaya.. kailangan ka namin Kasumi".

"Ako? A-Ano bang meron sa akin?"

"Nakikita ko sayo ang isang special ability na ikaw lang mismo ang makakagawa." Seryosong sinabi ni Asami.

DON'T FORGET TO VOTE OR COMMENT.

Shinpi AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon