Chapter 5 (Birthday)

20 9 2
                                    

Naomi's Perspective~

Weeeeehh! Birthday ko na bukas! November 16 kasi ngayon at ang birthday ko ay November 17. Weeeh! Excited na ako!

Oo, ibig sabihin, 1 month na ang nakalipas sa last encounter ko kay Diego. Ano nang status?

Waley! Wala! Hindi ko siya pinapansin dahil ayokong mapahiya at nakakahiya kaya!

Pero, huwag tayo nega! Dapat happy! Heto ako ngayon! Super excited sa birthday ko bukas! Sunday ngayon at Monday na ang birthday ko!!! Weeeeehhh! Baka i-greet ako ni Diego!!

Wait! Bakit naman niya ako i-gregreet? Alam ba niyang birthday ko bukas? Diba hindi? So Mi, dont get your hopes up.

"Mimichoo! Kain na!" Pagtawag ni Kuya Alvin sa akin

Tss. Mimichoo. Yan ang nickname ko sa pamilya ko. Bakit? May shop kasi kami sa public market na ang pangalan ay Mimichoo. So now you know.

"Pababa na!" Sigaw ko bago bumaba sa kusina

May table rin kasi dun kung saan kami kumakain pag hindi kami kompleto. Pag kompleto kami, dun kami sa Dining room. 7 kasi kaming magkakapatid. Ako lang at si Kuya Alvin ang nandito ngayon sa bahay. Ang parents ko ay nasa shop.

"Wow! Ang sarap ng ulam ah!" Sabi ko sabay kuha ng lumpia at kagatin ito

Umupo naman si Kuya at umupo na rin ako. Kumain lang kami ni kuya ng tahimik.

Pagkatapos kumain, nagsalita si Kuya.

"Birthday mo bukas ah! Anong plano?" Tanong niya
"Ah, wala. Pupunta sa school lang at pupunta sa simbahan pagkatapos. Tapos, ewan ko kung maghahanda sina Nanay" sagot ko
"Siyempre may handa yan!" Sabi ni Kuya na nakangiti

Tumayo ako at linigpit ang pinagkainan ko.

"Ikaw na lang maghugas, Kuya. Pupunta na ako sa kwarto ko" sabi ko
"Okay Mimichoo" sabi niya sabay gulo ng buhok ko

Gawin ba naman akong aso? Tss.

Pumunta na ako sa kwarto at humiga sa kama. What to do?

Tinignan ko ang dingding. Biglang nagpakita si Diego. Nagulat ako kaya napatayo ako.

Hala! Ba't siya nagpakita? Nag-dadaydream lang ako. Tss. Hala! Nag-dadaydream ako tungkol kay Diego. Huuuwaaaat?!

Sinampal ko ang sarili ko. Parang ang obssesed ko masyado. OMO! Don't tell me obsessed na talaga ako?! No No No No No No!!!!

Napatingin ako sa phone ko. Nag-riring kasi. Kinuha ko ito at sinagot ang tawag. Si Yana. Pinsan ko.

"Oh. Napatawag ka" sabi ko
"Ay grabe! Hindi talaga uso ang 'hello' sayo ah!" Sabi sa kabilang linya
"Eh, gusto ko eh! Ba't ka napatawag?" Ako
"Cause I miss you lil couz!!!! And magiging dalaga ka na bukas!!! Yieee! Speaking of pagdadalaga, may crush ka ba? Dali! Kwento na!" Yana

Grabe siya ah! Porket magdadalaga, may crush na? Grabe siya! Sasabihin ko ba??????

"Tss. Wala noh! NEVER!" Ako
"Ang bitter mo Mimichoo! Alam kong meron! Sige na! Aminan na!!" Yana
"Wala nga sabi. Kailangan ulit-ulitin na wala? Wala. Wala. Wala" sabi ko
"Eh, deny ng deny ka eh! Denial is the first step in falling in love. At ang status niyan ay crush so may crush ka. Yiee. Sino?"

Ang kulit! Sinabi nang wala eh!!! Mahirap ba yun intindihin?

"Wala noh!!!! Ang kulit mo!!!!" Sabi ko
"Sino nga? Sigeeee na Mi!!" Yana
"Argh! Fine! Hindi mo naman siya kilala so walang effect. Bwahahaha" Ako
"Malay mo! Sige na! I'm so excited! Sabihin mo na kung sino" Yana
"Si Diego" sabi ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary Ni NaomiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon