Best Friends and Boyfriends Series 2: Man Eaters (Chapter Two)

1.7K 6 2
                                    

Apr 23 6:30 am
Sender: Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)
To: Kayne Arena (manhater4everxoxo@yahoo.com); Alyssa Rondo (Aly1989@yahoo.com)

OMG Girls! You're not gonna believe this! Napanaginipan ko si Wayne, At... at... well, it was a very weird dream. Ganito yun: Papasok daw ako sa school, nagmamadali. He smiled at me at umupo sa harap ko sa klase. Basta ang weird niya dahil sinabihan niya ako ng "I love you." Arghh, ang weird! Sa huli, kiniss niya ako, feeling ko talaga pag gising ko totoong totoo. Nakakabaliw! :)

Apr 23 6:45 am
Sender: Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)
To: Wayne Darter (light_house@yahoo.com)

Hello Wayne!

Musta po, ba't pala hindi ka nagpaparamdam sa akin? Sabi mo pa naman check ko email ko palagi eh wala ka namang message. Nga pala, baka magtagal pa ako dito ng isang buwan. Huhuhu... ingat ka palage! ^_^

PS: Ang weird ng panaginip ko, nandoon ka kasi eh. Peace! 

Apr 24 01:02 pm
Sender: Kayne Arena (manhater4everxoxo@yahoo.com)
To: Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)

Hay naku, Cath! Kakaiba nga yang panaginip mo pero, why not? Haha! Joke! Gwapo naman si Wayne ah. Ano bang ayaw mo sa kanya? Eh di ba magtagal ka na niyang gusto, teka lang, truly move on ka na ba kay Jaye? Wish ko lang huh! Nakapunta ka na pala sa Disneyland? Bilhan mo din ako ng souveneir ha, gusto ko yung tumbler!

Anyway kagagaling ko lang sa kabilang baryo dahil nandun ang Lola, Lola, Tita, Tito at mga pinsan ko na dito na naninirahan sa probinsya, malayo sa kabihasnan at napakapayapa. (Oh di ba ang lalim na ng tagalog ko! Chuva ever!) At alam mo ba na tine text ako ni Troy ng mga quotes, mostly eh religious. Although alam ko naman na hindi lang ako ang tine text niya. Pero alam mo oras oras ha, okay siya na ang unli text. Hindi na nga ako nakakapag reply eh, naaalala ko pala sabi niya sa akin dati na hindi siya mahilig mag load. Dapat na ba akong magalala? Alam kong hindi dapat, pero noong isang araw ay tinext ko si Arianne sa text kung bakit hindi niya sinagot si Troy, alam mo ba ang reply? Hindi naman daw itinuloy ni Troy ang panliligaw sa kanya. Nakakapagtaka, pero ayokong mag assume. Sabi nga nila, don't assume unless otherwise stated.

Nagrereply ba sayo si Alyssa? Nagaalala na ako sa babaeng yun, ano na kaya ang nangyari sa kanya? Teka add mo ko sa YM! Eto ID ko: girlpunk_x. Chat tayo minsan, OL ako sa Saturday 9 pm. Ingat ka diyan. :)

Kaynee XOXO

Apr 25 9:05 pm

girlpunk_X: Ei Cath!
girlpunk_X: Buzz!
girlpunk_X: :)
Sossy_bonita: Ui Kaynee, musta?
girlpunk_X: tagal mo ah...
Sossy_bonita: Sensya na, puro utos dito si Padir, musta kayo ni Troy? I mean ni Domeng? Haha! Joke!
girlpunk_X: signed off
girlpunk_X: signed in
Sossy_bonita: Joke lang yun, Kay! Soweee!!!
girlpunk_X: Loka ka talaga, wag mo nga ako asarin ng ganyan, abnormality!
Sossy_bonita: o sya sya, hindi na po! Nga pala kamusta na si Aly?
girlpunk_X: Di pa nga siya nagpaparamdam sa akin eh pero sa tingin ko may problema family niya.
Sossy_bonita: Oo nga eh, hindi ko rin siya ma contact.
girlpunk_X: Confiscated daw ang CP niya.
Sossy_bonita: How sad, ano ba naman yan wala man lang ako maitulong sa kanya.
girlpunk_X: Kahit ako eh, kailan ka nga pala uuwi?
Sossy_bonita: Sana bago magpasukan.
girlpunk_X: Huwat? Bakit naman alanganin?
Sossy_bonita: Baka stop muna ako this sem.
girlpunk_X: No way!
Sossy_bonita: Well, totoo yun at nakakaasar, para lang sa isang ID kailangan kong mag stop, asar! Buti sana kung may kasama ako dito.
girlpunk_X: Oo nga, at nakakabaliw. Mami miss ka namin, teka wala ka bang suitors diyan?
Sossy_bonita: Sorry pero hindi ko sila type.
girlpunk_X: Di nga? 
Sossy_bonita: Alam mo naman ang type ko di ba? Ayoko ng patpatin, sobrang puti or singkit. Gusto ko moreno at gwapo at matangkad at mabango at mabait. 
girlpunk_X: Shocks Cath, ikaw ba yan? Mapili ka na pala ngayon sa lalake.
Sossy_bonita: Anong mapili?
girlpunk_X: Wala naman kasi sa definition mo si Jaye eh! Definitely moreno, oo pero pero gwapo, matangkad, mabango at mabait, ewan ko lang. Sabihin mo nga ang totoo, pinainom ka ba niya ng gayuma?
Sossy_bonita: Sesermunan mo na naman ba ako? Eh medyo move on na nga ang tao eh.
girlpunk_X: Sure ka? Bakit naman medyo lang?
Sossy_bonita: Syempre nami miss ko pa rin siya pero at least hindi na ganoon kasakit.
girlpunk_X: Wish ko lang!
Sossy_bonita: Oo nga, promise! Teka hindi mo pa ako sinasagot kung kamusta na kayo ni Troy?
girlpunk_X: Wala, malay ko sa taong yun.
Sossy_bonita: Akala ko ba tine text ka?
girlpunk_X: Wala yun.
Sossy_bonita: Hmmm... something fishy ka teh!
girlpunk_X: Shut up Cath, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na wala akong gusto kay Troy na kung meron man, wala na siya as in! Tsaka text lang naman yun.
Sossy_bonita: Okay, okay so tapos ka na kay Troy?
girlpunk_X: Yup!
Sossy_bonita: Alam mo napakalungkot din ang walang love life no? 1 month na akong walang boyfriend, what a miracle!
girlpunk_X: Oo nga eh, himala nga para sa isang katulad ni Catherine Chan, imagine si Jaye lang pala ang magpapatigil sayo sa pagiging play girl mo. 
Sossy_bonita: Oo nga, hindi ko rin akalain, I guess sa kadami dami ng lalake siya lang ang tanging nakipag break sa akin, eto na nga ata ang karma ko.
girlpunk_X: It's okay, makakabawi ka din. Eh si Wayne? Ano ba talaga status niyo? Eh nasa kanya na ata lahat ng definition ng gusto mong lalake eh. 
Sossy_bonita: Hindi nga siya nagre reply sa email ko eh, teka OMG!
girlpunk_X: Ano yun Cath?
girlpunk_X: Buzz!
girlpunk_X: Uy, nandyan ka pa ba?
girlpunk_X: Catherine Chan!!!
girlpunk_X: Buzz!
Sossy_bonita: Oo Kaye, nandito pa ako.
girlpunk_X: Ano nangyari?
Sossy_bonita: Wala.
girlpunk_X: Ay wag sinungaling!
Sosyy_bonita: Si Wayne may girlfriend na.
girlpunk_X: Ha? Paano mo nalaman? Sure ka ba?
Sossy_bonita: May pic ng babae sa profile niya. Sigurado ako, Ugh!
girlpunk_X: Maganda ba? Teka titingnan ko ang profile niya.
Sossy_bonita: Okay.
girlpunk_X: OMG! Oo nga babae! Pero hindi naman hamak na mas maganda ka. Teka nagse selos ka ba?
Sossy_bonita: Ako? Hindi ah, bakit naman ako magseselos? Magsama silang dalawa! Bakit ba?
Sossy_bonita have signed off.

Best Friends and Boyfriends Series 2: Man EatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon