chapter 11

19 0 0
                                    

Julia's POV:

yiee!! makikita ko si Luke!sana maging close na kami ngayon.nung una kasi kaming nagkita, pinagkamalan niya pa akong masama.

"malapit na sila"biglang nagsalita si sensei.

pagtingin ko sa harap ko, may nakita akong may pumasok sa illusion barrier ni sensei.ang alam ko ang pangalan niya ay Logan yata.

"magandang hapon sensei"hindi ko napansin na nasa harap na pala namin si Logan.kung anu-ano kasi ang iniisip ko eh.

"magandang hapon din sayo Logan"tugon ni sensei kay Logan.

"ah sensei, sino po yung magandang babae na kasama niyo?syota niyo po?aba may asi...aray!"

"wag mo ngang sirain ang araw ko!kung gusto mo malaman, siya tanungin mo"ahahaha! napikon si sensei sa biro ni Logan.maloko pala itong si Logan.ayan tuloy, nakatikim siya ng batok.

lumapit sakin si Logan habang kinakamot ang ulo niya dahil sa pagbatok ni sensei.

"hi miss, anong panglan mo?"

"ako si Julia...Julia Allison"

"nice to meet you Julia"

inalok niya ang kamay niya para makipag shake hands.

"nice to meet you din Logan am I right?"

nakipag shake hands din ako sa kanya pero habang nagsheshake hands kami, humigpit bigla ang hawak niya sa kamay ko.

"single ka pa ba Julia?"sabay umaangat-angat pa ang kilay niya na parang manyakis.ay hindi pala parang, manyakis siguro talaga itong lalaking ito.

"Logan!!"

"bakit po sensei?"

"wag mong manyakin yang bago niyong kasama!!"

"haa?"

ahahaha!sabi ko na nga ba manyakis ito eh.by the way, mukhang naguguluhan yata si Logan sa sinabi ni sensei.inalis ko ang kamay ko sa kapit ni Logan.manyakis talaga ito.

"tama si sensei, ako ang bago niyong makakasama sa grupo dahil ako ang nagmamay-ari ng nawawalang white sacred stone"

medyo natulala si Logan sa sinabi ko.hindi pa siguro nagsisink-in yung mga sinabi ko sa kanya.pero biglang napalitan ang expression niya.ngumiti bigla siya sa akin na pwede kong tawaging"ngiting manyakis"

"mukhang magkakasundo tayo Julia.lalo na't kagrupo ka pala namin"

SUS!akala mo ba magkakasundo tayo?akala mo lang yun!ayoko kaya sa manyak.

"sa wakas nandito na rin sila.siguradong matutuwa rin si Luke pag nakita ka niya"excited na sabi ni Logan sakin.

natatanaw ko na nga sila Luke kaya natuwa na ako matapos kong mainis sa manyakis na katabi ko.

nung malapit na sila sa amin, parang nakakita ng multo si Luke sa itsura niya.

"IKAW!!??"biglang sumigaw si Luke habang nakatitig sakin.

"magkakilala kayo?"tanong ni Logan kay Luke.

"oo naman!"

bigla na lang itinutok ni Luke yung kamay niya sakin at biglang sumikip ang pakiramdam ko na para akong pinipiga.

"tigilan mo yan Luke!"

"pero sensei..."

"hindi siya masamang tao.hindi mo lang siya binigyan ng oras para makipag-usap sayo nung una niyong pagkikita"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE ASSASSIN SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon