Best Friends and Boyfriends Series 2: Man Eaters (Chapter Three)

1.2K 1 0
                                    

Apr 29 8:30 am

Sender: Alyssa Rondo (Aly1989@yahoo.com)

To Kaynee Arena (manhater4everxoxo@yahoo.com) Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)

Dear Cath and Kaynee,

Sorry kung ngayon lang ako nakapag email sa inyo, ang dami na kasing nangyayari sa buhay ko. Uhm kaya hindi niyo ko ma contact sa bahay ay dahil hindi na kami nakatira sa bahay ng Papa ko. Naghiwalay na sila, dito na ako ngayon nakatira sa bahay ng Lola ko. Grabe na kasi ang mga ginagawa ni Papa, hindi na namin makayanan. Anyway, masaya naman ako dahil sa wakas meron na ulit akong cellphone at wala ng nakikialam sa akin. Malaya na ako Girls! Haha! Kaya wag na kayong magalala, okay? Bale natanggap na pala ako sa pinagaplayan kong trabaho, at eto pa ang daming cute doon. Nagsimula lang ako kahapon, at ngayong araw ay mamayang 10 am pa ang pasok ko. 

Kayo, kamusta na? Pasensya na kung pinagalala ko kayo. Miss ko na kayong dalawang best friends ko, reply kayo agad ha! Take care always!

Alyways, 

Alyssa <3

SMS received

From: Paul

To: Alyssa

Hi Alyssa, gud eve! Congrats for a job well done! Keep it up! :) May gagawin ka ba sa Sat? Susuweldo kasi ako eh, pahinga ka na ok? See you tom!

From: Alyssa

To: Paul

Ano naman ang gagawin natin sa Sat ha? Pwede bang pag isipan muna? Bukas ko sasabihin ang sagot, night! Pahinga ka na din! :)

May 1 5:00 pm

Sender: Kaynee Arena (manhater4everxoxo@yahoo.com) 

To: Alyssa Rondo (Aly1989@yahoo.com)

Hay, buti naman at okay ka na! Congrats to your new job! Sana pagdating ni Cath ay manlibre ka na ha! Isang buwan na lang at pasukan na, sana makauwi na si Cath. Mukhang stop siya ngayong sem eh. Well sayo na lang ang mga cute diyan dahil hindi naman ako interesado, sarilinin mo na silang lahat girl! Oo nga pala, may na discover akong beauty tips, alam mo ba na ang malamig na tubig ay nakakapayat? Oo. Totoo. Maniwala ka! Dahil para mapainit ang tubig sa loob ng katawan, kailangan ng calories, gets mo? Sinabi ko na iyon kay Cath at oo daw, totoo daw yun. Pero syempre, avoid softdrinks pa din. Si Cath daw ay nagge gain ng weight, at ayoko mang aminin, eh ako din ay tumataba. 

SMS received

From: Kaynee

To: Troy

Tanong ng apo sa lolo:

Apo: Masakit ba magmahal ng lubos?

Lolo: Apo, rich tayo, okay lang kahit magmahal ang pulbos.

From: Troy

To: Kaynee

Wahahaha! Aba Kaynee marunong ka na palang mag joke ha, kaso corny eh. Anyway keep it up! :))

From: Kaynee

To: Troy

Sensya na ha, wrong send talaga yun! Hmp! Yaan mo hindi na kita ite text ng joke.

From: Troy

To: Kaynee

Joke lang yun, Kaynee. Ito talaga laging pikon. Saan ka nga pala ngayon? Magva varsity ka pa rin ba next sem?

From: Kaynee

To: Troy

Nasa probinsya ako ngayon eh, nagbabakasyon. Pinagiisipan ko pa kung magva varsity pa ako next year, ikaw ba?

Best Friends and Boyfriends Series 2: Man EatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon