CHAPTER 3: Mr. Singit

34 0 0
                                    

Hanggang sa isang subuan nalang sya.

"Waaaah isang subuan kana lang, ubos kana" sabi ko sa nasa kutsarang cheesecake. Mauubos na yung cheesecake ko!

"Wag kaya muna kitang kainin?" Patatagalin ko muna pananatili nya sa mundo hehe. Tinitigan ko lang muna yung nasa isang kutsarang cheesecake hanggang sa natakam ulit ako at kinain ko na. Ubos na sya :'(

"Heaven shit! Sarap talagaaaa!" sabi ko habang nginunguya yung cheesecake tas may papikit pikit pa.

Mmmmm

"Pfft. Miss? Ayos ka lang?" Rinig kong boses ng lalaki. Malamang! Bat naman di ako magiging ok? E ayos na ayos nga ako sa cheesecake ko!. Dumilat ako saka tumingin sa lalaki. Wtf! Si Mr. Singit! Yung lalaking sumingit kanina! Umupo sya sa tabi ko. Trip ba ako neto?

"Oh? Bat dito ka?" Sabi ko ng may pagkamataray. Baka hihingi ng sorry kanina? Tumingin naman sya sakin. Ang gwapo nya pala. Parang nagslow motion yung pagkaharap nya sakin.

Ikaw naba si Mr. Right?~ 🎧

No zeng! May atraso sayo yang lalaki nayan! Wag ka mahuhumaling dahil lang sa itsura nyan!

"Bakit? Sayo ba 'tong coffee shop para magreklamo?" Tumaas naman yung kilay nya. Aba aba, nagtataray din tong lalaki nato? Pero ang cute nya! .....Zeng! Yan ka nanaman! Wag mahumaling!

"Sa tingin mo ba akin to??" Mukha bang akin tong Starbucks? Ang wow ko naman.

"Kaya nga tinatanong diba? Common sense naman" sabi nya at umiling iling pa. May pacommon sense common sense pang nalalaman psh

"Malamang Hindi! Common sense! Pag ba sinabi kong akin to maniniwala ka?" Malamang hindi. Mukha nga akong mahirap eh. Iniinom nya na yung frappe nya.

"Syempre.." Sabi nya sabay inom. Anong syempre? Pinagloloko bako ng Mr singit nato?

"Huh?"

"Syempre Hindi. Di pa ako tapos" Hays daming alam!

"Hindi pala tatanong kapa psh"

"Masama magtanong?"

"May sinabi ako?" Pambabara ko. Magaling din ako mangbara eh hehez

"Pilosopo masyado amputa" Sinabi nya dun sa gilid nya ng mahina. Narinig ko rin naman!

"Ikaw yun" sabi ko rin ng mahina sa gilid ko. Alam kong narinig nya yun

"May sinasabi kaba miss?"

"Wala! Sabi ko aalis nako!" Sabi ko at Tumayo nako. Sarap upakan yung cute nyang mukha!
Yan nanaman ako..

"Bye Ms. Sungit!" sabi nya Sabay kindat sakin. Aba may pakindat kindat pa syang nalalaman. I just rolled my eyes to him at umalis na dun sa coffee shop. Trip talaga ako ng lalaki na yun eh! Sarap upakan psh!. Akala ko magsosorry siya kanina kaya tumabi sakin, di naman pala! Sakit umasa LOL. Di manlang sabihin na "Uy pasensya kanina dahil sumingit ako ah?" Hay nako. Ayoko na nga yun isipin, nakakainis lang!

-----

"Ano gagawin mo sakin?"

Hindi ko maaninag yung mukha nya. Nakatayo sya sa harap ko. Isang lalake. May hawak sya. May hawak syang... Baril.

"Wag kana manggulo sa buhay ng iba" tinutok niya yung baril sakin. Nararamdaman kong tumutulo mga luha ko sa pisngi ko. Takot na takot ako. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko magawa.

"Wag! Please wag!" Pagmamakaawa ko. Narinig kong kinasa nya yung baril. Tinutok nya ulit sakin at

*Kriiiiiing* *Kriiiiiiing*

"WAAAAG!" Sigaw ko. Bigla akong napaupo. Grabe yung kaba sa dibdib ko.

"Tae! Panaginip lang pala" Tinignan ko yung clock na nag riring pa. 5:00 am na sakto. Tumayo nako at nag unat unat na. Pinatay ko na yung alarm then nag ligpit nako ng higaan ko. Pumunta nakong Cr para maligo. Pagkatapos ko maligo, nag ayos na ako ng mga gamit ko at ng sarili ko. I wear my new uniform. Bumaba nako para sa aking breakfast. Sakto namang kakahain lang ni tita.

"Morning po Tita" bati ko sakanya. Umupo na ako sa may upuan na malapit sa table.

"Good morning zeng, aga mo ata nagising kanina?" Sabi ni tita habang naghahain. Nagtataka si Tita pft. Syempre may inspiration na! Chos

"Excited lang po haha. Si Tito po?" Tanong ko kay Tita. Umupo na rin si tita malapit sa tabi ko.

"Andun! Tulog pa" sabi nya habang kumukuha ng sinangag at hotdog. Puyat ata pft. Kumuha narin ako ng sinangang saka scrambled egg. Kumain na ako ng kumain.

Wag kana manggulo sa buhay ng iba

Nabuga ko yung nasa bibig ko. Nagulat naman si Tita. Bakit ba naiisip ko yun? Grabe naman yung panaginip ko! Parang nal-LSS ako. Last Said Syndrome hoho imbento.

"Aish ano ba nangyari sayo?" Napatigil din si tita sa pagkain. Pano ba naman nabugahan ko sya.

"Ah Wala po" sabi ko at uminom na ng tubig. Nawalan nako ng gana kumain. Tumayo nako. Tinignan ko naman kung anong oras na, 6:20 am na.

"Tita Alis napo ako" sabi ko at sinuot ko na yung shoulder bag ko.

"Sige zeng ingat! Wag gagawa ng kalokohan!" Sabi ni tita. Magpapakatino nako!

"Opooo!" Pahabol Kong sabi. Tumakbo nako palabas ng bahay. 7:00 am kasi start ng klase, eh 6:24 na. Mag aabang pakong jeep.

"Wait lang zeng!!" Habol ni tita sakin. Bumalik naman ako

"Bakit Tita?"

"Oh" inabot nya sakin yung papel. Hindi ko na tinignan. Tumakbo agad ako papalabas ng bahay. Malalate na ako eh. Nag abang nakong jeep

6:25am- 6:26am- 6:28am- 6:30am-

"Putcha 6:30 na wala paring jeep!" Sabi ko. Napakamot ako sa ulo. Aga aga ko pa naman gumising

6:32am- 6:35am-

May naaaninag nakong jeep. Pinara ko. Yes! Nakasakay narin! Tuloy tuloy lang yung byahe hanggang maging 6:45 na. Tas Panay hinto pa si manong driver! Lahat ata ng maraming tao, hinintuan nya eh

"Para po!" Sabi ko. Bumaba nakong jeep. Tinignan ko yung school and Woah! Anlaki super! Lalo akong kinabahan. Naglakad na ako papasok ng gate.

"Nasan ID mo?" Sabi nung guard na biglang humarang sakin. ID? Di pa naman ako binibigyan nun ah.

"Kaka transfer ko lang po dito nung isang araw" sabi ko kay manong guard.

"Ah ganun ba" sabi nya at umalis na sa pagkakaharang sakin. Naglakad nako papunta sa loob ng school. Aakyat na sana akong hagdan pero may naalala ako. Teka, saan nga pala yung room ko? may binigay saking papel si Tita eh. Dun ata nakalagay kung ano magiging section ko.

"Nasan naba yun?" Kinapa kapa ko yung bulsa ko pero wala. Tinignan ko naman sa bag ko. Baka mga nakaipit sa notebook. Tinigan ko yung mga notebook ko. Binuklat ko isa isa. Bigla namang nahulog lahat ng notebook ko. Kamalasan nga naman

My Sadistic Princess (On going story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon