chapter 3

97 2 0
                                    

SI ABIGAIL SAVANNAH ANG NASA PICTURE--->

=================================================================

=================================================================

zorghus' POV:

tumanda na ako kakahanap ng itim na kapangyarihan.pakiramdam ko pa rin, malapit na ako sa tagumpay na mahanap iyon.pero sa ngayon ay magpapahinga muna ako.

naglalakad ako sa madilim na eskinita nang may nakita akong babaeng tumatakbo at hinahabol siya ng isang matanda na parang namumukaan ko.

sinundan ko iyon pero biglang huminto yung matanda kaya dali-dali akong nagtago sa sulok.

ABA!!ang pagkakataon nga naman.

natuklasan kong ang matanda palang yun ay ang kapatid ko.

habang nakatayo siya, bigla siyang ngumiti.pagkatapos nun, may narinig akong sigaw ng mga lalaki na parang nakakita ng multo at kumakaripas ng takbo.

pagkatapos nun, biglang nagsalita si markus.

"alam kong malapit mo nang makuha ang gusto mo zorghus.kaya kumilos na rin ako para makapaghanda"

HALA!!!alam niya palang nandito ako.aatakihin ko na sana siya kaso nalinlang niya ako.isa palang ilusyon ang isang yun kaya nabigo ako.mas malakas talaga siya sa akin kaya kinaiinisan ko siya pero kapag nakuha ko ang itim na kapangyarihan, wala na siyang laban sa akin.

lumingon lingon ako sa paligid.ang bilis namang nawala nung babae.

ipinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad pauwi.habang naglalakad ako, iniisip ko yung sinabi ng kapatid ko sa akin.

hindi ko maintindihan kung bakit niya sinabi na malapit ko na makuha ang gusto ko?eh hindi ko pa nga nahahanap yung kapangyarihang itim eh.at ano ang ibig sabihin ng sinabi niyang kumilos na siya para makapaghanda?nahanap niya na ba talga ang mga itinakda?

habang naguguluhan pa ako sa lahat ng sinabi ng siraulo kong kapatid, may nakita akong liwanag na kulay violet sa isang madilim na eskinita.syempre dahil matapang ako masyado, pinuntahan ko yung liwanag.

nang palapit ako ng palapit, palakas din ng palakas ang tunog na naririnig ko na nakakapangilabot dahil parang may mga kumakantang mga kulto.

nang napuntahan ko na kung nasan galing ang liwanag, tumambad sa akin ang isang lagusan na napakadilim ang looban pero ang paligid ng lagusan ay umiilaw ng kulay violet.kahit na kinikilabutan na ako, susubukan ko pa ring pumasok.ba sakaling GAG SHOW lang ito.

pagpasok ko sa loob, kinilabutan ako lalo dahil walang tao sa loob pero may tunog na parang kulto pa rin akong naririnig.mukhang hindi na ito gag show talaga kaya lalabas na ako pero pagharap ko sa likod, napaatras ako sa gulat nang nakita ko na pader na lang ang dating lagusan kanina.mukhang nasobrahan ako ng tapang ngayon ah.na-trap tuloy ako ngayon dito.

hindi ako nagpadala sa takot ko kaya naghanap na lang ako ng ibang lalabasan.napansin kong kakaiba ang pader dito.puro bungo ang buong pader.sa sobrang laki ng lugar, parang na ligaw nayata ako dito.

AY KAINIS NAMAN!!!dead end na pala ito.paano ngayon ako makakalabas?

may nakita akong isang throne sa dulo.napaka astig nitong tignan.parang gawa sa mga buto yung throne at sa likod ng sandalan nito, may nakakapit na demonyong may pakpak na gawa sa marmol.

dahil namangha ako dun, pinuntahan ko ang throne at inupuan.pagkaupo ko, nawala yung tunog na parang kulto.napalitan ito ng isang malakas na halakhak ng isang demonyo.sinubukan kong tumayo mula sa throne pero hindi na ako makatayo na parang may pumipigil sa akin.mula sa ilalim ng throne, may lumabas na itim na usok at nagmukhang bungo ito.lumapit ito sa akin hanggang sa pumasok na ito sa katawan ko.

THE ASSASSIN SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon