Best Friends and Boyfriends Series 2: Man Eaters (Chapter Four)

1.1K 2 0
                                    

May 12 02:00 pm

Cedric_cool: Hi

Sossy_bonita: Hello

Cedric_cool:  Musta ka na?

Sossy_bonita: Ayos lang.

Cedric_cool: Ako hindi mo ba ako tatanungin?

Sossy_bonita: O, kamusta?

Cedric_cool: Well, mabuti naman, galing ako sa work ngayon, kakapagod.

Sossy_bonita: Kamusta naman ang USA?

Cedric_cool: Kakaiba din dito, as in. Pero gusto ko ng umuwi diyan.

Sossy_bonita: Wala ako sa Pinas ngayon.

Cedric_cool: Ha? Nasaan ka?

Sossy_bonita: Sa HK, stop muna ako this sem.

Cedric_cool: O, wow naman. Pareho pala tayo.

Sossy_bonita: Oo nga eh.

Cedric_cool: Pero at least mas safe ka diyan di ba?

Sossy_bonita: Siguro...

Cedric_cool: Kamusta na nga pala kayo ni Jaye?

Sossy_bonita: Matagal na kaming wala, basta mahabang story.

Cedric_cool: Talaga? Wala na kayo? Eh di ba sa kanya mo ko pinagpalit? Tapos ibre break mo rin pala siya.

Sossy_bonita: Actually, siya itong nakipag break sa akin, okay? So please let's close this topic. The important thing is I'm happy now.

Cedric_cool: May bago ka bang BF?

Sossy_bonita: Wala, wala na akong balak.

Cedric_cool: That's good.

Sossy_bonita: Yah, sure whatever.

Cedric_cool: May ikukuwento pala ako sayo.

Sossy_bonita: Sige go.

Cedric_cool: Alam mo ba na may katrabaho akong taga China dito sa may shop, nasa sales department din siya tulad ko. At alam  mo, hindi siya magaling mag english, halos hindi kami magkaintindihan. Pero ang bait niya, at sa totoo lang eh best friends na kami. Tapos kahapon pinagalitan siya kasi puro siya tawa, ewan ko ba.

Sossy_bonita: Oh talaga?

Cedric_cool: At alam mo ba king bakit siya tawa ng tawa?

Sossy_bonita: Ay Cedric, kailangan ko ng umalis, may hinahabol kasi akong tv program. Paborito ko kasi talaga yun eh, sige out muna ako ha.

Cedric_cool: Wait lang!

Sossy_bonita has signed off.

Dracula143: O Cath kamusta ka na diyan? Umuwi ka na, miss ka na ng tropa.

Sossy_bonita: Wish ko lang, baka nga magtagal pa ako dito.

Dracula143: Ay ganoon? Ano ba naman yan? Eh miss ka na ni Wayne eh.

Sossy_bonita: O? Paano mo naman nasabi?

Dracula143: Halata naman sa kanya eh.

Sossy_bonita: Eh paanong halata? Kwento mo naman.

Dracula143: Kahapon kasi birthday ni Harry, eh biglang napatugtog ang isang love song pagtapos naming kumain.

Sossy_bonita: Tapos?

Dracula143: Tapos inaasar siya ni Harry, sabi 'Uy nami miss si Cathy!' ayun ngumiti lang siya.

Sossy_bonita: Weh, hindi nga?

Best Friends and Boyfriends Series 2: Man EatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon