chapter 5

78 2 0
                                    

logan's POV:

"PUTEK! sasapakin na kita!"

ang kulit kulit ni chloe talaga.ang laki laki na niya, takot pa sa mga multo.dadaan lang naman kami sa abandonadong building, hindi naman kami papasok.tago ng tago sa likod ko.

"ano ba chloe, di ka ba aalis diyan?"

"ba't ba ayaw mo magpatago sa likod mo?"

"eh naalibadbaran ako eh!"

"magtiis ka muna"

"ang duwag mo"

malapit na kami sa playground kung saan natanaw na namin yung matanda kaso nga lang may humarang sa amin.sila yung umapi sa matanda na takot naman sa payong.hehehe!

ngumiti yung lalaking leader yata ng mga siga.mapang-asar yung ngiti niya ha.ang sarap isubsob sa toilet bowl.

ito namang si Abigail, pinairal na naman ang katapangan.siya ang nakipag-usap sa asungot na siga na yun.

"ano na naman ang kailangan niyo samin mga duwag ha?"

"ahahaha!!naduwag lang kami dahil may dala kayong katana nun"

"ahahahaha!!ang bobo mo kuya!payong lang yun!"

mukhang napikon na nga yung mga siga.sumenyas na yung leader nila na sugurin kami pero bigla na lang silang napaatras at nagsitakbuhan.tawa ako ng tawa pagkatapos nun.pano ba naman sila di tatakbo eh kinausap ko lahat ng mga ibon na atakihin sila pag may balak na silang makipag-away.

habang tumatawa ako, hindi ko alam na nakatingin na pala sakin sila luke.

"bakit ganyan kayo makatingin?"

"ikaw ba may gawa nun?"

"syempre"

"pano mo nagawa yun?akala ko ba shapeshifter ka?"

"ewan ko, long story eh"

oh ayan, wala ng hadlang sa daraanan namin.nakarating din sa playground sa wakas.nangawit likod ko dahil kay chloe grabe!

sensei's POV:

ABA! natatanaw ko na ang mga itinakda.hindi ako makapaniwala na sinunod nila ang sinabi kahit na natatakot sila sa akin nung una.

TEKA!! Parang kilala ko yung mga humarang sa kanila.

Hmmm!! Think, think, think!

.

.

.

.

.

.

.

.

Aha!! Sila yung mga siga na humarang din sa akin dati.

Naku!! Baka mapahamak yung mga bata!!

.

Tutulungan ko na dapat sila at susugod sa mga siga kaso nga lang, may nangyari na ikinamangha ko.hindi ko akalain na magagawa na nila agad iyon ng ganung kadali.madali na nilang nagagamit ang kanilang kapangyarihan.mukhang hindi ako nagkamali na piliin sila para maging itinakda.

Habang papalapit na sila sa akin, nakikita ko sa kanilang mga mukha ang kanilang pagdududa.Alam Kong wala pa silang tiwala sa akin pero sa bandang huli, pagkakatiwalaan din nila ako.

Pagdating nila, nakita ko yung itsura ni Luke.parang galit yata.

"Ano ba ang kailangan mo sa amin?bakit may nangyayari sa amin na kakaiba?may kasalanan ba kami sa iyo?!"

THE ASSASSIN SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon