Chapter 2 (Crush)

50 10 5
                                    

~Reality~


Grabe!!! Ang gwapo talaga ni Glenmyloves! Pero bakit ba may epal na surot na kailangan umepal sa love story namin ni Glenmyloves??!



HRMPH!! Kahit hindi ko alam yung pangalan ng epal na 'yon at kahit ngayong araw ko pa lang siya nakita, kating-kati na ang mga mata ko sa kanya!! Allergic kasi ako sa mga epal eh!



Anyway! Anong oras na ba?



*tingin sa orasan*



10:30 PM




Huwaaaaat?????



Ibig sabihin......... 6 hours ko pinag-isipan yung surot na epal na 'yon????



Kaya pala, kanina pa kumakalam ang sikmura ko eh! Makakain na nga!




Pagpunta ko sa kusina, agad kong binuksan ang ref. Hindi naman ganoon ka rami ang laman ng ref. Prutas lang at yung ulam kanina at tubig at kung ano pang linalagay sa ref. Kinuha ko yung green apple at agad itong lininis at kinain. Bumalik naman ako sa kwarto ko pagkatapos maubos ang aking kinakain.




Shit!!!! May assignment pala kami sa math!!!




Kinuha ko yung math notebook at libro ko sa math at linagay yun sa desk ko. Umupo naman ako sa upuan na kaharap ng desk ko.




Ang tahimik!!!!!! Aha! Kumuha ako ng earphones at sinaksak sa phone ko. Agad kong binuksan yung google play music at pinindot ang shuffle.




At ang nag-play na kanta ay...................




Crush by David Archuleta






Naomi's Perspective~



Gabi ngayon. Hindi ako maka-move on sa ginawa kong pagtanong kay Celine tungkol kay Diego. Arf!!!! Nakakainis! Ba't yun lumabas sa bibig ko???? Arf!!! Siguro iniisip na niya ngayon na crush ko siya! Bwiset!!!!!!



Okay, Naomi. Kailangan mong huminga. Nag-promise naman si Celine na hindi niya sasabihin eh! Okay! Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.



Claustrophobic dito sa kwarto ko. Hindi ako makahinga. Makalabas nga. Lumbas na ako nang kwarto ko at pumunta sa living room. Natutulog naman ata na sila eh! In-on ko yung TV at sakto na nasa Myx ang channel at yung kantang nagplaplay??




Walang iba kundi....... Crush by David Archuleta. Bwiset lang???



Wala naman akong magagawa. Ang ganda ng kanta tapos ililipat ko? No way!!!! Nakakarelate pa naman ako...



The next day......



Natapos na ang morning schedule. Lunch break na. Natapos na akong kumain kaya dumerecho ako dito sa library. Saan pa ba??



Naupo na ako sa gitna na table. Nakaharap ako sa opisina ng librarian na malapit sa pinto. Binabasa ko lang ang formula ng aming lesson sa math.




Bakit ba ginawa pa ang algebra?? Bakit na kailangan dagdagan ng letra ang math??? Hindi ba sila nakukuntento sa numbers????



Habang busy na busy si Naomi, biglang pumasok sa library ang taong hinahangaan ni Naomi. Sino? Sino pa ba? Edi si Diego Condrada. Pumunta muna siya sa opisina ng librarian para hiramin ang librong gusto.



Binigay naman ng librarian ang libro kay Diego kaya naman tinanggap ito ni Diego. Pinagmasdan ni Diego ang buong library at ang mga upuan na walang tao maliban kay Naomi.




Biglang bumungad sa isipan ni Diego na lapitan si Naomi. Kaya lumapit ito ngunit nang paupo na ang lalake ay biglang nagsalita ang babae.



"Umm.... I need space" sabi ni Naomi



Napataas ng kilay si Diego at umiwas na lang kay Naomi.




Arf!!!! Arf!!!! Ba't yun lumabas sa bibig ko??? Ba't siya lumapit sa akin??? Ba't siya nandito????? Ahhhhh!!!! Hindi ako makapag-concentrate!!!!



Okay, Naomi! Breathe! Ahhhhh!!! Lumapit siya sa akin!!!!! Waaaahhhh!!!!! Bakit wala akong katabi? Gusto kong mamalo ngayon!!!!!




Wait! Uhh, Naomi.... Huwag ganyan! Kalma lang. Tinago ko ang mukha ko sa libro at ngumiti. Hala!!! Ano kayang itsura ko nang lumapit siya? Siguro naisip niyang ang pangit ko!! Ba't ba kasi hindi ako nagsuklay??




Wait! Asan na kaya siya ngayon?? Itinaas ko ang ulo sa libro at hinanap si Diego gamit ang mga mata ko.




Searching......
Analyzing........
Location Configured!




Andon siya nakaupo sa harap. Tila'y busy sa binabasang libro. Hmmm!!!




Tumayo na ako. At nagsimulang maglakad. Habang naglalakad nagsalita ang librarian, "Time na!". Kaya napatayo na rin si Diego at sa hindi inaasahan nagkasalubong kami. Awkward!! Magkaharap kasi kami ngayon at nahulog yung librong hawak ko. Kumakabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Siguro dahil crush ko siya?




Akmang kukunin niya ang libro kaya inunahan ko siya. Umalis na rin ako sa harap niya at lumabas na ng library. Napakapit ako sa door handle.




Ano ba 'tong nangyayari??? Is it a coincidence or fate??




Coincidence or fate, nakakahiya ang ginawa ko. Grabe, brad!!! Nagmukha akong tanga! Okay! From now on, para hindi na ako magmukhang tanga sa harap ng crush ko, iiwasan ko na siya!




Back to reality~



Natapos na rin ako sa assignment ko sa math. Medyo inaantok na ako pero parang ayaw pa ng katawan ko. Gusto pa niyang gumalaw.



Tumaya ako at kinuha ang backpack ko. May nahawakan akong ewan. Linabas ko yun para makita kung ano man ang nakuha ko. At ang nakuha ko ay ang diary ni Naomi.



Hmm.... Hindi ko pa rin alam kung bakit ako ang nakahanap nito. Ay mali! Hindi ko 'to nahanap! Nahanap pala nito ako!



Tinignan ko yung likod ng diary. May mga naka-ukit na numero. Hindi ko alam kung anong mga numero.



"Diary, sino ba ang soulmate ko? Si Glenmyloves ba? Na since birth kong crush?" Natanong ko sa diary




At naramdaman ko ang mga numero na naka-ukit. 891449.

Diary Ni NaomiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon