Best Friends and Boyfriends Series 2: Man Eaters (Chapter Five)

1K 3 0
                                    

May 29 4:00 pm

Sender: Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)

To: Kaynee Arena (manhater4everxoxo@yahoo.com) 

Kaynee, ikaw na ba talaga yan? I can't believe it, binibigyan mo ko ng love advice! At hindi basta bastang love advice, you're telling me to fight for it! Siguro inlove ka no? Teka sino naman kaya ang maswerteng lalakeng yun aber? 

Grabe sa super bored ko dito, feeling ko nagpepenetensya ako. Sa sobrang depression ko nga ay nabubuhos ko na sa pagkain, feeling ko nga tumataba na ako Kaynee! What am I gonna do? Anyway good luck pala sa studies mo, kaya mo yan no, ikaw pa! 

Jun 2

SMS received

From: Paul

To Alyssa

Alyssa, galit ka ba sa akin? Napansin ko kasi kanina parang iniiwasan mo ako, may nagawa ba akong masama? Pls txt back...!

From: Alyssa

To: Paul

Paul, hindi ako galit, masama lang talaga pakiramdam ko kanina. Tsaka napagsabihan ako kanina ni Mr Cescon eh, sorry ha pero hindi talaga ako galit sayo.

From: Paul

To: Alyssa

Hay salamat, akala ko kasi galit ka. Uhm mahal mo ba talaga ako?

From: Alyssa

To: Paul

Ano ba namang klaseng tanong yan? Syempre oo. Gusto talaga kita Paul, bakit mo naman natanong yan?

From: Paul

To: Alyssa

Alyssa iba ang gusto sa mahal,ang tanong ko eh kung mahal mo ko at hindi kung gusto mo ba ako. Pero ok na naman sa akin na gusto mo lang ako, ang mahalaga ay mahal kita.

From: Alyssa

To: Paul

Paul, sorry kung nasaktan man kita, malay mo ma realize ko na lang bigla na mahal pala kita. Pero ngayon, gusto lang talaga kita, napakaswerte ko nga sayo eh kaya thank you sa lahat ng ginawa mo para sa akin.

From: Paul

To: Alyssa

Thank you for being honest with me, iba ka talaga sa lahat ng nakilala ko. Salamat din dahil napili mo ako bilang boyfriend, at alam mo napakaswerte ko sayo, kahit gusto mo lang ako.

From: Alyssa

To: Paul

Ang sweet mo naman.. :) Ano nga palang gusto mong tawagan natin?

From: Paul

To: Alyssa

How about cookies and cream? Ako si Cookie at ikaw si Cream :P

From: Alyssa

To: Paul

Hmmm.. good idea! So good night na Cookie, pahinga na tayo. 

From: Paul

To: Alyssa

Sure Cream ko, pahinga ka na rin at sweet dreams! PS: I love you!

Jun 7

From: Alyssa

To: Kaynee

Best Friends and Boyfriends Series 2: Man EatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon