Chapter 3 (Denial)

29 10 0
                                    

"MARIA DANIELLE ANGELINE FORTEZA!!!!!! GUMISING KA NA!!!" Yan ang sigaw ng mama ko


Yan ang unang greeting na narereceive ko every day. Saya nuh??


Kinusot ko ang mga mata ko at tumayo na. Pumunta na ako ng CR at naligo.


Matapos maligo, magbihis, at magpaganda, bumaba na ako at pumunta sa dining room kung nasaan kumakain ang kuya at parents ko.


"Ang tagal mo talaga, Danielle! Ano bang meron sa CR na nagpapatagal sayo dun?" Sabi ni Kuya Alvin
"Tss. Parang hindi rin matagal sa CR kung umasta" bulong ko
"Anong sabi mo?" Si Kuya Alvin
"Wala! Gwapo ka sana kuya kung hindi ka lang bingi" sabi ko


At tumayo si Kuya.


"Oy! Magsi-tigil nga kayong dalawa! Ano bang meron sa dining room at lagi kayong nag-aaway?" Si Dad
"Maria!!!! Hate you!!!!" Sabi ni Kuya
"Alvino!!!! Hate you more!!!!" Sabi ko pabalik


Huwag kayong mag-alala. Lambingan lang namin yun ni Kuya. Ganyan kami araw-araw. Medyo boring nga kasi walang nagbabago pero okay lang kasi masaya naman.


Matapos kong kumain, sumakay na ako sa kotse ni Kuya kasi pupunta na ako sa school.


Agad bumungad sa 'kin ang pesteng lalaki na hindi ko kilala pero bwiset na bwiset ako.


"Miss Mumu, ba't mo ako sinusundan?" Sabi nung mokong
"Mr. Surot, why would I follow you? What good will I get if I follow you? Oh I know, a burden." I snapped back


English 'yon mga chong!!!! Hooo-whooo!


"Don't you find it an honor to walk with a handsome human being like myself?" Sabi nung surot


Aba! Lumalaban!


"No. Why would I? You're not even handsome." Sabi ko
"Remember this, Ms. Mumu, denial is the first step in falling in love"
"What does that have to do with us?" Tanong ko
"There was never an us!" Sabi nung surot bago umalis


May "there was never an us" pa siyang nalalaman ah! Bading ata yun! Nanonood ng Maybe this time eh! At ano bang denial is the first step in falling in love?? Ano bang kinalaman nun sa am- wait! Scratch that! Akin at sa kanya??


"Danielle." May tumawag sa akin


Lumingon ako sa tumawag. OMO!!!! Si Glenmyloves!!!


"Uhh...... A-ano?" Nauutal kong sabi
"I saw you talking to Anthony" sabi niya


Huh?? Sino si Anthony????


"H-ha?"


Oh come on mamon!!!!!! Bibig!!!! Huwag mo naman akong ipahiya!!!!


"Uhh... K-kailangan k-ko n-nang umal-umalis, G-glen." Sabi ko bago tumakbo paalis


Nakakahiya!!!!!!!! Diyos ko!!!!!!! Lupa!!!!! Lamunin mo ako!!!!!!! Please!!!! Kahit ilang years mo ako itago basta makalimutan lang niya yung nangyari!!!!!!!!! My God!!!!!!


Pumunta ako ng room. Dun ako umupo sa upuan ni Jeva, classmate ko. Nasa dulo kasi yung chair niya. Kinuha ko yung diary ni Naomi sa bag ko at nagbasa.


Naomi's Perspective~

October 2, 2008

Dear Diary,
                     Ilang linggo na din ang lumipas na hindi kami nagtatagpo ni Diego. Okay lang. At least hindi ako napapahiya diba? Pero..... Aaminin ko, miss ko na siya. Kahit lagi naman kaming nagkikita sa school. Iba pa rin yung nagpapansinan talaga.
                      Pero ngayong araw...... May nangyari. Ganito kasi yun eh!

Nandon kami ni Nikki sa clinic. Masakit kasi ang ulo ni Nikki. Nung palabas ako, biglang pumasok si Diego. Ang awkward! Sigurado akong namumula ang mga pisngi ko noon. Buti na lang umiwas siya at pinauna niya akong lumabas. Gentleman talaga siya. Pero....... Hindi ko naman inexpect na sasabihin niya yon sa mga kaibigan niya.

"Mimi, ano 'tong sinasabi ni Diego na..... May nangyari sa clinic. Kayo ah! Lagi na lang sa 2nd floor." Sabi ni Celine
"H-ha? Ahhh..... Wala yun. Wala yun." Pag-dedeny ko
"Wehhh??? Medyo nagtataka na nga si Diego kung bakit ang hilig mong umiwas." Sabi ni Celine
"Ako? Umiiwas? Ako talaga??!" Sabi ko

At parang on cue, biglang lumitaw sa paningin namin si Diego. Omygosh! Anong gagawin ko? Isip! Ano? Act natural?

"Celine!" Pagtawag ni Diego

Eeesh! Si Celine pala! Bakit? Sa tingin mo ikaw, Naomi? Nako! Nako! Nako!

"Mi, halika! Lapit tayo!" Pag-yaya ni Celine
"Ah, wag na! Kuya!" Sabi ko sabay tawag ng tricycle
"Uy! Wait lang! Uwi na ako! Bye, Diego!" Celine

At ayun na nga, umandar na ang tricycle.

"Mi, ano yun? Hanggang sa labas ng school, iwasan?" Sabi ni Celine
"Ha? Hindi ako umiiwas, Celine!"
"Excuses... Excuses..." Celine
"Eh, gusto ko lang naman talaga umuwi eh!" Rason ko
"Alam mo, Mi? Denial is the first step in falling in love."
"Huh? Anong connect?" Ako

Ngumiti lang ng malapad si Celine.

Hanngang sa umuwi kami, suot-suot niya pa rin yung ngiting iyon. Nung lumabas na ng tricycle si Celine, ang paulit-ulit na lumalabas sa isip ko ay ang pag-tawag ni Diego kay Celine. Oy!! Hindi ako nagseselos!!! HINDI! HINDI!! HINDI!!! Kaya lang yun lumalabas dahil.........dahil.........dahil...alam niyo na 'yon! Ah alam ko na! Dahil b-ba-bag-ay si-sila.......... Bakit bulol? Aba malay ko! Hmf! Anong nangyayari sa akin????? No way!!! Hindi ako nagseselos!!!!!!!!!!!!!!!! Ah basta!

-Naomi

Reality~

"Miss Forteza!!!!" May boses na sumigaw

Napatingin ako sa sumigaw. Uh-oh! Si Teacher Nigel.

"Are you even listening?" Tanong niya


Nakatingin lahat ng mga classmates ko sa akin. Inaantay kung anong sasabihin ko.


"I'm sorry, sir." Sabi ko
"Next time, you listen! Understand?" Teacher Nigel
"Yes sir"
"Okay. Sit down!"


At ayun, naupo na ako.


"By the way, somebody has transferred to your section's Science class." Sabi ni Teacher Nigel
"Please welcome, Mr. Anthony Jimenez."


At pumasok ang isang gwapong nilalang.


"Hi everyone. Especially to you Miss Mumu" sabi niya


Paki-erase yung gwapong nilalang na part. Palitan naman ng mukhang-ewang nilalang.

Diary Ni NaomiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon