Prologue

82 12 4
                                    

Please watch video 🔝

Medyo boring dito sa room. TLE kasi namin ngayon. Wala namang ginagawa dito kundi makinig sa mga sermon ng teacher. Demonyo kasi siya eh. Hahaha. Joke lang! Pero totoong boring ngayon. Ano kayang makakapagpasaya sa akin?

Choice # 1:
Kunin ang notebook ko at makipag-chat sa katabi.

Choice # 2:
Kunin ang phone ko, itaggo sa libro at maglaro ng color switch.

Choice # 3:
Magpanggap na pupunta sa CR pero ang totoo, mag-roroam around.

Kapag choice # 1 ang piliin ko, magiging masaya naman ako pero paano kung mapansin ni Teacher Rhean ang ginagawa namin? Edi mabubuking kami.

Kapag choice # 2 naman, maraming emosyon ang mararamdaman ko pero paano pag-iconfiscate ang phone ko? Edi mawawalan ako ng phone.

Kapag choice # 3 naman, hmmmmm.... Ewan ko! Mukhang safe naman! Magagawa ko rin yung choice # 2.

Okay. I choose choice # 3.

"Teacher Rhean! Punta po ako ng CR?" Tanong ko
"Go ahead!" Galit niyang sinabi

Umalis na ako ng room. Sarado ang Computer Lab ngayon. Wala kasi si Teacher Joey. Sa Speech Lab naman, may gumagamit ngayon na Grade 9. Sa AVR naman, locked! Sa Science Lab, doon nagklaklase ang Grade 10. Sa library, mapapansin ako ng librarian. Sa Auditorium, boring dun. Sa Gymnasium, may nagp-pe dun na grade 8. Sa mga corridor na nga lang.

Pumunta ako sa 2nd floor ng Building 3. Old building kasi ito at walang nagklaklase dito sa 2nd floor. Haunted daw kasi. Umupo na ako sa sahig. Kinuha ko ang phone ko at naglaro ng color switch.

YES!!!! 25 ang score ko! It's my new highest score!!! Dahil masaya ako, hindi ko napigilan ang sarili kong tumalon sa saya. Tumalon ako ng to the left and right. Nung sa right side ako tumalon, may bumukas na pinto.

OMO!!! Mukhang totoo ngang haunted ang floor na 'to. Bakit ko pinagsasabi yan? Guni-guni lang 'to.

I blinked. Bukas pa rin ang pinto. Kumakabog ang puso ko. Natatakot ako. Mag-isa lang kasi ako. I slowly walked to the door that suddenly opened. Biglang gumalaw ang pinto at nag creak. I stepped back.

Nakakatakot!!!!!!!!!

Huminga ako ng malalim. Sa totoo lang, gusto kong makakita ng multo pero parang ayaw ko na!!!

Ang dueag mo naman, Danielle! Okay. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

BOOM!

Nung nasa harap ko na ang kwarto nang bukas na pinto, may lumanding sa paa ko na notebook. Kumakabog pa rin ang puso ko. Dahan-dahan akong tumingin sa kanan at sa kaliwa. Wala namang tao. Baka multo!

"Aaaaahhh!" Sigaw ko nang humangin ng malakas at lumipad ang kortina sa board

May nakasulat sa board. 7-HOLA.

Lord, sorry po sa lahat ng kasalanan na nagawa ko. Sana po hindi niyo pa po ako patayin. May pamilya, kaibigan, at pangarap pa po ako!!!

Tatakbo na na ako? Aaaahhh!!!

Sumigaw ulit ako dahil may natumbang upuan. Dahil na-shock ako, nahulog yung phone ko. Mabuti na lang, naglanding sa notebook kaya hindi nabasag.

Kinuha ko ang phone ko at hindi napansin na pati yung notebook dala ko. Tumakbo ako ng napakabilis, palabas ng 2nd floor.

Grabe! Epic! Nakakatakot! Ayoko nang buma-

-boogsh!-

"Aray!" Sabi ko sabay hawak sa ulo ko

Nauntog ako. Tumingin ako sa inuntugan ko. Nanlaki ang mga mata ko. Isang lalaki. Isang lalaki ang nauntugan ko.

"Sorry" sabi kong nahihiya
"Ba't ka ba kasi tumatakbo? Wala ka bang klase?" Tanong niya
"TLE namin ngayon. Kasi, ehh! May multo sa 2nd floor ng Old building" sabi ko

Tumawa yung lalaki.

"Edi huwag kang maniwala" bulong ko

Umalis na rin ako dun dahil mukhang tapos na ang pag-uusap namin. Kainis! Tinawanan lang ako ng lalaking yun!

Tumigil muna ako sa paglalakad dahil nakakapagod. Umupo ako sa bench. Ano kaya ang pwedeng gawin? Tinignan ko kung anong hawak ko.

Phone at yung notebook.

Hindi pa ako nakakaget-over sa nangyari kanina. Curious din ako kung anong laman ng notebook na 'to.

Binuksan ko ang notebook.

Diary Ni NaomiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon