chapter 4

88 2 0
                                    

SI CHLOE SCARLETT ANG NASA PICTURE---->

=====================================================

=====================================================

Chloe's POV:

naglalaro ako ng badminton together with xienna.kapitbahay ko siya.nabobored kasi ako kaya niyaya ko siyang mag-badminton

"uy chloe, may nalaman akong tsismis tungkol sayo"

hay nako!yan ang ayaw ko sa babaeng to eh, napakatsismosa talaga.sa dinami-dami ng tsismis na pwedeng masagap, yung tungkol pa sa akin.

"hay nako xienna, wala akong interes na marinig yang tsismis mo.kaya ka napapa-away eh, napakatsismosa mo kasi"

"diyos ko naman!parang madadamay ka kapag napaaway ako ah.makikinig ka lang naman eh"

"ang kulit mo talaga!bahala ka"

habang nagdadaldal siya tungkol sa mga tsismis na nasagap niya na hindi naman ako nakikinig, napunta sa bubong yung shuttlecock namin.

"ay!sorry chloe.di ko sinasadya"

"ang daldal mo kasi eh"

"paano na yan ngayon?"

"ako na bahala"

humiram ako sa kapitbahay ko ng hagdan para maabot ko yung shuttlecock.nang makahiram na ako, isinandal ko ang hagdan sa bubong at umakyat na ako.

"ano na chloe, nakita mo?"

excited naman tong si xienna.dapat siya nga ang gumagawa nito eh.

"wait lang!"

sinubukan kong iabot ng aking kamay yung shuttlecock pero hindi ko maabot.sinubukan ko na rin sungkitin ng kahoy pero di ko pa rin abot.grabe naman tumira tong si xienna, ang layo ng inabot.

bigla akong tinawag ni xienna.baka magtatanong na naman kung nakuha ko na.may lakad ba siya?

"chloe, uwi na muna ako.tinatawag na daw kasi ako ni mama eh"

"sige"

kainis yung babaeng yun.matapos niyang ipapunta dito yung shuttlecock, iiwan niya lang ako.di man lang niya ako tinulungan.

paano ko tuloy aabutin to.ayoko naman pumatong ditto sa bubong dahil may takot ako sa heights.

sinubukan ko ulit abutin ng aking kamay yung shuttlecock.

unti na lang....

unti na lang......

YES!naabot ko din!pero teka, bakit kanina di ko naabot pero ngayon parang ang daling abutin.

"WAAAAAAH!!!"

humaba pala yung kamay ko.sa sobrang gulat ko, nalaglag ako sa hagdan pero hindi ako nasaktan nung pagbagsak ko dahil nag bounceback lang ako.buti na lang walang taong nakakita kundi baka pagkamalan nila akong alien.

pagkabalik ko nung hiniram kong hagdan, tumakbo agad ako ng kwarto ko para kunin yung cellphone ko tapos kinontak ko si Abigail.

bakit walang sumasagot?si logan na lang ang kinontak ko.

ring...ring...ring...

buti na lang sinagot niya.

"oh chloe bakit?"mukhang kakagising lang yung boses niya

"may nangyari sa akin na kakaiba!"

"ah ganun ba?....."

"hello, logan?"

THE ASSASSIN SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon