CHAPTER 2: Cheesecake

37 1 0
                                    


"ANO?! DROP KANA?" Sigaw ni tita sakin. Anlakas huhu, Sakit sa Eardrum.  Nakaupo ako ngayon sa may sofa habang si Tita naka tayo sa harap ko at nakapamewang pa. Nakayuko lang ako.

"GRADUATING STUDENT KAPA NAMAN DIN!" Sigaw pa ni tita. Fourth year na ako this year kaya pinipilit kong magpakatino kaso mukhang di ko kaya T.T

"JUSKO ZENG!" Sabi ni tita na napahawak sa ulo. Yis zeng, Nickname ko yan. Fritzie, Fritzeng, Plitzeng, Zeng, Whatever!

"May alam na akong school na pwedeng lipatan ni zeng" Sabi ni Tito. Buti pa si Tito, malumanay lang magsalita T.T

"ANO NAMAN?" Medyo pagalit na sabi ni tita. Tita, may redtide kaba ngayon?

"Dun sa Massachusett" sabi ni tito. Massachusett? Massachusett Academy? Oo yun yon. Nanlaki tuloy mata ko.

"Massachusett Academy!!" Sabi ko na parang excited. Pano ba naman, Andun yung ultimate super duper crush kooooo!

"Oo MC Academy, Magandang skwelahan yun. Malay mo tumino pamangkin natin dun" Sabi ni Tito kay tita. Oo titino na akoooo. Pero di ako makakapagpromise :P

"Ang tanong, titino pa kaya yan?" Sabi ni Tita na nakataas yung isang kilay. Hindi ko alaaaam. Siguro! Oo! Hahaha.

"Lahat ng tao nagbabago ta" sabi ko. Pft. Nginitian naman ako ni tito. Hehe

"Sige ieenroll ka namin doon pero kapag ikaw nadrop ulit sa pangalawang beses, aba, Hindi kana namin pag aaralin!" Pasigaw ni tita sakin. Magpapakatino na talaga ako.

"Opo Tita"

"Mabuti" sabi nya at umakyat na papuntang kwarto nya. Tinap naman ni Tito yung ulo ko at sumunod narin kay tita. Bait talaga ni Tito at ang talino pa! Biruin mo, naisip akong pag aralin sa Massachusett academy hahaha.
Gustong gusto ko mag Aral sa Mc kasi andun si Mikko Luciano. Nakikita ko sya sa Tv! Ang galing nya magbasketball super! Hihi ang cute nya pa.

--------

"Hoy Naenroll na kita sa Mc academy" rinig kong sabi ni Tita. Ang aga nya naman magising. Teka, anong oras naba? 11:00 pm na?! Magtatanghali na pala. Bumangon na ako at inayos yung hinigaan ko.

"Pasalamat ka at tumatanggap sila ng drop" sabi ni Tita. Hays oo na. Drop nako, paulit ulit? -___-

"Sa Monday kana daw magsstart ng klase sa bago mong school" dumaan naman si tito. Monday na? Ano naba ngayon? Saturday? Okay may time pa ako para makapag warm up lol.

Gusto ko pumunta ng mall ngayon. Magwiwindow shopping lang ako. Wala naman kasi akong gagawin sa bahay eh. Tapos nakong tumulong kila Tita sa business nilang embutido packing haha. Oh yes, yun lang ang kanilang trabaho. Hindi sila magkaanak kaya tinuturing narin nila akong anak.

Andito na ako sa mall. Andaming namang tao ngayon. Weekend kasi. Hmm saan kaya ako unang pupunta? Ah dun muna ako sa Department Store. Pumasok na akong department store. Tumingin tingin lang ng mga damit, shoes and etc. Lakad dito, lakad doon. Ang mamahal naman! Wala bang 100 pesos na sapatos dito? Letchugas puro mga nasa 500+ :3 Naglakad lakad nalang ako

"Krrrrrr" Ano yun? Napatingin ako sa tyan ko. Kumakalam na pala. Gusto ko ng blueberry cheesecake!

Lumabas na ako ng DS at naghanap ng cheese cake ko. Habang naglalakad ako,Nakakita ako sa Starbucks ng cheesecake. Agad akong pumasok sa loob nun.

"Oh Cheesecake!" Grabe busog na busog na yung mata ko kakatitig sakanya. Pumila na ako kaagad. Ang haba pala ng pila kainis.

Cheesecake. Cheesecake. Cheesecake. Cheesecake. Cheesecake. Cheesecake!

And finally ako na yung oorder! Sa wakas!

"Isa ngang chee-" naputol yung sasabihin ko kasi biglang may sumingit!

"1 Chocolate chip frappe & 1 Cinnamon please" Sabi nung lalaking sumingit na nakatalikod sakin. Aba ang kapal ng mukha ni kuya ha pero he have a sexy back.....Stop fritzie!

"Okay sir, Let me repeat, 1 Chocola-"

"Excuse me?! Ako na yung susunod diba?" Okay calm down fritzie! Calm down!

"Well, I don't care" sabi nya at tumalikod na sya sakin. Aba bastos to ah!

"You don't care? So I care! Hindi kaba marunong pumila?! Kung hindi ka marunong, edi wag ka pumunta dito. Asshole!"

"Woah pasensya na miss pero gutom na talaga ako" humimas himas pa sya sa tyan nya. Kung gutom sya, mas gutom na gutom nako! Hindi nya ako madadala sa paawa effect nya!

"Bakit? Gutom narin ako ah? Gutom narin yung mga nakapila! Lahat tayo gutom! Pero tignan mo sila naghihintay sa turn nila! Eh ikaw?"

"Tangina naman" Mahina nyang sabi pero narinig ko parin. Gago pala sya eh, tama bang sumingit?

"Minumura mo ba ako?? Pasensya narin ha? Tinuro kasi sa Edukasyong pagpapakatao namin na masama yung sumisingit eh" Mahinahon Kong sabi. Oha nakinig ako nung tinuro yun sa Esp namin pft. Nagugutom na ako! Letse kasi tong lalaki

"Sabi ko pipila na ako" kunot noo syang pumunta sa likod ko. Dapat dun sya sa huli! Mas nauna sakanya yung mga nasa likod ko eh

"Dyan kaba? Pumila ka sa pinaka huli!" Sigaw ko sakanya.

"What?! Dafuck!" Nakakunot noo sya.

"Aba mas nauna sayo yung mga nasa likod ko! Para kana ring sumingit, di nga lang sakin kundi sakanila!" Inis na sabi ko sakanya.

"Pupunta na nga ako dami pang sinasabi!" sabi nya ng pagalit. Inirapan nya ako. Woah bakla talaga to eh! Pumunta na sya sa huli. Nakatingin sya sakin ng masama

"Psh" i just rolled my eyes din. Lumapit nakong counter kasi its my turn. Napansin ko, Andami palang nakatingin samin kanina. Halos buong tao sa Starbucks nakatingin kanina. Maski yung mga crew.

"Good day! May I have your order?" Sabi ng crew

"1 blueberry cheesecake please"

"Okay 1 blueberry cheesecake and anything else ma'am?"

"May sinabi pa ba akong iba pa? Diba blueberry cheesecake lang yung sinabi ko?" Tae! Masama daw magalit kapag gutom na gutom na!

"A-ah o-ok po" nauutal na sabi ng crew. May masama ba sa sinabi ko?. Humanap nalang ako ng pwedeng ma-upuan. Umupo ako sa may bandang gilid kasi dito lang yung may bakante. I'm waiting for my Cheesecake.

Cheesecake. Cheesecake. Cheesecake!

Antagal naman.

Tinignan ko yung parang bigayan ng order dun tas sumenyas sakin yung girl na parang "Ma'am eto napo". Bakit Hindi manlang tinawag yung pangalan ko katulad ng iba?! Naman eh.

Miss Fritzie Rodrigues here's your deliciously sweetly Blueberry cheese cake!

Oha! Pak! Bagay oh. Kainis naman. Favoritism ganon? Psh. Sumubo nalang ako ng cheese cake.
Sa bawat pagsubo ko, napapapikit ako dahil sa sarap! Di ko namalayan na papaubos na pala yung cheesecake ko. Hanggang sa isang subuan nalang sya.

My Sadistic Princess (On going story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon