02 Welcome

9 1 0
                                    

~*~

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Haays. Nakatulog yata ako bigla. Napatingin ako sa wrist watch na suot ko, 1:45 na! Naku, late na ako sa PE class ko. Parang ang bilis naman ata ng oras. Kani-kanina lang 8 o ' clock, tapos nakatulog lang ako 1 pm na. Ganun ba talaga kahaba ang tulog ko?

"Oh, gising ka na pala" napatingin ako sa direksyon nung nagsalita.

"Ikaw na naman?" Nagulantang ako ng makita ko ulit siya.

Wala na kami sa loob ng sasakyan. Nilibot ng mga mata ko ang paligid. Nasa isa kaming garden, at nakaupo kami pareho sa iisang bench.

"Okay ka lang ba?"

"Nasaan na tayo?" Seryoso akong nakatingin sa kanya.

"Hihihi, we're here!" Ang weird pa ng pagkakatawa niya, "In Shinpi Academy!"

Shinpi Academy? Teka... ito yung nakasulat sa form na binasa ko kanina ah?

"Tara? You'll be needing a complete tour about this place!" Binabalibag niya ako hanggang sa mahilo na ako.

"Stop!" Haaays, hilong-hilo na ako sa ginawa niya, "okay, we'll do it".

Haaays. Masyado naman siyang hyper at excited akong i-tour. Anyways, I still don't know anything about her yet. She's still a stranger.

"Uhm.. can I ask you a question?" Tanong ko sa kanya habang tinatahak namin ang madilim na tunnel papasok sa loob ng Academy.

"Go on" sagot naman niya.

"Uhm.. first of all, who are you? I mean, kanina pa tayo magkasama pero hanggang ngayon hindi parin kita kilala."

Nakalabas na kami ng tunnel at tanaw na tanaw ko na ang malalaking pader na nakapaligid sa Academy. Punong-puno ng lumot ang mga pader at mukhang matagal na nga ang paaralang ito.

"Ayy, oo nga pala, I'm Asami Kitamura by the way" in-extend niya ang kanang kamay niya para makipag-shake hands sa akin, tinanggap ko naman iyon.

"Hello Asami. One last thing, paano mo ako nakilala agad without introducing myself?"

"That's because you are my mission." She smirked.

Hinila... let's just say na kinaladkad niya ako papasok sa malaking gate na pinapagitnaan ng malalaking pader. May dalawang lalaki ang nakatayo sa magkabilang gilid ng gate at mukhang sila ang mga taga-bantay nito.

"Hey! Slow down.."

Habang kinakaladkad ako nitong si Asami, nilibot ng paningin ko ang buong lugar. Maraming tao ang nakakalat at marami ring booth ang nakatayo sa buong campus.

"In case you're wondering, itong area na ito ay ang shopping center ng mga estudyante. Dito sila kadalasan bumibili ng mga kakailanganin nila sa school." Sambit ni Asami.

Napadaan kami sa isang madilim na bahagi ng campus. Walang kailaw-ilaw rito at puro naglalakihang mga puno na ang nakatambad.

"I suppose you don't wanna go there," sabi niya nang naglakad ako papalapit, "masyadong delikado diyan lalo na kapad gabi."

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.

"Ah-eh.. ipapaliwanag ko nalang sa 'yo mamaya sa dorm, ba ka kasi may makarinig pa sa atin dito." Palingon-lingon si Asami, at mukhang sine-secure ang lugar.

"Bago ko pa pala makalimutan, kailangan mo pa palang kunin ang ID mo sa Building A." Paalala ni Asami.

~*~

Bago pa lumubog ang araw, pumunta na kami sa Building A na sinasabi ni Asami, maaga raw kasi nagko-close ang MIS kaya dapat lang na agahan namin ang pagpunta roon.

"Haays. Okay lang naman ako sa picture diba?" Hinarap ko kay Asami ang resulta ng ID card ko.

"Pfftt! Oo.. okay naman," halatang nagpipigil na siya ng tawa.

"Kaso?"

"Hahaha! Bakit ba kasi nakapikit ka?" Tumawa na siyanng malakas.

"Hindi na ba pwedeng ulitin?" Pagpupumilit ko.

Umiling lang siya.

"Okay na yan, ngayon naman kailangan na nating umuwi sa dorm," Suhestiyon niya, "malapit nang dumilim."

Yehey! Excited na excited na akong makita ang magiging dorm ko, ito naman kasi ang una kong iniisip sa isang academy.

Mabuti nalang at hindi naman masyadong malayo ang Building A sa Dormitory ng mga babae. Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na rin kami ni Asami pagkatapos ng mahabang paglalakad.

6:45 na ng hapon, madilim na ang kalangitan at mahirap na ring masilayan ang construction ng buong dormitory, ang sabi ni Asami sa lahat ng building rito sa Shinpi, ang Ladies Dormitory daw ang pinakagusto niya, pero sayang naman at madilim na, hindi ko narin makikita.

Pumasok na kami ni Asami sa loob ng Dormitory, at napanganga ako sa ganda ng interior nito. Aakalain mo talagang nasa loob ka ng isang five-star hotel dahil puno ito ng mga naglalakihang dekorasyon na nakasabit sa matataas na kisame nito.

"Hi Suzu!" Bati ni Asami sa isang babaeng nakatayo sa reception area. Nginitian naman agad siya nito, "ahh.. ito nga pala si Kasumi, bagong salta lang siya dito sa Shinpi."

"Ganun ba? Hi ako nga pala si Suzu, ako ang tagapamahala ng dorm. Kung may kailangan ka, sabihan mo lang ako. I hope na magustuhan mo dito sa Shinpi Academy, masaya rito."

"Oo nga eh, kaso mukhang kakailanganin ko pa ng masusing background check dito, parang nababalot pa kasi ito ng misteryo para sa akin eh." Sagot ko sa kanya at saka siya nginitian.

Nagulat ako nang nagtinginan sina Asumi at Suzu na para bang nagko-communicate sila sa tinginan nila at bigla nalang tumawa. May nasabi ba akong nakakatawa?

"Hahahah!"

"Hahahahaha! That's the point, Kasumi. Kaya nga ito tinawag na Shinpi Academy eh. The word Shinpi means mystery in Japanese, kaya wag ka nang magtataka kung nababalot ito ng mysteryo." Paliwanag ni Asami.

Ahh ganun pala yun, wala naman kasi akong masyadong alam jan sa mga japanese words na yan eh kaya wag rin silang magtataka kung ignorante pa ako.

DON'T FORGET TO VOTE OR COMMENT.

Shinpi AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon