CHAPTER 4: UC

23 0 0
                                    

"Nasan naba yun?" Kinapa kapa ko yung bulsa ko pero wala. Tinignan ko naman sa bag ko. Baka mga nakaipit sa notebook. Tinigan ko yung mga notebook ko. Binuklat ko isa isa. Bigla namang nahulog lahat ng notebook ko. Kamalasan nga naman

"Ay shete" nalaglag lahat ng hawak kong notebook. Umupo ako at pinulot ko yun isa isa.

"Need help?" Boses ng lalaki. Hindi ako nakatingin sakanya kasi busy ako sa pag aayos.

"No thanks" matipid Kong sagot.

"Kung hindi ka magpapatulong, malalate kana.. I mean late kana pala talaga" sabi nya. Hindi parin ako nakatingin kasi busy nga ako.

"Huh? What time nab-" naputol yung itatanong ko nung tumingin nako sakanya. Nagulat ako sa nakita ko.

OMG! Lord totoo ba'to?

"M-mikko L-luciano??" Nauutal kong tanong. Nanlaki yung Mata ko. Napangiti naman sya. Siya ba talaga yun? Yung lalaking ultimate crush ko, nasa harap ko na?! Teka baka nanaginip lang ako! Kinurot ko sarili ko.

"Ouch!" sino ba naman kasing tanga ang hindi masasaktan kapag kinurot yung sarili?.

"Kilala mo ako? Haha oo ako nga" nakangiting sabi nya. Ang cute nya tumawa!

"Hehe" tawa kong peke. Yan na yung pinaka weird kong tawa ngayong araw.

"Anyway, I'm Mikko. Mukhang kilala mo na naman ata ako eh. Ikaw, ano pangalan mo?"

"Ah eh hindi naman. Hehe. Fritzie.. Fritzie Rodrigues" yan nanaman yung fake laugh ko! Sheeez, nararamdaman kong namumula ako!

"Nice name! Nice meeting you fritzie" sabi nya habang nakangiti. Natutunaw ako sa mga Mata nya. Alam nyo yung feeling na tinititigan kayo ni crush tas kayo di makatingin ng diretso sa mata nya? Sheeez!

"T-thanks!" Lalo ata akong namula. Waaah ayoko na.

"Ayusin na natin mga notebooks mo" sabi nya at iniayos na nya yung mga nasa sahig kong notebooks. Nag nod lang ako sakanya at inayos narin yung mga notebooks ko.

"Taga 10- Einstein ka?" Tanong nya sakin habang hawak hawak yung maliit na papel. Nahanap nya yung kanina ko pa hinahanap!

"Einstein? *tinignan ko yung papel na hawak nya* "Ah oo ata. Thank you nga pala ha." *Tumayo nako at tinignan yung orasan*

"Uhh pupunta nako sa room ko, late na ko sobra! Thank you ulit!" Nagmamadaling sabi ko. Pano ba naman 7:20 na! Wrong timing si UC eh! (Utimate Crush) ko

Umakyat nako agad sa may hagdanan. Einstein yung section ko eh. Naglakad lakad ako at tinignan tignan ko yung mga sections.

Nasan naba yung Room ng einstein?

Sa school kasi may 4 buildings. Nakapasquare sila. Sa gitna yung ground & stage. Malawak sya. May mini school garden din dun sa likod ng building. Yung bawat building may 3rd floor.

"Nakakapagod naman umakyat ng hagdan hays!" Sabi ko habang pumapanik nanaman ng hagdan. Pumunta ako sa left side. May nakita akong room dun.

10- Albert Einstein

Eto na yun! Yung section ko! Kumatok agad ako at pumasok. Lahat sila nakatingin sakin pati narin yung prof.

"You're late in 40 minutes!" galit na sabi sakin nung lalaking nagtuturo. Tinignan ko naman yung board, mukhang math tinuturo.

"Sorry sir" maikling sabi ko. Nakatayo parin ako malapit sa pinto.

"Okay! You may take a seat. Anyway class, she's your new classmate" sabi ni sir. At umupo nako dun sa may pinakalikod.

My Sadistic Princess (On going story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon