CHAPTER 1: Trouble

84 0 1
                                    


Papasok na ako ngayon sa gate ng Baredille. As usual nagsisi-Tinginan nanaman sila sakin at nagsisilayuan na para bang nangangain ako ng tao. They're look weird.

"Ayan ba yung Fritzie?"

"Oo ayan yun"

"Shocks ang ganda nya"

"Maganda nga, Bitch naman"

"Kaya nga, Warfreak at sadista pa"

"Pag niligawan mo yan, Bugbog ang abot mo hahahaha"

"Wow, Ang cool nya"

Yan ang mga naririnig ko habang dumadaan ako sa hallway. May Good and Bad comments pero I don't need their comments. Nilagyan ko nalang ng earphone yung dalawa kong tenga at tumuloy na sa paglalakad. Isang backpack na Jansport lang dala ko ngayon. Habang patuloy ako sa paglalakad papunta sa room may biglang humarang sakin na lalake. May parang Back up pa. Ano, sasayaw sila sa harap ko? :3
Naka pangbasketball sya at may hawak sa gilid na bola Nasa likod ng lalaki yung 5 nyang tropa na nakaganung attire din.

"Hi fritzie, I'm Paulo" sabay kindat at tapat ng kamay sakin na parang gusto makipaghandshake. Tinitigan ko lang siya. I'm not friendly. Mukhang nangangawit na si kuya. Nakangiti parin si kuya sakin habang ako, Nakapoker face na nakatingin lang sakanya. 5 minutes na syang nakaganun kaya tinanggal nya na yung kamay nya sa tapat ko. Halata namang ayaw kong makipagkaibigan diba? Tss.

"Aaaaaaaaa" sigaw nung mga ibang studyante na nakatingin samin. Nakiganun narin yung tropa nya kasi mukhang napahiya. I mean napahiya talaga siya. Lalo atang nainis. Hindi ko na kasalanan yun.

"Okay, kung ayaw mong makipag shake hands, wag na. Pero Can we be friends?" Nakangiting wika nya.

"Alis" sinabi ko ng Hindi malakas, hindi mahina. Inaantok ako ngayon. Maaga ako ginising kanina kaya Sana umalis kanang lalaki ka sa harap ko.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi kita nagiging kaibigan"
Aba, kung ayaw mo umalis, ako ang aalis. Ayoko sa lahat yung pinipilit ako. Lumakad ako na para bang walang tao sa harap ko. Naapakan ko paa nung lalaki. Nakita ko na napahawak sya sa paa nya. Nakaconverse pa naman ako ngayon. Binangga ko naman yung isa ng malakas. Kahit babae ako, malakas ako. May isang napaupo sa sahig na ikinatawa ng lahat. Parang hangin lang ang katawan piste. Binilisan ko nalang ang paglalakad.

"Pare wala ka pala eh! Hahahaha!"

"Lul pasalamat yan babae sya!"

"Wahahaha!"

"Tangina ansakit ng balakang ko tss, Tara na nga baka mapatulan ko pa yan" sabi nung lalaking napaupo sa sahig. Sus, Mga puro porma lang alam. Lahat na ng babae pormahan nyo dito, wag lang ako. Nakakaimbyerna.

Pinagpatuloy ko nalang paglalakad ko.
Naaaninag ko na yung room namin at nakikita ko na rin ang The 4 Witches. Sila yung mga babaeng galit na galit sakin. Mga mukhang mangkukulam na parang coloring book ang mukha.

"Andito kana pala bitchie Fritzie!" Sarcastic na sinabi ni Loraine. Yan yung pinaka matapang sakanilang grupo. Pinaka mayabang at pinaka maldita. Pinaka mukhang mangkukulam din.
Sunod sunuran sakanya lahat. Isa rin yan sa mga kinatatakutan dito sa campus dahil sa pamamahiya nya katulad nung nangyari kay Bernadeth.

Si Bernadeth ang pinaka maganda dito sa campus. Sikat at iniidolo ng lahat. Sumali sya sa Beauty Contest dito sa school which is kasali rin dito si Loraine. Nanalo si Bernadeth sa Pageant while Loraine Lose it. Hindi matanggap ni Loraine na natalo sya kaya sinabi nya sa buong studyante dito sa Baredille ang sikreto ng boyfriend ni Loraine na tinitwo timer lang sya ni Carlos sa mismong pageant at sa stage pa. Walang magawa si bernadeth sa nangyari at tuluyan ng umalis sa pageant. Then Kinabukasan, They found bernadeth, Already Dead. Usap usapan sa school ang nangyari kay bernadeth. She Committed suicide.

My Sadistic Princess (On going story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon